03

2460 Words
Napatalon ako sa aking kinauupuan nang biglang hampasin ni Miller ang lamesa kung saan kami nag-aalmusal ngayon. Isang linggo na ang nakakaraan noong party, kung saan muli kong nakita si Cece. Simula noon ay hindi na ako nakakalabas ng bahay at nakakulong ulit sa mansion niya. “Tanginang, hayop talaga ang put-anginang tao na ‘yon!” sunod sunod na mura ni Miller matapos tanggapin ang tawag. Mas lalo akong natakot at napahawak sa aking puso nang bigla niyang itapon ang kanyang cellphone at sinunod ang mga pagkaing nasa hapag. Ito na naman siya, galit na galit sa mga nangyayari sa kompanya niya. Noong pagkatapos ng party ay maayos ang mood niya. Ngumingiti na para bang nanalo sa lotto dahil nakakuha ng investors galing sa mga Voss, dinig ko iyon sa assistant niya noong pumunta sa bahay. Pero pagkatapos ng dalawang araw muli na namang nag-iinit ang ulo niya. Palaging naninigaw, tinatapon ang mga gamit na nakikita niya sa palagid, at sinasaktan na naman ako. Sinubukan kong makawala sa mga araw na ‘yon, tinawagan ko si Auntie na kausapin niya si Miller na kung p’wede ay pumunta muna ako sa probinsya dahil hindi ko na talaga kaya ang p*******t niya sa akin ngunit maging ang pamilya ko ay ayaw din ako tanggapin. Ni hindi na sinagot ang mga sumunod na tawag ko. Kaya narito ako ngayon sa hapag, takot na takot at may mga pasa sa katawan. Sinubukan ko ring tawagan ang secretary niya ngunit naabutan niya ako at muling sinaktan bago binantaan na papatayin ako… Wala akong magawa kung ‘di ang umiyak sa impyernong bahay na ‘to. “Pu-ta! Sabi ko na eh, tang-inang mga Voss ‘yon alam kong iniisahan lang nila ako!” muli niyang sigaw. “Ikaw?! Kilala mo si Cecelia diba? Paki-usapan mo siyang ibalik ang investors ko, pu-tangina!” Tulala akong nakatingin sa kanya, nangingilid ang luha dahil sa takot at galit sa kanyang mukha. Masakit pa iyong gilid labi ko, may sugat pa ako roon dahil sa pagsampal niya sa akin. Ayaw kong humarap sa kaibigan ko na ganito ang itsura, ako ang maiipit sa gitna kapag nagkataon. Dahan dahan akong umiling sa kanya. Hindi ko kaya, hindi ko kaya ang pinapagawa niya sa akin. Isang malakas na mura ang pinakawalan niya bago tumayo sa kanyang inuupan. Mahigpit ang kapit ko sa aking damit nang lumapit siya sa akin. Tinaas niya ang kamay at napapikit ako sa pagsampal niya ulit sa akin. “Wala ka talagang ginawang tama, Seraphine. Anong gusto mo?! Papakainin lang kita?! Hindi mo ako tutulungan? Walanghiya! Ang sabi ng auntie mo masipag ka at p’wedeng kang gamitin sa anong paraan pero mukhang hindi naman. Pabigat ka rin sa akin!” sigaw niya matapos akong saktan. Napaiyak ako dahil sa sakit, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Parang gusto ko na lang mamatay para mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. “I-Ibalik m-mo na l-lang ako k-kay A-Auntie…” hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas na sabihin iyon sa kanya. Takot na takot ako pero gusto ko pa ring bumoses, nagbabasakali na pakawalan niya ako… Sarkasmong natawa si Miller. “Nagpapatawa ka ba? Tangi-na, binili na kita sa Auntie mo. Sa laki ng utang nila sa akin sa tingin mo ibabalik kita sa kanila? Hindi pa ako tapos sa ‘yo, Seraphine! At hindi ka na rin tatangapin ng Auntie mo dahil ikaw ang binayad nila sa akin kaya h’wag ka nang mangarap na makakawala ka sa akin dahil wala ka ng kawala pa!” aniya bago sinipa ang inuupuan ko dahil para malaglag ako sa sahig. Ramdam ko ang