"I would rather not come back to my life before, Heina."
Natigil ako sa panood dahil sa sinabi niya.
"Bakit naman? Nahihibang ka na ba? Paano nama—"
"I don't care. I just want to be with you." He hugged me tight like he didn't want me to vanish.
"C-can't breath!" sigaw ko.
Agad naman siyang bumitaw sa akin at niyakap niya muli si Heino.
"Heina..." bulong nito.
"Hmm? What is it?" I asked while turning my head on television again.
"Don't leave us, okay? Don't vanish. Heino and I will cry if you do that..."
Napatingin naman ulit ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Nilalaro-laro niya si Heino pero ramdam at kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
Bakit ba ganito siya makapagsalita?! Jusko! Iba ang tama sa akin...
Binalik ko ang tingin sa pinapanood ko.
"I won't..." bulong ko.
“Just don't leave me too,” pagpapatuloy ko ngunit sa aking isipan ko na lang sinabi.
"Promise?" he asked while pouting. “I won't promise until you didn't promise to me too.”
"Promise," saad ko.
Hindi ko na siya pinasadahan ng tingin dahil tutok na tutok ako sa pinapanood ko. Sobrang ganda kasi nito at nakakakilig pa.
Nang matapos ang dalawang episode ng palabas na kinaadikan ko ay tinignan ko ang orasan. 1:36 am na. Masyado akong nag-enjoy sa panonood at hindi napansin ang oras.
Nang tingnan ko si Uno ay tila lumambot ang puso ko nang makita siya.
Nandito pa rin siya sa tabi ko at yakap-yakap si Heino habang ang ulo ay nakasandal sa balikat ko.
Para hindi siya mangalay ay pinahiga ko siya sa sofa, kahit na ito ay maliit lang. Baka kasi magising siya kung ililipat ko siya sa kama.
Kumuha ako ng unan at kumot at nilagay iyon sa kaniya. Inayos ko rin si Heino para hindi siya mahulog sa sofa.
Bago ako umalis ay iniwanan ko siya ng halik sa noo.
"Sleep tight, Uno."
Pagulong-gulong ako sa kama dahil hindi ako makatulog. Nang tingnan ko ang orasan ay maga-alas-tres na pala ng umaga.
Dala na rin ng pag-aalala ay kinuha ko ang unan at nagpagpasiyahan na tumabi kay Uno.
Natutulog pa rin siya nang mahimbing na parang bata at yakap-yakap niya pa si Heino.
Sinandal ko ang ulo ko sa sofa at niyakap ang unan na dala ko.
Nagsalita ako ng kung anu-ano para lang bumalik ang antok ko.
"Uno... pasensya na kung hindi ko natupad ang pangako ko sa iyo. Dalawang beses na akong nabigo sa pagtupad ng pangako pero sana huwag mo akong iiwan," sabi ko habang nilalaro-laro ang kamay ni Heino.
"Huwag kang mag-alala. Bukas susurpresahin kita. Bibilhan kita bukas ng damit mo pagka-out ko sa work," pagpapatuloy ko pa.
Natawa ako sa sarili ko. Paano na iyon magiging surpresa kung sinabi ko na sa kaniya?
"Hindi ka naman siguro gising, 'di ba? Kaya alam kong ayos lang kahit sabihin ko ang surpresa ko sa iyo ngayon. Alam mo... natatawa ako sa sarili ko kasi para akong kumakausap sa multo," natatawang saad ko sa kaniya.
Napahikab ako dahil nararamdaman ko na rin ang antok sa pagkakataong ito.
"I'll go to sleep na, Uno. Good night. I hope you'll stay with me... forever."
Kusang nagsara ang mga mata ko pagkatapos ko iyon sabihin.
"Heina?"
"Heina..."
Rinig kong bulong ng kung sino. Pag mulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang mukha ni Uno. Halos maduling na ako dahil sa lapit ng mukha niya sa akin.
Agad ko namang nilayo ang mukha ko dahil sa pagkagulat.
"B-Bakit?" tanong ko habang humihikab.
Nang mag-process ang utak ko ay roon ko lang napansin na nasa kwarto na ako.
"Binuhat mo ba ako papunta rito?" tanong ko.
Agad siyang umiling. "Nagising ako kaninang 4:28 am at nakita kitang nag-sleep walk kaya inalalayan kita hanggang sa makahiga ka sa kama mo."
“Umasa ako, eh,” saad ko sa aking puso na marupok.
"Ah, ganoon ba? Anong oras na nga pala?" tanong ko at nagsimulang ayusin ang kama.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ka na mala-late ngayon kasi nag-alarm ako sa cellphone mo. Isang oras pa bago ang pasok mo kaya hindi mo na kailangan magmadali."
