Nagulat ang lahat dahil sa biglaan na pagpunta ni Ms. Del Valgon. Miski ako ay nagulat din dahil hindi man lang ito nag-text o tumawag.
"Umayos kayo!" sigaw niya sa amin.
Sinunod na lamang namin ang sinabi niya at inayos ang mga nakakalat na papers sa lamesa.
"Magpa-reserve kayo ng dinner meals. Bilis na!" balisa na aniya.
Agad naman kumilos ang ibang head departments at dahil ramdam ko na ang tensyon sa loob ng office ay hindi ko na napigilan magsalita.
"Ano ba ang nangyayari?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin. "Darating ang may-ari ng kumpanya."
Lahat kaming nasa loob ay tila nabingi sa kaniyang sinabi at animo'y nahinto ang oras dahil sa kaniya lang nakatutok ang paningin namin.
"Ano pang ginagawa niyo? Bilisan niyo na!" Dahil sa sigaw niya ay roon lamang kami natauhan at natuliro na rin.
"Miss, saang restaurant tayo magpapa-reserve?" tanong ni Elira.
"Sa expensive restau—"
Natigil sa pagsasalita si miss nang may nagsalita at pumasok sa head's office.
"Hindi na kailangan!" sigaw niya.
Lahat kami ay nanlalaki ang mata na nakatingin sa pumasok sa office.
Siya ang Mommy ng CEO ng kumpanya na ito...
"Sumunod kayo lahat sa akin," utos nito.
Nang lumabas siya ay roon lamang kami nakahinga nang maayos. At wala pang limang minutos ay sinundan na namin ito.
Tahimik ang buong corridor. Tanging yapak lamang ng takong ng sandals ng bisita ang maririnig mo. Kasama na rin ang mabibigat na yapak ng mga bodyguards niya.
Pagpasok namin sa CEO office ay na-amazed kami. Ito ang kauna-unahan na makakapasok kami rito at sana ay hindi ito ang huli...
"Umupo kayo." Tinuro niya ang sofa sa harap ng lamesa samantalang siya ay umupo sa upuan ng CEO.
"Well, I did expected that you all will be shocked," aniya.
Ngumisi siya pagkatapos, na dahilan ng pagtayo ng aming balahibo.
"Alam kong alam niyo na ayaw na ayaw ng CEO na may pumapasok sa office niya kaya alam ko na nagpa-process pa kayo sa nakikita niyo ngayon," paliwanag niya.
"Ma'am, maaari po bang magtanong?" saad ni Elira.
Bigla kong nahawakan sa kamay si Elira dahil sa biglang pagsalita niya. Magkatabi rin naman kami kaya agad ko siyang nahawakan. Namamawis na rin ang noo ko kahit na may aircon naman dito.
Nakita naman iyon ni Ma'am kaya ngumiti siya sa akin. "Let her," saad niya. Dahil doon ay binitawan ko na ang kamay ni Elira.
"What's your question?" she asked.
"What's your name?" tanong din sa kaniya ni Elira.
She smiled with a full amazed in her face. "I didn't expect that you would ask without respect, huh? But I love your confidence. You can call me Ma'am Thina."
"Thank you for your compliment, Ma'am Thina." Elira smiled.
"I'm sure you're the manager here... aren't you?" tanong niya kay Elira.
Lihim akong napangiti nang mapait. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Feeling ko kasi ay napahiya ako at walang kwentang manager dahil sa tinanong niya kay Elira.
"Oh, Ma'am. You must have mistaken me. I'm not the manager here," she said.
"Really? I'm sorry if I mistook you, but the manager position really suits you," aniya.
Tinago ko ang kamay ko sa gitna ng mga hita ko upang itago lang ang panginginig nito.
"She's the manager, Madam." Ms. Del Valgon pointed out me.
I awkwardly smiled at her. "Nice to see you, Ma'am Thina," saad ko.
She smiled too. "Nice to see you too. Sorry for making you feel like that." She stood up and without any hesitation, she hugged me.
I heard the weak gasped of all head departments.
"All of you can now leave," aniya.
Aktong aalis na rin ako ngunit nagsalita siya.
"Except for you, Ms. manager."
Napako ako sa aking kinatatayuan at dahan-dahan na umikot paharap sa kaniya nang makaalis na ang head departments.
"Sit down," sabi nito kaya umupo naman ako.
Nagulat ako dahil tumawa siya.
"Don't be nervous. I'll not eat you," she said.
A big sighed came out to my mouth.
She laughed again. "You're funny."
Instead of laughing with her, I made a serious face. "Is there something you wanted to discuss to me privately, Ma'am?" I politely asked.
She made a serious face too that boosted up the tension. "You're the only one I can trust, Amor, right?" she asked.