pagsakit ng gilid ko dahil sa pagtama ng kahoy doon. Tuluyang umalis si Miller at naiwan akong mag-isa sa dining area ng bahay niya. Umiyak ako nang umiyak at tinulungan ang sarili na makapunta sa aking silid at doon ay nilapatan ko ng lunas ang mga sugat ko sa katawan. Sa mga sumunod na araw ay walang pinagbago sa ugali ni Miller at ang gumagaling kong sugat ay bumabalik sa sariwa dahil sa kagagawan niya. Disconnected na rin ang landline ng bahay para wala talaga akong may matawagan dito. Hating gabi na rin siya kung umuuwi, iyon lang ata ang pinapasalamatan ko dahil kahit papaano ay hindi siya namamalagi dito. Narito ako ngayon sa sofa habang nakahiga, walang akong ginagawa rito kung ‘di ang mahiga, gumawa ng gawaing bahay o ‘di kaya ay magtanim sa harden na nasa likuran. Nakakabagot pero wala din naman akong magagawa. Sunod sunod na tumunog ang door bell na ikinagulat ko. Sa ilang taon ko rito ni hindi ko narinig na tumunog iyon dahil wala namang pumupunta rito sa bahay niya. Masyado itong tago at hindi rin itong address ang nakalagay sa mga personal informations niya. May mga tauhan din siya sa labas ng bahay, kaya hindi ko alam kung paano iyon gumana. Inalis niya ba ang mga tauhan niya sa labas? Kung gano’n ay p’wede akong tumakas? Kapag nakatakas ba ako magiging maayos ang buhay ko? O papatayin niya ako sa oras na makita niya ulit ako? Kinabahan ako sa mga tanong na nasa isip ko. Gusto kong kumawala ngunit alam ko rin naman kung saan ako aabutin kapag nakawala ako. Muling tumunog iyon at hindi na ako makabalik sa pagkakahiga dahil sa ingay. Tumayo ako at tinignan sa bintana kung sino ang tao sa labas ngunit hindi iyon kita. Lumabas ako ng bahay para matignan kung sino ang nasa gate. Nang makita na secretary niya iyon ay nagtanong ako. “Bakit po?” ani ko sa medyo malakas na boses para marinig niya. “Nandiyan ba si Miller, I have news for him.” annunsyo niya. Sinubukan kong buksan ang pintuan ngunit nakakandado iyon. Isa lang ang ibig sabihin no’n, hinding hindi ako makakawala sa bahay na ‘to at kahit bukas man iyon at susubukan kong umalis malamang ay mahahanap niya rin naman ako. Wala talaga akong kawala sa kanya, masyado siyang makapangyarihan para sa isang katulad ko. “Pasensya ka na Miguel ha, p’wede ka bang bumalik mamaya? Wala pa kasi si Miller dito o ‘di kaya ay puntahan mo na lang siya sa opisina niya at baka naroon siya. Nakasirado kasi ang pintuan at hindi ko mabubuksan.” piniliit kong pasayahin ang boses ko para hindi niya mahala ang nangyayari rito sa loob. Ito ang unang beses na napadpad si Miguel dito at hindi ko alam kung paano niya nalaman ang lugar na ‘to. Secretary siya ni Miller pero ni isang beses ay hindi pa talaga siya nakakapunta sa bahay na ‘to, kaya medyo nagtataka rin ako kung paano niya nahanap ang address na ‘to. Kita ko ang pagngiti ni Miguel. “Gano’n ba? Pasensya na, sige pupuntahan ko na lang si Sir sa opisina. Hindi kasi kami nagkita kanina at nagbabakasakali na nandito siya. Importante kasi ang sasabihin ko,” aniya bago tinitignan ang buong bahay hanggang sa dumapo ang tingin sa gate na naka kandado. Bigla akong kinahaban at baka kung ano ang isipin niya. Natatakot ako at baka magsabi siya sa iba nang mga nangyayari dito at ako na man ang isisihin ni Miller. “Sige, mauuna na ako Ma’am Seraphine. Pasensya sa abala.” aniyang nakangiti. Ngumiti ako bago nagpaalam din sa kanya. Tuluyan na siyang umalis at pumasok sa kanyang sasakyan at bumalik naman