Hindi ko mapigilang mapangiti pagkagising sa unang umaga ko sa bahay nila Luther. May kung anong gaan sa dibdib ko, ‘yong pakiramdam na parang hindi na ako kailangang magmadali, mag-ingat, o magtago. Ngayon lang ulit ako nakahinga nang ganito, maluwag, tahimik, ligtas. Sa wakas, hindi takot ang gumising sa akin. Agad akong naligo at nag-ayos, kahit may kaunting sakit pa ang katawan ko. Lumabas ako ng silid na may ngiti sa labi at tahimik na dumiretso sa kusina para sana maghanda ng almusal. Pero napatigil ako sa pinto. May naabutan na pala akong nauna. Isang matandang babae, abala sa pagluluto. Nakatalikod siya sa akin habang inaayos ang itlog sa kawali. Paglingon niya, agad kong nakita ang gulat sa mga mata niya. “Ma’am, gising na pala kayo! Napakaaga niyo naman po,” taranta niyang s