Napahinto ako sa sinabi niya. Gulat na gulat akong tumingin sa kaniya.
Yakap-yakap pa rin niya si Heino...
"Paano mo nalaman ang oras ng pasok ko?" tanong ko sa kaniya.
"Noong pumasok ka kasi kahapon sa banyo, nakita ko ang wallpaper mo. Hindi ba iyon ang listahan ng oras para sa pagpasok mo?"
Napahinga naman ako nang maayos. Naalala ko na iyon nga pala ang wallpaper ko.
"Ganoon ba? Salamat."
"Your welcome and oh, Heina..."
"Hmm, yes?" tanong ko.
"Please don't be suspicious of me anymore. Even if you don't say it, I can feel it, and it hurts. My heart aches whenever I see it in your eyes."
Natigilan ulit ako sa pagliligpit.
I can feel the seriousness and sincerity in his voice.
I faced him. "I won't."
As soon as I said that, my hands laid to him and hugged him.
I don't know what's happening to me anymore...
"I already cooked our breakfast, Heina."
Napahiwalay ako sa yakap sa sinabi niya. "Wait... you did?!" gulat kong tanong.
Nag-unahan kaming tumakbo para makalabas sa kwarto. Nang makarating sa kusina ay nakita ko ang niluto niya. Hotdog... na sunog, kaya natawa naman ako.
Nang tingnan ko siya ay nakayuko na siya.
"Huwag kang mag-alala. Normal lang 'yan, Uno. Matututo ka rin hanggang sa magtagal. Gusto mo turuan kitang magluto kapag may libreng oras ako?" nakangiting tanong ko sa kaniya.
Agad naman umaliwalas ang mukha niya at nakangiti akong tinugon.
"Talaga ba?! Maraming salamat!"
"No, you shouldn't be thankful..." I murmured.
"Why?" tanong niya at nagbagsakan ulit ang mga balikat.
"Because I'm the one who should be thankful. You cooked me breakfast even though you don't know how to cook it. You tried everything your best. Thank you so much, Uno." I smiled widely.
"Hindi ka ba galit, Heina?" nagtatakang tanong niya.
Sinimulan ko nang ilabas ang natitirang stock sa refrigerator para lutuin ito.
"Hmm... bakit naman ako magagalit? May dahilan ba?" tanong ko rin.
"Because I wasted the food," he said.
"Are you enjoying it while cooking?" I asked and didn't even take a glance to answer his question.
"Why did you ask? You didn't even answer my question..." he murmured.
"Just answer my question first, Uno. Huwag kang makulit."
"Yes, I did because I did that for you," sagot nito.
I faced him. "That's it! I'm not mad or angry because you wasted food... in fact, I'm happy because you enjoyed it. Just enjoy being here."
"I will... mi amor."
"Ha? May sinabi ka ba sa huli?" naguguluhan na tanong ko.
Hindi ko kasi narinig gawa ng tilamsik ng mantika, sabayan mo pa ng mahinang boses niya.
"Nothing."
"Oh, okay. Just sit there and wait for our breakfast."
Pagkatapos ko magluto ay kumain na kami. Walang kibuan, tahimik lang habang nakain pero nasa tabi niya pa rin si Heino.
"Uno, bakit mo ba laging dala-dala at yakap-yakap si Heino?" tanong ko.
Tila nag-iisip muna siya ng dahilan bago sumagot.
"She's fluffy, that's why I always hug her," sagot nito.
Hindi na ako nagtanong pa o nagsalita pagkatapos niya iyon sabihin.
Kahit nga siguro mga batang lalaki ay hindi ganoon ang kapit sa mga teddy bear pero siya kung makayakap daig pa ang butiki.
Naghugas ako ng pinggan at naligo pagkatapos. Maaga pa naman kaya hindi rin ako nagmamadali.
Salamat talaga kay Uno...
Nagbihis na ako at naghanda para pumasok nang makita ko si Uno na nasa sala at nakaupo ng tahimik.
"Uno?" tanong ko.
Agad naman siyang humarap sa akin. I chuckled. He's eating the nutella that I bought last week.
"Enjoy eating, Uno," I said while smiling at him.
He just nodded.
Before I went out, I glanced at him and left a word to him.
"I'll be here before five o'clock. I already cooked food for you for lunch and if you're still hungry, you can eat the snacks there in the refrigerator."
He didn't respond to what I said. That's why I walked towards the door but before I went out, he spoke.
"Take care, Heina. Be safe," he said.
"I will. You too."