Buong araw kong nilibot ang malawak na lupain nila Luther. Wala ang magkapatid, pati si Manang Beth ay umuwi rin muna sa Sta. Monica. Naiwan ako sa mga tauhan nila dito sa hacienda. Pero kahit gano’n, hindi ko naramdaman na mag-isa ako. Maalalahanin sila, tahimik pero magagalang, at ramdam ko ang respeto nila sa akin bilang bisita ni Luther. Masaya ako. Sobrang saya. I was free to roam, to ask, to smile. Kuryoso ako sa lahat, mga alagang hayop, iba’t ibang klase ng halaman, taniman ng gulay at mga kahoy na punong-puno ng bunga. Hindi ako mapigilang magtanong, at mas lalo akong natuwa nang sagutin nila ako nang walang pag-aalinlangan. Ngayon, mag-isa akong papunta sa isang lumang treehouse sa dulo ng hardin. Isa sa mga tauhan ang nagsabi tungkol dito, na pinagawa raw ito ni Don Faustino