ako sa loob ng bahay. Buong araw ay wala akong ginawa, bored ako palagi pero mas maayos na iyon keysa narito si Miller at kung ano ano ang naririnig ko galing sa kanya. Kinagabihan ay dinig kong may pumasok sa loob ng bahay at si Miller iyon. Handa na ang kakainin niya dahil iyon ang gusto niya, gusto niyang pagsilbihan ko siya. Iyon din ang sinabi sa akin ni Auntie, wala raw kasing kaanak itong si Miller kaya ako ang ginawa niyang katulong sa buong bahay niya. “I remove the guards but I know you can’t escape from me, Seraphine. Gawin mo ‘yan at alam mo na kung ano ang mangyayari sa ‘yo.” banta pa niya habang kumakain kaming dalawa. Isang tango ang tugon ko. Alam ko naman, alam ko namang wala akong kawala sa kanya dahil wala akong mapupuntahan na ibang lugar. At wala akong mapupuntahan na magsasalba sa akin galing sa kanya. I don’t have anyone except for myself. Tanggap ko na ang kapalaran ko sa tabi niya. Pagkatapos naming kumain ng hapunan, dumiretso na siya sa loob ng silid niya. Sa totoo lang, nagpapasalamat ako na magkaiba kami ng kuwarto. Isa 'yon sa mga patakaran niya na kailanman ay hindi ko dapat labagin, ang pumasok sa pribadong mundo niya. Noong unang linggo ko pa lang dito, sinubukan kong linisin ang silid niya. Akala ko ay makakatulong ako, pero ang kapalit no’n ay sigaw, mura, at ang bigat ng palad niyang dumapo sa pisngi ko. Simula no’n, hindi ko na muling tinangkang lumapit man lang sa pinto ng kwarto niya. Kahit nakakulong ako sa mala-palasyong bahay na ito, ang silid ko lang ang natitirang espasyo kung saan ko p’wede pang maramdaman na ako pa rin ang may hawak sa sarili ko, kahit kaunti. Kinabukasan, nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto. Mabilis akong napabalikwas ng bangon, ang puso ko’y agad na mabilis ang tib-ok dahil sa panic. Madilim pa sa labas madaling araw pa lang. Baka nagalit na naman si Miller dahil hindi ko naihanda ang lahat bago siya umalis. Pagkabukas ko ng pinto, siya agad ang bumungad. Nakaayos na ng pang opisinang damit niya dahilan para magulat ako. Hindi man lang niya ako ginising ng mas maaga para sana… baka pagalitan niya ako… “Get ready. We’re going. Get some of your clothes, we’re going for a trip,” maikli pero mariing sabi niya. Napanganga ako. Trip? Ngayon? Walang kahit anong pasabi? “K-Kakagising ko lang,” mahina kong sambit, hindi pa rin makapaniwala. Pero bago pa ako tuluyang makapagsalita, bigla siyang uminit. “Ano? Hindi ka pa hahanda d’yan o gusto mong hilahin pa kita palabas ng silid mo?!” Sa tono pa lang ng boses niya, alam kong hindi ito panahon ng pagtatanong. Agad kong kinalimutan ang pag-aalinlangan at mabilis na gumalaw. Nagbihis ako, naghilamos, nagsipilyo, at kinuha ang ilang piraso ng damit na sapat para sa tatlong araw. Hindi ko alam kung gaano katagal kami, pero nagdala na rin ako ng extrang damit at ilang personal na gamit. Habang inaayos ko ang bag, kumakabog ang dibdib ko. Bakit kaya kami biglang aalis? Anong plano niya? Muling tumunog ang katok. Halos mapatalon ako sa gulat. Bitbit ang malaki kong bag, agad kong tinakbo ang pinto. Pagkabukas, sinalubong ako ng malamig niyang titig. “Tapos na ako,” tipid kong sabi, pilit ikinukubli ang kaba at pagod na hindi pa man nagsisimula ay ramdam ko na. “Good. Let’s go.” Walang ngiti. Walang paliwanag. At sa bawat hakbang ko palapit sa kanya, pakiramdam ko'y papasok ako sa panibagong takot at pangamba. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ng isang katulad ko na ipinagbili na sa kanya? I'm already caged, trapped in a golden prison that looks like luxury on the outside but feels like slow suffocation inside. And no matter how much I try to find a way out, every door seems locked, every path leads back to him. I don’t think there’s a way to escape anymore… not without losing a part of myself. Buong byahe ay tulog ako dahil masyado pa akong antok, nagising na lang nang ginising ni Miller para kumain. Tahimik akong kumakain habang nakatingin sa labas ng bintana. May driver naman kami at isa pang tauhan ni Miller na nasa shutgun seat. Van niya ang sinasakyan namin, nasa likuran ako habang siya naman ay nasa gitna. Hindi ko alam kung ilang oras ang byahe namin hanggang sa natanaw ko ang dalampasigan sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung saan parte ito ng Ciudad Esperanza, hindi ko nalibot ang buong lugar simula noong humiwalay ako sa probinsya namin. Ayaw ko rin namang magtanong kay Miller. Pagkababa namin bumungad sa amin ang isang resort, Alon Cove, iyon ang nakalagay. “We’ll be here for a week,” he said coldly, not even glancing in my direction as he stepped out of the car. “I’ll be busy with meetings around the resort, so don’t even think about stepping out of line.” His voice dropped lower, taking on a more menacing tone. “Don’t try anything stupid, Seraphine. You already know what happens when you disobey me.” Hindi ako nagsalita at tumango lamang sa kanya, kagat ang aking labi habang pilit kong kinakalma ang kaba sa dibdib ko. Papasok na sana kami sa resort nang biglang may humintong kotse sa harapan namin, dahilan para mapahinto kami ni Miller. Bumukas ang pinto ng sasakyan, at kasabay ng malamig na ihip ng hangin ay bumungad sa amin ang dalawang pamilyar na mukha, si Luther… at si Cece. Parang biglang tumigil ang mundo ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Hindi ito puwede… sila rin? Ibig sabihin ba nito ay kasama sila sa business trip na ‘to? That means… I will see them. Often. At hindi ko alam kung kakayanin ko pa itago ang lahat ng ito kapag mas lalo nila akong pilitin na sabihin sa kanila ang lahat ng nangyari sa akin… lalo na si Cece. “Good to see both of you,” Miller said, his tone laced with sarcasm, the corner of his mouth twitching in a smirk that didn’t quite reach his eyes. “How’s your deal? Still waiting for me to approve it?” Luther replied coolly, slipping his hands into his pockets like he owned the entire resort…or maybe he did. His eyes, sharp and unyielding, were fixed on Miller like they were in the middle of a silent war. Ramdam ko ang tensyon sa hangin, parang bawat tingin nila sa isa’t isa ay may kasamang apoy. Ayaw kong madamay, kaya marahan akong umatras at nagtago sa likuran ni Miller, pilit tinatakpan ang sarili mula sa lalaking minsang naging masyadong malapit sa puso ko. “What’s wrong? Cat got your tongue?” tuloy ni Luther, ang ngisi niya ay puno ng panunuya. “Sorry, I can’t accept your invites. My business wasn’t built to be paired with losers.” Diretso ang tama ng salita niya, at kahit hindi ako ang pinatutungkulan ay para bang tinusok din ako ng mga iyon. “Kuya, let’s go,” dinig kong sabi ni Cece, sabay hawak sa braso ni Luther, pilit siyang hinihila palayo. Pero bago sila tuluyang tumalikod, tumingin si Luther sa akin, isang mabilis ngunit matalim na sulyap na para bang nagsasabing hindi pa tayo tapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD