04

2279 Words
“This will be our villa for the whole week. I know you’re a good girl, Seraphine, and good girls don’t disappoint,” Miller said in a calm yet menacing tone as we stepped inside the villa. “So do everything exactly the way I taught you. Are we clear?” Wala akong lakas para tumutol. Tipid lang akong tumango habang pinipilit itago ang kaba sa dibdib ko. Malaki ang villa, maaliwalas, parang eksaktong kabaliktaran ng nararamdaman ko. At kahit paano, nagpapasalamat ako na may dalawang silid, isang bakas ng personal space sa pagitan naming dalawa. Pinili ni Miller ang kwartong malapit sa pinto, habang ako ay pinapunta niya sa kwartong malapit sa bintana. Pagkapasok ko ay agad kong ibinaba ang mga gamit at nahiga sa kama. Gusto ko lang mapanatag kahit sandali. Pero kahit anong pilit kong huminga ng malalim, nananatiling mabigat ang dibdib ko. Parang may bakal na tanik na humihila sa akin pababa. Pakiramdam ko, ito na ang pagkakataon ko. Dito, sa lugar na ‘to, hindi sa bahay niya, hindi sa mundo niya. Pero kasabay ng pag-asa ay ang takot. Ilang beses ko na rin namang sinubukang takasan siya, at lahat ng iyon ay nauwi sa sakit at pagkabigo. Biglang kumatok, dahilan para mapabalikwas ako sa kama. Pagbukas ko ng pinto, si Miller. “I have an early meeting today. I’ll leave you here for now,” aniya, habang inaayos ang kanyang relo. “And before your little brain starts entertaining ideas, don’t even try. My men are scattered throughout the resort. You can’t leave me, Seraphine. Ever.” At tuluyan siyang lumabas, iniwan akong nakatayo sa pinto, isang bilanggo sa paraisong ito. Buong umaga ay wala akong ginawa kung ‘di ang tumunganga sa labas ng bintana. I look like a lost child. Sinubukan ko namang lumabas pero natakot ako at bumalik kaagad sa loob at hindi na sinubukang makalabas ulit. Kinahapunan ay lakas loob akong lumabas. I scanned the whole place and notting suspicious about it. Lumabas ako ng villa at naglakad lakad hanggang sa tuluyang makalapit sa dalampasigan. “Sera!!!” sigaw ni Cece, agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Napangiti ako, ngunit may kasamang kaba habang sinisipat ang paligid, baka makita ako ni Miller o ng mga tauhan niya. Mabuti na lang at wala siya sa paligid. Hindi na ako tumutol nang yakapin ako ni Cece nang mahigpit, tila ba matagal kaming hindi nagkita. “Sabi ko na nga ba! Akala ko hindi ka lalabas ng villa niyo!” “Bored na rin kasi ako, gusto ko lang magpahangin kahit sandali,” sagot ko habang pinipilit itago ang kaba. “Good to hear that! Oh, siya nga pala—” Hindi ko na narinig ang kasunod ng sinabi ni Cece. Natigilan ako nang mapansin ko si Luther sa di kalayuan, nakatayo sa may likuran niya. Bigla na lamang siyang naging malinaw sa paningin ko, habang ang lahat ay naging malabo. May kasama siyang babae, naka-red bikini, habang si Luther ay nakasuot lang ng plain white shirt na hapit sa kanyang maskuladong katawan at itim na shorts. Parang huminto ang oras. Wala ba siyang meeting ngayon? Si Miller, maagang umalis dahil may business talk. Hindi ba’t magkasama sila sa mga appointments? “Hoy, Sera. Nakikinig ka ba?” gulat na tanong ni Cece, sabay tapik sa braso ko. “Narinig mo ba ‘yung sinabi ko?” Napakagat ako ng labi at umiling, muling pilit na ibinalik ang atensyon sa kanya. “Ang sabi ko, may party mamaya para sa lahat ng guests. Everyone’s invited. Business trip man ‘to, gusto pa rin ng resort owner na lahat ay mag-enjoy.” “Gano’n ba? Sige, susubukan kong makadalo mamaya,” tipid kong sagot habang hindi maiwasang sumulyap sa direksyon ng dalawa. Muling lumiwanag ang mukha ni Cece, halatang natuwa sa sagot ko. Hinila niya ako palayo, papunta sana sa isang open-air restaurant sa resort. Pero pareho kaming napatigil nang pareho naming mahagilap si Luther kasama ang babae. Umuwang ang labi ni Cece bago bumakas ang mapanuksong ngiti sa kanyang mukha. Hinila niya ako papalapit kina Luther at sa babaeng kasama nito, isang presensyang agad kong naramdaman bago ko pa man siya makita. “Hi, Drea! Narito ka rin pala?” may halong gulat at tuwa ang tono ni Cece. “Akala ko may runway show ka sa Spain?” Ngumiti si Drea at lumapit bago niyakap si Cece nang parang matagal na silang hindi nagkita. “I was about to leave, but when I heard about the conference, I decided to stay. I’ve been thinking… maybe it’s time to shift focus. Business feels more… permanent than modeling.” “Sayang. But it’s always nice to see you.” Tumawa si Cece at mabilis akong tinapik sa balikat. “By the way, this is my friend, Sera.” Ngumiti si Drea, at sa sandaling iyon, parang huminto ang paligid. She was tall, porcelain-skinned, and breathtaking in an intimidating way. Parang siya ‘yung tipo ng babae na palaging nasa cover ng magazine at hindi kailanman nababasa ng ulan. Perfect. Lalo na kapag nakatayo siya sa tabi ni Luther, na sa mga oras na ito’y seryosong nakatingin sa akin, pero hindi ko maipinta kung ano ang laman ng kanyang mga mata. “Hi, Sera,” bati ni Drea habang iniabot ang kanyang kamay, may kumpiyansang hindi nakakairita, kundi nakakabighani. Ngumiti ako, bahagyang nanginginig ang loob. It took me a few seconds bago ko tinanggap ang kamay niya. Parang may maliit na alarma sa loob ko na nagsasabing may mata sa amin. Si Miller. Baka may nakakakita. Baka may mag-ulat. “Hi,” mahinang tugon ko, pilit na ngumiti habang iniwasan ang matagal na eye contact. “Nice to meet you,” dagdag niya bago ibinaling muli ang pansin kay Cece, na agad namang nagpaalam. “Oh, siya nga pala, mauna na kami ni Sera. Enjoy your time!” nakangiting paalam ni Cece bago muling hinila ang kamay ko palayo. Hindi na ako lumingon pa, hindi kay Drea, hindi kay Luther. Pero ramdam ko ang tingin niya sa batok ko, malamig at mabigat, gaya ng boses niyang laging nag-iiwan ng tanong kahit wala siyang sinasabi. Dinala ako ni Cece sa isang malapit na restaurant, isang open-air place na mukhang matao pero hindi ganoon kaingay. Medyo nailang ako, ramdam kong parang may matang nakasunod. Baka isa sa mga tauhan ni Miller ay narito rin. Pero ayokong mahalata ni Cece na ako ay bantay-sarado, na parang bawat kilos ko ay laging sinusukat, bawat ngiti ay may kabang nakatago. Huminga ako nang malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili habang naupo ako sa silya. Nanatili akong tahimik, pero hindi ko maikubli ang kaba sa dibdib ko. “Hmmm, kakain ba tayo? Wala kasi akong dalang pera…” tiningnan ko siya sandali, bitin ang sasabihin. Wala akong sariling pera, Cece. Gusto ko sanang sabihin ‘yon, pero pinigilan ko ang sarili ko. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag na wala akong hawak, wala akong kontrol, at higit sa lahat, wala akong kalayaan. Pakiramdam ko nga, pati katawan ko, hindi ko na rin hawak. Parang bawat parte nito, ari-arian ni Miller. Every inch of me felt leased, owned, branded, stolen. Even my silence belonged to him. My fear. My breath. And now, even in freedom, I still flinch like his ghost is tracing my skin. “I can pay,” tugon ni Cece agad, parang alam niya ang gusto kong sabihin. “I have my card right now. I was actually waiting outside your villa. I thought maybe we could spend time together after that event. Medyo hindi ko kasi nagustuhan ang hangin ng araw na ‘yon… and we barely had time together. I miss my bestfriend.” Ngumiti ako. Gusto ko rin naman ang ideya niya. Gusto kong sumaya kahit papaano. Ilang oras na rin akong hindi kumakain, kaninang tanghali pa, at kahit noon, kaunti lang. Ngayon, nararamdaman ko na ang gutom pero pinipigilan ko ang sarili kong ipahalata iyon. Natuto na kasi akong magtago ng kahinaan. “Ito? Ayaw mo ba nito? This is their famous dessert,” tanong niya habang tinuturo ang isang picture sa menu. Umiling ako. “Masyadong mahal, Cece.” “It’s okay, I have my money,” sagot niya sabay kindat, tapos ay in-order na rin iyon sa waitress. Hindi ko na siya napigilan. Habang naghihintay kami ng orders, napatigil ako nang makita ko sina Luther at Drea na papalapit sa restaurant. Parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Tumayo ang balahibo ko, hindi dahil sa lamig kundi dahil sa presensiya nila. I could feel them before I even saw their shadows. “Kuya, dito din kayo kakain?” si Cece agad ang nagtanong. “Ayaw ko sanang kumain kaso gutom na raw itong si Luther,” si Drea ang sumagot, may halakhak sa dulo ng kanyang boses. I turned my gaze away from them at tumingin na lang kay Cece. Bigla siyang nag-alok ng upuan sa tabi niya. Tatayo na sana ako para ilipat ang sarili, pero pinigilan niya ako. Drea sat beside her. Luther took the seat beside me. Agad akong umusog ng kaunti, parang automatic na reaksyon ng katawan ko. My shoulders stiffened, and I forced my breathing to remain calm. Hindi ko alam kung napansin niya, pero pakiramdam ko ramdam niya ang paglayo ko. Habang nag-uusap silang tatlo tungkol sa kanilang mga order, nanatili akong tahimik. Nakikinig lang. Pero napaurong ako nang maramdaman kong dumampi ang hita ni Luther sa hita ko. Isang maliit na contact lang, pero sapat para manginig ang loob ko. Hindi ko siya tiningnan. Ramdam ko ang paninigas ng katawan ko, ang pag-ikot ng tiyan ko. Hindi ko na inisip kung sinadya ba niya o hindi. Ang alam ko lang, takot ako. Sanay na kasi akong umiwas. Sanay akong iwasan ang bawat haplos, bawat galaw. Dahil sa loob ng dalawang taon, si Miller ang laging may hawak sa katawan ko, lagi niya akong sinasaktan, at lagi kong kinailangan tiisin iyon. Ang balat ko, parang laging nakabantay. At kahit maliit na dampi lang, parang alarma na ang buong katawan ko. Takot. Sakit. Pangamba. Tumitig ako sa mesa, pilit na kinakalma ang sarili. I am safe. I am safe. I am safe. Pero sa tabi ko, naroon si Luther, tahimik, malamig, at mapanganib sa paraang hindi ko pa kayang basahin. Dumating na ang pagkain namin na sabay namang dumating. Kilala ang tatlo ng ibang nagtatrabaho dito, mukhang matagal na nga silang pumupunta rito, habang ako naman ay hindi pa rin mapakali sa takot na baka may tauhan ni Miller ang narito. I was having a good time with the Voss and I knew Miller wouldn’t take this lightly. He’d burn cities if he thought I smiled at another man. Sa utak niya, ang tama ay kung ano ang gusto niya. Ang mali ay ang hindi niya gusto. “Put more on your plate, Sera. Don’t be shy, eat more,” ani Cece, sabay lagay ng mas maraming ulam sa plato ko. This is too much, hindi ko mauubos ang lahat ng ilalagay niya sa plato ko. Pinigilan ko ang kamay niya, bahagyang natawa sa kaba. “Marami pa naman, baka hindi ko maubos lahat.” Libre na nga ito, tapos magtitira pa ako. Ayokong mapahiya. Magsasalita na sana si Cece nang isang boses ang pumatong sa usapan. “It’s okay if you can’t finish everything.” Luther. His voice was low, calm, almost... understanding. Hindi ko siya tinignan. Hindi ko kaya. Nahihiya ako. Baka isipin niyang sinasayang ko lang ang perang pinaghirapan niya. Mahina akong tumango at tuloy sa pagkain habang sila ay nagpatuloy sa pag-uusap tungkol sa negosyo, dahil wala naman akong alam tungkol doon hindi na ako nakisali pa. “I heard they’re still having the business talk. Why are you here and not inside, Luther?” tanong ni Drea, nakangiti, curious. “I wasn’t part of it,” maikling sagot niya. “Si Kuya ang mag-aapprove ng pinag-uusapan nila ngayon,” sabat ni Cece, tila proud pa. Approval? Sa kanya manggagaling? Miller was part of that talk. Kung hindi magustuhan ni Luther ang proposal, malamang, babagsak iyon. Miller won’t accept failure. “I heard Miller Ocampo is leading the talk. His company’s getting more recognition these days,” dagdag ni Drea, casual lang. “I don’t think he’ll have a hard time. I assume you’ll approve it, right, Luther?” Napahinto ako sa pagsubo. Pakiramdam ko unti-unti akong nauupos sa kinauupuan ko. “I don’t think so,” malamig na sagot ni Luther. Cece let out a small laugh, halatang gustong basagin ang tensyon. “Kuya, you’re so funny.” Nakunot ang noo ni Drea. “What? That man’s great in business. I’ve heard a lot about him: rich, smart, powerful. Though... I also heard he’s married. But the wife’s been hidden for years.” Tahimik. Cece slowly turned to me. Ako ang babaeng tinutukoy niya. I was the girl she was talking… and Miller and I never exchange vows. Hindi kami kasal ni Miller. “Where did you hear that he’s married?” tanong ni Luther, mababa ang boses, pero matalim. Walang alinlangan. “From his friends. A magazine even interviewed him. He confirmed it himself.” Natawa si Luther. Isang sarkasmong tawa. Saka siya uminom ng alak, walang kaemosyon-emosyong kinuha ang baso’t sinipsip iyon. Kita ko ang paggalaw ng kanyang adam’s apple. Kita ko rin ang lamig ng kanyang titig nang ibinaling niya ito sa akin. “Delusional, isn’t he?” Boses niyang malamig, pero damang-dama ko ang init ng titig niya. At sa isang iglap, naramdaman kong hindi si Miller ang pinaka-delikado sa mesa naming ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD