Nagising ako nang tapikin ako ni Uno. Nakatulog pala ako sa kama habang tinitignan ang mga forms.
"Nasaan na 'yong laptop?" tanong ko sa kaniya dahil wala na iyon sa tabi ko.
"I set it aside because the gadget's radiation is bad for our health."
"Ah, ganoon ba?" saad ko at tumango-tango.
Hindi ko alam na nakakasama pala iyon sa kalusugan. Marami rin pala akong matutunan sa lalaking ito...
"Uno, puwede mo ba kunin ang cellphone ko?" tanong ko sa kaniya.
Sobrang sakit ng katawan ko dahil siguro sa maling pwesto ko sa pagtulog.
"Where is it?" he asked and he's still hugging the teddy bear.
"There." Tinuro ko ang cellphone na nasa mini sofa sa kwarto.
Kinuha naman niya ito at inabot sa akin.
"Shít!"
Napamura ako nang makitang may message sa akin si Ms. Del Valgon. Siya ang assistant manager ng CEO na kahit kailan ay apelyido lang ang tangi naming alam tungkol sa kaniya.
From: Ms. Del Valgon
“We have a meeting. 7 pm sharp. Announce it to all head departments.”
Tinignan ko ang orasan. 5:47 pm na pala.
Agad akong bumangon at kinuha ang laptop. Nag-chat ako sa GC na may emergency meeting kami at katulad ng reaction ko ay ganoon din ang reaction nila.
"Why? What happened, Heina?" tanong ni Uno.
"Dito ka lang sa bahay, ha? May emergency meeting kami. 'Wag ka mag-alala dahil mabilis lang kami sa meeting at pag-uwi ko ay 'tsaka tayo kakain ng gabihan. Bibili na lang ako ng ulam sa labas."
Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil agad akong tumakbo papuntang banyo at nagpalit ng damit.
"Huwag kang lalabas, Uno!" sigaw ko at saka nagpatuloy sa pagtakbo.
Sinara ko rin ang pinto para makasiguro na walang papasok na kung sino.
Nagpara ako ng taxi para mas mabilis. Wala akong pakialam kung mahal ang bayad. Ang mahalaga ay makarating ako roon bago dumating si Ms. Del Valgon.
Tinignan ko ang oras at 6:26 pm na.
"Manong, wala na bang ibibilis itong taxi niyo?" tanong ko habang tingin nang tingin sa relo ko.
"Ma'am, hindi po kasalanan ng taxi ko kung traffic sa kalsada," sagot naman sa akin ni Manong.
Tinignan ko ulit ang orasan ko. 6:34 pm na.
"Manong, ito na ang bayad." Binigay ko sa kaniya ang bayad at lumabas.
Tatakbuhin ko na lang ang Erich Company tutal medyo malapit na ako.
Dumating ako roon na pawis na pawis dahil sa pagtakbo.
Walang mga guard na nagbabantay dito dahil emergency meeting nga. Tanging ako at mga head ng bawat departments lang ang nandito.
May nakasabay ako sa elevator habang paakyat. Si Bessy.
"Oh! Mukhang naligo ka sa ulan, ah?" birong sabi niya.
Natawa naman ako at dahil doon at medyo bumaba ang kabang nararamdaman ko.
"Sus! Nasasabi mo 'yan dahil walking distance lang naman ang condo mo sa company, 'no."
Tumawa siya pagkatapos ko iyon sabihin.
Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagpatuloy sa paglalakad.
Sabay kaming pumasok at sa inaasahan ay nandito na si Ms. Del Valgon... tatlumpung minutos bago ang binigay na oras ay dapat na nandito ka na dahil maaga talaga siya dumating pero dahil nga traffic ay na-late ako kahit 6:48 pm pa lang.
"Ms. Curtis, grabe?! Ikaw ang manager dito pero ikaw pa ang late? I'm so disappointed to you."
After she said that, she stood in front to discuss the meeting.
"So, unexpectedly hindi makakapunta ang CEO rito."
Dahil sa sinabi niya ay nagbulong-bulungan ang mga head departments.
"Tahimik!" sigaw nito.
May nagtaas naman ng kamay sa mga head departments kaya napataas din ng kilay si miss.
"Go ahead."
"Ms. Del Valgon, ano raw po ang dahilan kung bakit hindi tuloy ang CEO rito?" tanong ng isa sa mga head ng departments.
Ngumiti naman ng nakaloloko si Ms.
"Hindi ko rin alam. Pero kung may dahilan man, hindi niyo na iyon kailangan malaman. 'Wag kayong chismosa. Nandito kayo para magtrabaho hindi para chumismis."
Agad naman naupo si Erin, siya ang babaeng nagtanong. Tila napahiya siya at nasaktan.
Kung ako ang nasa posisyon niya ay masasaktan din ako dahil butt hurt na talaga ang sinabi ni miss.
"Ms. Curtis!" sigaw niya na nagpagulat sa akin.
"Yes, miss?" tanong ko.
"Nasaan na ang mga applicants' form? Ako na ang kukuha noon at titignan lahat."
"Miss, hindi ba bukas pa ang deadline ng pasahan?" alanganin kong tanong sa kaniya.
Agad naman umusok ang ilong niya dahil alam niyang napahiya siya.
"Sabihin mo lang na hindi mo pa tapos ang form! 'Yan kasi puro landi ang inuuna."
Naikuyom ko ang aking kamayo sa ilalim ng lamesa ngunit agad naman iyon kumalma dahil hinawakan iyon ni Zain.
Si Zain ay matagal ko ng manliligaw kahit na ilang beses ko na siyang ni-reject ngunit sabi niya ay maghihintay daw siya sa tamang panahon.
Lumabas si Ms. Del Valgon at padabog na sinara ang pinto. Doon lang kami nakahinga nang maluwag.
"Grabe! Siya na nga ang nagpa-emergency meeting, siya pa ang may lakas ng loob na magalit at manigaw-nigaw sa atin ng ganoon!" inis na singhal ni Bessy.
Sa lahat ng head departments ay si Bessy lang ang may lakas ng loob na sabihin ang mga iyon kay Ms. Del Valgon dahil siya ay pinsan ng CEO pero mas gusto niya na maghirap bago abutin ang posisyon na gusto niya.
"Sa tingin ko ay wala siyang karapatan na sabihin ang mga iyon kay Ms. Curtis dahil labas na iyon sa trabaho," sabi naman ni Erin.
"Anong sa tingin lang? Wala talaga siyang karapatan na sabihin ang mga iyon! Dahil una, kung tutuusin ay mas mataas pa ang posisyon ni Heina sa kaniya kaso dahil nga sipsip siya ay siya na ang naging head sa ating lahat."
Tumingin sa akin si Bessy.
"Huwag kang mag-alala. Pag nandito na ang CEO ay hindi na siya makakapagsalita sa atin ng ganoon."
Tumango lang ako sa sinabi niya. Tinanggal ko naman ang pagkakahawak ni Zain sa aking kamay dahil kanina pa iyon nakahawak doon.
Kaming apat na lang ang natira sa meeting room dahil halos lahat ay umalis na.
"May tanong ako, Bessy," sabi ni Erin.
"Oh, ano 'yon? Chismis ba 'yan?" tanong naman niya at tumawa.
"Hindi ba pinsan mo ang CEO? Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit hindi raw matutuloy ang pagpunta niya rito?" tanong niya.
Agad naman tumahimik si Bessy dahil sa tinanong niya. Naging seryoso rin ang mukha nito.
"Sa tingin ko, hindi maganda na—"
Hindi natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya ito.
"Wala na tayo sa posisyon para malaman kung ano man ang nangyayari sa CEO ngayon," seryosong sabi ni Bessy.
Pagkatapos niya sabihin iyon ay lumabas na siya ng meeting room. Sumunod naman si Erin. Baka hihingi siya ng tawad dahil alam niyang na-offend niya si Bessy.
Ako at si Zain na lang ang naririto.
"Zain, maaari ka ng umuwi. May aasikasuhin pa ako kaya mauna ka na."
Pero imbis na umalis ay umupo pa siya sa tabi ko.
"Tatapusin ko pa ang mga forms kaya umuwi ka na," ani ko ulit.
"Tulungan na kita."
Hinayaan ko na rin siya dahil alam kong matatalo lang ako kapag nakipag-debate pa ako sa kaniya.
Napa-stretch na lang ako ng aking kamay ng matapos namin i-ready ang mga forms.
"Sa wakas!" sigaw ko.
Zain chuckled because of how I acted.
Parehas namin niligpit ang kalat at sabay na lumabas ng kumpanya.
"Let's eat? Shall we?" he asked.
Natuod naman ako sa kinatatayuan ko nang may maalala.
At sa pangalawang pagkakataon ay tumakbo na naman ako para makasakay sa jeep. Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Zain sa sobrang pagmamadali.
10:29 pm na. Sigurado akong gutom na gutom na si Uno. Shít! Bakit ko ba kasi siya nakalimutan?!
Pagbaba ko ng jeep ay bumili ako sa tindahan ni Aling Eva na nasa kanto lang ng street namin.
"Oh, Amor? Anong kailangan mo?" tanong niya.
"Aling Eva, anong mga ulam ang mayroon pa kayo?" tanong ko.
"Ay, ito na lang. Kare-kare. Naubos na kasi lahat kanina."
Masarap kasi talaga magluto si Aling Eva kaya madaling maubos ang mga paninda niya.
"Sige po. Isang order ng kare-kare tapos tatlong order na rin ng kanin."
"Sige, Iha. Sandali lang, ha."
Tumango lang ako sa sinabi niya.
"Ay, teka lang? Ngayon ka lang ba kakain? Masyadong gabi na, ah. Huwag ka magpapalipas ng gutom. Oh siya, ito na ang order mo."
"Magkano po?" Tanong ko.
"Libre na iyan para sayo, Iha. Birthday ko ngayon kaya pahanda ko na iyan sa'yo."
Hala! Birthday pala ngayon ni Aling Eva. Imbis na ako ang magregalo sa kaniya ay siya pa ang nagbigay sa akin.
"Maraming salamat po, Aling Eva. Happy birthday na rin po." Niyakap ko siya pagkatapos ko iyon sabihin.
Nilakad ko na lang ang papuntang apartment dahil pagod na pagod na rin akong tumakbo.
Kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang nagbukas kaya tinawag ko siya.
"Uno?" tawag ko sa kaniya.
Agad naman niya iyon binuksan at nakabusangot na mukha ang bumungad sa akin.
"Heina..." tawag niya sa akin.
Pumasok ako at niyakap siya.
"Uno," bulong ko.
"Galit ako sa iyo, Heina ko," sabi niya. "Galit na galit ako sa iyo."
"Sorry."
"Sorry isn't enough for that, Heina. You said that the meeting will end fast and I expected... but you failed to fulfill my expectation."
"I'm really sorry, Uno."
His shoulder went up and down . . . he's crying.
Ganito pala siya magtampo...
"Gutom na gutom na ako, Heina."
Hindi ko maiwasan mapatawa dahil sa sinabi niya. Bata nga talaga siya.
Humarap siya sa akin, "Bakit ka natatawa?! Wala naman nakakatawa sa sinabi ko, eh," he said and continued to cry again.
"Tahan na para makakain na tayo. Sige ka! Kapag hindi pa tayo kumain ay lalabas 'yang bulate sa tiyan mo."
Sinubukan ko kung gagana ba ang panakot ng mga matatanda sa mga bata at gumana nga ito. Huminto siya sa pag-iyak at tumakbo papuntang lamesa.
"Anong ulam, Heina?" excited na tanong nito na para bang hindi galing sa pag-iyak.
"Kare-kare."
"What is Kare-kare?" tanong nito.
I sighed. Umupo muna ako bago magsalita sa kaniya.
"Main ingredients niya ay chicken, okay? Malinis din iyan kaya ligtas 'yan kainin."
Habang kumakain kami ay ramdam ko na nilalaro-laro niya ang mga paa niya sa ilalim ng lamesa.
"Stop that, Uno," suway ko.
He stared at me innocently.
"What?"
"Stop playing with your feet under the table. We're eating."
"Okay."
"And also, stop hugging the teddy bear while eating. Madudumihan 'yan," saad ko.
"She's just not a teddy bear. She has a name." He pouted.
"Really? You created a name for her?" I asked.
"Yes."
"Then, what is her name? Can I ask?"
"Her name is Heino," he said while staring at it.
"But that name sounds only for boys?" I asked.
He stared at me. "He's not a boy. Besides, a name doesn't fulfill what your gender is."
"You're right."
After we ate, he cleaned the table because he insisted. He even asked if he could clean the dishes but I said no, because the plates might crack.
I was about to wash when he spoke behind me.
He's mouth is near to my ear. That's why I can feel his breath that gives me goosebumps.
"Heina."
"Y-yes? What is it? Can you please move backward? You're too close to me," I said while stuttering.
"I'll tell you something later."
After he said that he walked to the sala and I felt relieved.
Sinadya ko na bagalan ang paghuhugas para makatulog na siya. Hindi na ako nagiging komportable sa kaniya habang patagal nang patagal ngunit may pakiramdam din ako na kakaiba ngunit hindi ko masabi kung ano iyon...
“Madali ka ma-attract, Amor. Kaya layuan mo na siya habang maaga pa.”
“Hindi naman siguro. Overthinker ka lang talaga, Amor.”
Hindi ko alam ang pakikinggan ko dahil nagtatalo na ang sinasabi ng utak ko. Ang hirap talaga maging overthinker.
Dahan-dahan akong naglakad para kung sakaling tulog na siya ay hindi ko siya magigising.
"Heina, why did you walk so slow?"
Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likod ko.
"Ay, jusko po! Mamamatay ata ako dahil sa iyo, eh!" sigaw ko habang sapo-sapo ang dibdib dahil sa gulat.
I stared at him but he just stared at me confusedly.
“He's really innocent.” 'Yan na lang ang tangi kong nasabi sa aking isipan.
Umupo kaming sala at binuksan ko ang television para maiwasan ang pagbuo ng tensyon sa aming dalawa.
"Ano nga pala iyong sasabihin mo?" tanong ko.
"When you're not here. I sleep—"
"Oh? 'Yon lang naman pala, eh." Pagtataray ko.
Iyon lang naman pala ang sasabihin niya tapos may pabulong-bulong pa na nalalaman.
He pouted, "Let me finish my word, Heina."
"Okay, go ahead."
"I dream about something unfamiliar to me but it seems that it already happened to my life. Sadly... I can't see their faces because it's blurry and when I'm trying to remember it, my head hurts."
“So, his memory is starting to come back... haha good.”
"Maybe, it's really part of your memory. Huwag mong pilitin ang sarili mo na alalahanin ang mga nangyari. Babalik din iyan sa tamang panahon."