Agad niya akong sinungaban ng yakap at niyakap nang mahigpit.
“May asawa na pala 'yang babaeng 'yan?”
“In fairness ha? May itsura rin 'yong lalaki.”
“Buti naman at may pumatol pa sa babaeng iyan!”
“Mukha yatang isip bata 'yong lalaki. Sayang gwapo pa naman.”
Rinig kong mga bulungan nila. Daig pa nila ang announcement ng barangay kung makasagap ng balita.
"Magsi-uwi na po kayo kung ayaw niyong tumawag ako ng barangay tanod para ipa-barangay ko kayo," sabi ko sa mahinahon na salita pero may riin.
Agad naman silang nagtakbuhan nang marinig iyon.
Humiwalay ako sa yakap ng lalaking kaharap ko. Agad naman siyang napasimangot.
Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang kabuuan. Konti na lang ay mapagkakamalan na siyang pulubi dahil sa dumi ng katawan at damit nito. Kung hindi lang sa kaputian nito at kagwapuhan ay hindi mo masasabi na anak mayaman talaga.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa lalaking ito.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay inulit niya lang ang sinabi niya kanina.
Nangunot ang aking noo at dahil hindi na ako naging komportable sa kilos at pananalita nito kaya pina-barangay ko siya.
"Amor, anong problema mo?" tanong ni kap.
"Kapitan, kung anu-ano po kasi ang pinagsasabi niya sa akin at saka nakakaistorbo na po siya," sumbong ko kay kap.
Pinasadahan naman ni kapitan ng tingin ang lalaking nasa harap ko ngayon.
"Mukhang mayaman kaso mukha ring hindi naligo ng ilang buwan." Iling-iling na sabi niya.
"Hindi ko po siya kilala, kap. Kaya ganoon na lang ang gulat ko nang makita siya sa labas ng apartment ko."
"Sigurado ka ba na hindi mo siya kilala?" paninigurado ni kap.
Tatango na sana ako bilang sagot ngunit nang marinig ng lalaking kaharap ko iyon ay agad siyang pumunta sa akin at niyakap ako.
"Natatakot ako sa kaniya. Huwag mo ako iwan dito, Heina," sabi niya sa boses bata.
Agad nanlaki ang mata ko dahil sa gulat...
Paano niya nalaman ang unang pangalan ko? Sa pagkakaalam ko ay walang nakakaalam ng buong ngalan ko bukod sa aking pamilya at mga kalaro noong elementarya pa lang ako.
"Sino ka?" tanong ko sa kaniya.
"Gusto mo ba na iwan dito 'yan, Amor? Mukha namang kilala ka niya, eh," tanong sa akin ni kap.
"Sige, kap, iuuwi ko na lang siya," bigla kong sabi sa kaniya.
Iling-iling na tumingin sa amin si kapitan.
"Siya sige. Mag-ingat kayo," aniya.
Alam ko kung ano ang iniisip ngayon ni kapitan dahil para ko na rin siyang pangalawang ama. Alam kong na-wirduhan siya sa mga pananalita at kilos ko ngunit kailangan ko malaman kung sino ang lalaking ito.
Kung ibinigay ko siya kay kapitan ay panigurado ako na sa Mental Hospital ang bagsak ng lalaking ito, dahil base sa pananalita niya ay ibang-iba sa korte ng katawan niya.
He has big broad shoulders and an hourglass waist. He has a trapezoid body. Even though he's filthy, you can still see his long eyelashes that made him more attractive. His height will make you small and in my conclusion he is 5'8 or more.
Nagulat ako nang biglang may humila sa dulo ng damit ko. Yumuko ako pero ako na mismo ang natawa sa sarili ko dahil sa katangahan ko. Naalala ko na matangkad pala ang kasama ko kaya tumingala ako para tignan siya.
"Bakit?" mataray na tanong ko rito.
Nakasimangot na naman siya...
"We're here," saad nito sa boses bata ulit.
For me... he's not intimidating though, even his voice. He's just a little weird for me.
Binuksan ko ang pinto ng apartment at agad na inayos ang gamit ko.
Pinapunta ko siya sa bathroom para sana palinisin ng katawan niya, ngunit nagulat na naman ako nang hilahin niya ang damit ko.
Dahil sa lakas ng pwersa ng paghila niya ay muntik na ako mahulog sa kaniya at mahalikan siya.
"I don't know how to take a bath, Heina," he said while pouting.
Napaawang naman ang bibig ko, hindi dahil sa sobrang lapit ng mukha namin ngayon kun'di ay dahil sa sinabi niya.
Seriously? Sinong maniniwala sa sinasabi niya?! Mukha nga siyang mas matanda sa akin tapos hindi siya marunong maligo? At saka nagtataka rin talaga ako kung paano niya nalaman ang unang pangalan ko...
Bago ko siya tadtarin ng mga tanong ay inihanda ko ang oversize shirt ko, ang pants at underwear.
Sigurado ako na kasya ang oversize na t-shirt sa kaniya dahil flexible naman ito. Iyong pants at underwear naman ay nakuha ko mula sa exchange gift noong Christmas Party sa kumpanya, tawa nga sila nang tawa dahil sa nakuha ko ngunit tinago ko pa rin ito para sa future purposes.
"Maghubad ka na," sabi ko sa kaniya habang nakatalikod.
Nang hindi ko siya maramdaman na gumalaw ay inis akong humarap sa kaniya.
Nakataas ang kamay niya na animo'y hirap na hirap siya sa pagtanggal ng damit at kailangan pa ng tulong.
"Seryoso ka ba?! Pati paghuhubad ay hindi mo alam kung paano?" Hindi ko na naiwasan mapagtaasan siya ng boses dahil na rin sa pagod at inis ko.
Agad naman tumulo ang mga luha niya na nagpagulat sa akin.
Ang ayaw ko sa lahat ay may nakitang may nagpapaiyak ng kung sino, pero heto ako... ako mismo ang nagpaiyak sa kaniya.
Niyakap ko siya dahil na rin sa awa at inis sa sarili.
"Tahan na," pagpapatahan ko sa kaniya.
Niyakap niya ulit ako.
"Galit ka ba sa akin, Heina ko?" tanong niya habang humihikbi.
Umiling ako sa sagot niya.
Sumisinghot-singhot pa siya habang umiiyak kaya natawa naman ako dahil doon.
Akalain mo iyon? Sinong mag-aakala na sa itsura niya ay hindi mo mahahalata ang pagiging bata nito...?
"Tahan na," pagpapatahan ko ulit sa kaniya at tinapik-tapik ang kaniyang likod.
Pagkatapos ng drama ay agad siyang naligo... ang ibig kong sabihin ay pinaliguan ko. Nakapikit ako habang pinaliliguan siya kaya pagtapos niya maligo ay naligo na rin ako dahil nabasa na rin ako ng tubig kaya wala na akong magawa kun'di sumunod na rin ng pagligo sa kaniya.
Paglabas ko sa banyo ay nakita ko siyang nakaupo sa kama at nilalaro-laro ang mga paa niya.
Para talaga siyang bata...
Nilapitan ko siya at naupo sa kaniyang tabi.
"Heina," bulong nito at yumakap na naman sa akin.
Dahil doon ay hindi na naman ako naging komportable sa kaniya dahil kanina pa siya yakap nang yakap sa akin kaya umupo na lang ako sa harap niya.
I both crossed my arms and legs and acted like a boss.
"Who are you?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
Hindi naman siya sumagot kaya nakunot naman ang noo ko.
"Seryo—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita siya.
"Hindi ko alam ang pangalan ko," sabi niya na animo'y nahihiya at yumuko.
Sa pangalawang pagkakataon ay napaawang na naman ako ng bibig dahil sa sinabi niya.
"Imposible," bulong ko.
Tinaas niya ang kaniyang ulo at nakipagtitigan sa akin.
"Sobrang imposible ng sinasabi mo. Pumunta ka rito ng hindi mo alam ang pangalan mo pero alam mo kung sino ako?" Natawa na lang ako dahil sa kahibangan. Hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ba siya o hindi.
"I don't know. I just saw the images flash in my mind when I saw your slippers outside your door. I knocked there but no one opened the door so, I waited because I thought that you knew me..."
"Those slippers are mine and I'm planning to give them to an orphanage," I said.
"Don't!" he shouted.
"Bakit naman?" tanong ko habang nakakunot ang noo dahil sa pagtataka.
"Let me hide it," malambing ang tono na aniya.
"Sus! Kalat na naman at saka hindi mo naman 'yon magagamit, ang laki-laki ng paa mo," sigaw ko.
"Just let me."
I sighed. "Sige, sa iyo na 'yan tutal hindi ko naman na magagamit. At saka, puwede ba? Tigil-tigilan mo 'yang pag-e-English mo."
"I don't know how to speak Tagalog. Slight lang," nahihiyang sabi nito.
Na-realize ko na lumalayo na kami sa totoong pakay at tanong ko kaya nag-seryoso ulit ako.
"Sino ka ba talaga?" tanong ko ulit.
"I told you. I really don't know who I am."
"Really? Ha! Do you think you can fool around me?" Napahilot na lang ako ng aking sintido dahil sa kaniya.
"Is that what you think of me?" he said and was about to cry.
He's such a cry baby.
"Don't cry in front of me. I hate that," sabi ko at inilihis ang paningin para hindi maawa at madala sa iyak nito.
Dahil dapit-hapon na ay nagpasya na akong magluto ng gabihan.
Kahit na ilang beses ako magtanong ay ganoon pa rin ang sagot niya, kaya hahayaan ko na lang muna siya.
"Maupo ka na rito."
Nanatili siyang nakatayo at tinitignan ang mga frame sa sala kaya pumunta na rin ako sa kaniya.
"Alam kong maganda ako pero kung ayaw mo maubusan ng pagkain, kumain ka na," sabi ko.
Humarap siya sa akin habang nakakunot ang noo.
"Bakit mag-isa ka lang sa mga picture?" tanong nito.
Ako naman ang nangunot ang noo dahil sa pagtataka. "Pake mo ba?! Mind your own business, at saka tara na nga! Lumalamig na ang pagkain."
Pagkatapos namin kumain ay naghugas ako ng pinggan samantalang siya ay nanonood ng telebisyon.
Inutusan ko nga siya na maghugas ng pinggan pero ang gago, hindi raw marunong maghugas. Sabagay, kutis pa lang halatang mayaman na kaya hindi siguro talaga siya marunong maghugas.
Pagkatapos ay pumunta na ako roon para tingnan siya. Nang makita ko ito ay tila ba naawa ako sa kalagayan niya. Nakabaluktot na nakahiga sa siya sa aking sofa. Ang sofa ko kasi ay maliit lang kaya hindi talaga siya kakasiya.
Ayaw ko siyang gisingin kaya nilagay ko ang braso niya sa batok ko para alalayan siya papuntang kwarto. Malawak naman ang kama at alam kong wala siyang gagawing masama sa akin… sana nga.
Nang maihiga ko ito sa kama ay sunod kong kinumutan siya para hindi lamigin. Ako naman ay naupo sa tabi niya at kinuha ang laptop. Hindi pa ako tapos sa mga kailangan gawin pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ko kinuha ang laptop na ito.
Gusto ko malaman kung may sintomas ba talaga ng mental disorder ang lalaking katabi ko para madala ko siya sa ligtas na lugar kung sakali.
Nag-search ako nang mga pinapakita niyang sintomas. Unang lumabas ay bipolar disorder, binasa ko lahat ito at maniniwala na sana ako dahil tugmang-tugma ang mga sintomas na pinapakita niya ngunit may naalala ako sa sinabi niya.
