Sa mga sumunod na araw, kahit pa sinubukan kong maging kalmado, hindi pa rin ako matahimik. Ang dami kong tanong, paulit-ulit, paikot-ikot, at kahit halatang naiirita na si Luther, sagot pa rin siya nang sagot. Pilit kong inuunawa ang lahat pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong. Kailangan kong malaman ang buong katotohanan. “Pero paano n’yo nalaman?” muling tanong ko habang kumakain kami ng hapunan. “’Yong sa loob ng villa… paano n’yo nalaman ang mga nangyayari ro’n?” Maagang umuwi si Luther at Miguel mula sa syudad. Wala si Cecelia, naiwan raw dahil sa trabahong hindi raw niya maiwan. Kaya kami lang tatlo ngayon sa hapag, at kahit pa maaliwalas ang paligid ng dining hall, para sa akin, mabigat pa rin ang hangin. Biglang nagkatinginan sina Luther at Miguel. Halatang ayaw nil

