Prologue
Nandito ako sa Eina's Mall dahil ngayon ang day off ko. Dalawang araw ang pinakamahabang rest day para sa aming mga empleyado ng Erich Company.
Masyadong matrabaho ang pagiging manager dito dahil bukod sa tatlong beses sa isang taon lang bumibisita ang may-ari ng kumpanya, hindi rin ito nagpapakita maski sa mga shareholders.
Isa pa ay sa akin din nakasalalay ang tiwala ng mga Erich...
Nandito ako sa isang ice cream cafe store at tumitingin ng view. Kita mula sa pwesto ko ang magandang tanawin na nasa labas lang nito.
"Amor!" tawag sa akin ng kung sino.
Tumingin ako rito at napangiti ng makitang si Chae, ang childhood best friend ko na may-ari rin ng store na ito.
"Oh, Chae! Mabuti naman at naisipan mo i-check ang shop mo," sabi ko ng pabiro.
Tumawa naman siya at naupo sa harap ko.
"Tinawagan ako ng manager ko, sabi niya nandito ka raw kaya pumunta ako," sagot nito at tumawa ulit.
"Talaga ba? Kilala pala ako ng manager mo, ha!" pabirong sabi ko sa kaniya.
"Aba! Hindi ba halata? Halos linggo-linggo ka ng nandito. Kilala ka na nga rin ng mga costumer ko, eh."
Natawa naman ako sa sinabi niya.
Hindi naman na ako magtataka dahil ito ang paborito kong tambayan kapag wala akong pasok sa trabaho. Bukod sa hindi ako mahilig gumala ay gusto ko rin dito dahil komportable ako sa tanawin na nakikita ko.
Nang tingnan ko ulit siya ay bagot na bagot ang itsura niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Seriously, Amor? Day off pero nagtatrabaho ka?" sarkastiko na tanong nito.
"Kailangan—"
"Alam mo... masyado ka ng workaholic. Subukan mo kayang libangin ang sarili mo. Tara, sa Club mamaya?" tanong niya at kinagat-kagat pa ang labi nito na animo'y nang-aakit.
Sinara ko naman ang laptop na dala-dala ko at saka tinukod ang dalawang siko sa lamesa. Ginilid ko rin ang mint choco ice cream na malapit ng matunaw dahil nakaharang ito sa aming dalawa ni Chae.
"Chae, wala akong oras maglibang. Kailangan kong kumayod para mabuhay ang sarili ko," seryosong wika ko.
She sighed. "I know, Amor, but we both know that you don't need to do that. You're—"
"Stop, Chae. Kung nandito ka para sabihin at ipaalala 'yan sa akin, mas mabuti kung umalis ka na lang. Asikasuhin mo itong store mo at hindi akong costumer mo," sarkastikong ani ko sa kaniya.
Binuksan ko ang laptop at nagpatuloy sa pag-type at pag-aayos ng mga pinasa sa akin ng bawat department. Kailangan ko na itong ipasa sa Lunes dahil darating daw ang may-ari ng kumpanya.
"Sige na nga. Hindi ko na babanggitin ang tungkol doon," nakangusong aniya.
Agad naman akong napa-roll eyes dahil sa tugon nito
"Chae, how many times did you say it? Hundreds? No, thousands," I sarcastically said.
She chuckled. “Wow! Bilang mo pa, ha. Pero tama naman ako, 'di ba? Sana—"
"Chae!" I shouted and glared at her.
"Hey! Chillax. Sabi ko nga may kailangan pa ako asikasuhin," sabi niya at dahan-dahan umalis sa harapan ko.
Pagkaalis niya ay saka ko na tinuloy ang kailangan gawin.
Time flies and it's already afternoon but I'm still here in Chae's shop.
"Ma'am."
Napalingon ako nang tawagin ako sa isa sa mga staffs ng cafe.
"Yes?" tanong ko.
"Pasensya na po, pero kailangan na namin magsara."
Napakunot ako dahil sa pagtataka at napatingin sa orasan.
"Huh? Hindi ba't 10 pm pa ang sara niyo? Eh, 5 pm pa lang," tanong ko rito.
"Sabi po ni Ma'am Chae ay kailangan daw po magsara ng maaga dahil bukas po ay may outing ang mga staffs at manager para raw po ma-relax kami," ngiting sagot nito.
Inayos ko naman ang gamit ko at tumingin sa kaniya.
"Sige, maraming salamat. Enjoy your outing!" I said and smiled at her.
"Thank you rin po, Ma'am," sabi nito at umalis na.
Bago ako lumabas ay tinawag pa ako ni Chae.
"Bakit?" tanong ko.
"Gusto mo ba sumama sa outing namin?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Hindi na dahil marami pa akong kailangang gawin at saka bonding niyo 'yon ng mga staff mo, 'no. Labas na ako riyan."
"Oh, siya sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi."
Tumango lang ako sa sinabi niya at umalis na.
Nag-commute ako gamit ang jeep dahil isang sakay lang naman ang apartment na tinitirhan ko mula rito.
Pagdating ko roon ay nagtataka ako kung bakit nagkukumpulan ang mga chismosang kapitbahay namin sa harap ng apartment ko. Mag-gagabi na pero chismis pa rin ang alam.
"Hoy! Kayong mga chismosa, magluto na nga kayo ng makakain niyo roon. Hindi 'yong puro chismis lang ang alam niyo!" sigaw ko sa kanila.
"Hoy ka rin! Aba, wala kang galang, ah! Tignan mo nga itong fiance mo, ang dungis-dungis!" sigaw sa akin ng isang babae.
Napakunot naman ako ng noo dahil sa pagtataka. Napagpasiyahan ko na lumapit sa harap ng pinto ko para makita kung sino ang tinutukoy nila.
Nagulat ako nang makitang may tao rito na nakaupo at sobrang dungis.
"Sino ka—"
"Mahal ko."