Kaya nag-search ako tungkol sa amnesia. Gayon na lang ang gulat ko dahil tugma rin ang ibang sintomas na pinapakita niya.
Maaaring nagkaroon siya ng mild accident kaya ganoon ang kinikilos niya ngunit maaari rin na nagpapanggap lamang siya…
“Yeah, trust issue again,” nasabi ko na lang sa aking isipan.
Pagkatapos ko ayusin ang mga applicants form ay niligpit ko ang laptop.
Magha-hire raw ng secretary ang CEO kaya ganoon na lang ang stress ko dahil maraming nag-apply para maging secretary dahil daw kuno sa usap-usapan na pogi ang CEO ng kumpaniya.
“Magtatrabaho para pumasok o para lumandi?” Iyan na lang ang nasabi ko sa aking isipan nang makita ang forms.
Bukas ay panibagong araw na naman. Day off ko ngunit buong hapon ako nakaharap sa laptop dahil sa sobrang daming asikasuhin sa kumpanya.
Paghiga ko ay agad naman ako na-estatwa sa hinihigaan ko dahil biglang gumalaw ang lalaking katabi ko at niyakap ako.
"Si Heina lang ang fiancee ko," wika nito.
Kinilabutan ako sa sinabi niya. Nang tignan ko siya ay nakapikit siya at mukhang nagsasalita habang tulog.
“Bata talaga,” sabi ko na lang sa aking isip at natulog na.
Gumising ako na wala na ang katabi ko.
Tumalon-talon at sumigaw-sigaw naman ako sa sobrang saya dahil akala ko nagpasiya na siyang umalis ngunit napatigil ako nang makitang nakatayo siya sa pinto ng banyo at yakap-yakap ang teddy bear ko.
Agad naman akong tumakbo papunta sa kaniya para kuhain ito ngunit bigla niya rin itong hinila kaya ang ending ay naghilahan kami sa teddy bear.
Natigil lang kami sa hilahan nang biglang tumunog ang teddy bear. Hindi dahil sa kung anong bagay, kun'di dahil sa may malapit ng mapunit na parte nito.
Ako na ang nagkusang bumitaw dahil alam kong hindi pa rin naman ako mananalo dahil sa lakas niya.
Nang matapos na kaming maligo at kumain ay bigla siyang nagsalita.
"Saan ka pupunta?" tanong niya at sumimangot.
I can't deny that he's cute but still annoying.
Tinignan ko naman ang suot ko. Napatampal naman ako sa noo nang mapansin na nakapang-lakad ako.
Nakasanayan ko na kasi na umalis ng bahay tuwing rest day pero dahil nga nandito ang lalaking ito ay hindi ako puwede basta-basta umalis dahil una, hindi pa tuyo ang damit niya. Pangalawa, pagkakamalan kami na 'in relationship' kahit na hindi naman namin kilala ang isa't isa. At pangatlo, hindi ko pa rin alam kung anong nangyari sa kaniya.
Nagpalit ako ng damit at naupo sa kama at kinuha ang laptop para ayusin ang mga form na hindi ko natapos kahapon.
Napataas ako ng kilay nang makitang nakaupo siya sa harap ko at nakatingin sa akin.
"Puwede ba? Huwag mo 'ko tignan ng ganiyan," utos ko.
Ayaw ko sabihin na naiilang ako sa mga titig niya dahil baka ma-offend siya at umiyak na naman.
Sumimangot lang siya bilang tugon.
"Puwede ka manood ng T.V. doon sa sala. Maraming cartoons tuwing umaga. Kapag naman hindi mo nagustuhan ang mga palabas, manood ka na lang sa cellphone ko."
Tumango naman siya at hindi na tumugon pa. Lalabas na sana siya nang may maalala ako.
"Sandali!" pigil ko sa kaniya.
"Bakit?" tanong nito.
"Maaari ko bang itanong kung naaalala mo kung sino ang pamilya mo?" tanong ko ngunit umiling lang siya bilang sagot.
Napabuntong hininga naman ako dahil sa pagkadismaya.
"Eh, naaalala mo ba kung paano ka napunta sa apartment ko?" tanong ko ulit.
Umupo ulit siya sa inuupuan niya kanina at nagsalita.
"The only thing I remember is I'm in the hospital but I ran away because they're scary. They're monsters," he said and hugged the teddy bear.
"Ano?! Sigurado akong pinaghahanap ka na ngayon. Tara sa police station para maibalik ka sa—"
"Please, don't. I'm afraid when I'm in that place. I think they might hurt me," he said while crying.
Lumapit ako sa kaniya at hinagod ang likod niya.
"Of course, they won't hurt you. They're the ones who'll help you."
Even though, I explained everything to him, he still don't want to go there.
I can't do anything since, they can misunderstand that he's my fiance even if he's not.
Maybe, he doesn't want to go there because he's afraid of getting an injection. He just doesn't want to tell to me...
"Okay, payag na ako na rito ka na lang muna pero may mga rules na kailangan sundin. Ayos ba?" tanong ko rito.
Tumango naman siya.
"Una, payag ako na tabi tayo sa kama pero siguraduhin mo na hindi didikit 'yang balat mo sa akin. Pangalawa, dahil may pasok ako tuwing weekdays ay kailangan dito ka lang sa bahay at wala kang papapasukin na kahit na sino bukod sa akin. Naiintindihan mo ba?" pagpapaliwanag ko.
"At saka, mamayang hapon ay pupunta tayo sa Mall para bilhan ka ng mga damit," pagpapatuloy ko.
Tango lang ang tangi niyang sagot.
"Tango lang talaga ang sagot mo, 'no? Para kang walang bibig," mataray na wika ko rito.
"Sorry. I don't know what to say because I'm afraid that if I speak, you will return me to the hospital," he said and hugged the teddy bear again.
I sighed. "I won't, okay?"
“I'll take care of you until your memory come back,” wika ko na lang sa aking isipan...
Niyakap ko siya upang pagaanin ang loob niya.
Napakunot naman ako nang may nakita akong tattoo sa braso niya. Ang nakalagay rito ay ang numero uno.
"May tattoo ka pala," bulong ko.
"Huh? Really?!"
Nilapit ko sa kaniya ang salamin at pinakita ang tattoo niya.
"I don't know..." he murmured.
"It's okay. Maybe, you just have temporary amnesia."
"Do you think I am?" he asked and I nodded.
"Do you think I have a girlfriend, fiancee, or wife?" he asked again.
Nawala naman ang ngiti ko. Sa tanong niyang iyon ay maraming pumasok sa aking isipan.
“Bawal ka ma-attract, Amor, ha? Hindi ka marupok.” 'Yan na lang ang nasabi ko sa isip ko.
"Heina?" Nagising ako sa ulirat nang magsalita siya.
"Ha? I mean... hindi ko alam. Hindi naman kita kilala, eh. Pero hindi imposible na wala kang girlfriend o asawa."
He sighed. "Don't worry. If I have, I'll leave her just to be with you."
"That's a little harsh though. At saka, dala pa ng kunsensiya ko kung masaktan siya, 'no."
He didn't speak for what I said.
"May naisip ako," sabi ko.
"What is it?" he asked.
"Sabi mo hindi mo alam ang pangalan mo, 'di ba?" tanong ko at tumango naman siya.
"Sige. Habang hindi mo pa naaalala ang pangalan mo. Papangalanan na lang kitang Uno."
"That sounds great. Uno, huh?" he said and smirked.
It made me shiver but he smiled again.
"So? Hi, Uno. I'm Heina Amor Curtis. It's nice to see you."
"Hi, Heina. I'm Uno," he said and laughed.
He clapped his hand and I knew that he really liked his name. I mean... my nickname to him.
I'm sure that I won't get attached to you, Uno. I promise that...