"May I know your full name?"
"Heina Amor Curtis," saad ko.
Napataas naman ang kilay niya. "Is that really your surname? May kamukha ka kasi eh, pero huwag na lang natin 'yon pag-usapan."
I gulped. Muntik na 'yon, ah. Akala ko ay mamumukhaan niya ako dahil kuhang-kuha ko ang hugis ng mukha ng aking Ina...
"Ano ang dahilan at bakit ako naririto?" tanong ko ulit.
"Wala lang. Gusto ko lang libutin mo ang buong kuwarto na ito," aniya.
"That's a great opportunity, Ma'am. But what was the purpose of it?" I asked.
She smiled again. "Nothing, darling. You can just tour around. I don't want to boost up the tension between us," she said.
I stood up. "I'm sorry, Ma'am," I apologized. "But, I think I won't do what you've said because it might be disrespectful to the CEO since he's not here and he's not the one who gave permission to me."
"Well, your teammates must be proud to pick you as a team manager because you really deserve it. They did not make a mistake in choosing you," she said.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
Kakaiba pala ang ugali niya, hindi ito tulad ng first impression ko sa kaniya. Pinagsisihan ko na tuloy na ni-judge ko siya sa aking isipan.
Tumayo rin siya at pumunta sa may bintana ng opisina at binuksan ito. Mula rito ay kitang-kita ang matayog na istraktura at kitang-kita rin ang palubog na araw.
"Come here, sweetie. Let's watch the sunset together. Be by my side," sabi niya.
Hindi na ako tumanggi pa dahil gusto ko rin naman.
"Heina, I know you wanted to ask something so, feel free to ask it. I won't be mad," aniya.
Huminto saglit ang oras dahil sa narinig ko. Tinawag niya rin ako sa unang pangalan ko... katulad ni Uno.
"Oh? Did I make you uncomfortable with what I called to you?"
"Ah, hindi naman po. Naninibago lang ako lalo na't bilang lang ang taong tumatawag sa akin niyan," paliwanag ko.
"Really? Should I call you to your second name? But I really like your first name because it's unique," she said.
"I'm okay with Heina, as long as you're comfortable to call me by that name, Ma'am. And actually I remembered someone when you said those words," I said.
I really remembered someone... Uno.
Humarap siya sa akin, humarap din ako sa kaniya. Mas lalo siyang gumaganda dahil sa sunkissed.
"May I know his name?" she asked.
I giggled. "How did you know that he's a boy?"
"Because I knew it, sweetie." Humarap ulit siya sa bintana at kahit side view na lang ang nakikita ko sa kaniya ay maganda pa rin siya.
"You're in love, right? I can see the universe in your eyes," aniya.
Natulala ako sa kaniyang sinabi.
"Who's that lucky man?" she asked again.
I smiled. "His name is Uno."
"Uno, huh?"
Humarap na rin ako sa bintana para masaksihan ang unti-unting pag-akyat ng buwan.
"That's actually my nickname to him," ani ko.
"What is his real name?" tanong niya.
"Long story, Ma'am."
"Then, tell it to me in our second meeting. I need to go, darling." She kissed me on the forehead and turned around to get out.
But before she finally left, I said, "thank you for your time, Ma'am. Thank you for making me feel the love of a mother."
She stopped for a bit and I know she smiled but then, she continued to walk again.
Paglabas ko sa opisina ng CEO ay agad akong nilapitan ng mga head departments.
"Hoy! Umalis nga kayo riyan," sigaw sa kanila ni Ms. Del Valgon.
Akala ko tutulungan niya ako para makaiwas sa mga tanong nila ngunit siya rin pala itong nagpasimuno ng tanong.
"By the way, anong nangyari sa loob?" tanong niya.
I sighed. "Nothing."
"Ay! Ang chaka mo naman ka-bonding, be," saad ng isang head departments.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Normal lang ang ganoong pananalita niya dahil isa siyang part ng LGBTQIA. Well, she's valid.
"Kung anu-ano lang naman ang pinag-usapan namin. Hindi naman parte ng trabaho," saad ko.
Nililigpit ko na ang gamit ko habang sila ay nakapalibot pa rin sa akin.
"Hindi normal ang ganoon, Amor. Sa pagkakaalam ko sa mga Erich ay private person 'yan at hindi basta-basta nakikipag-usap kung kani-kanino kaya ganoon na nga lang ang kaba ko nang malaman na pupunta rito si Ma'am Thina," sabi ni Ms. Del Valgon.
Nagsalita naman si Bessy. "Private person talaga sila kasi well known ang pangalan, at ang yaman nila pagdating sa industriya ng investment. Kung makikipag-usap man sila, ay 'yon kung mahalaga talaga. So, Amor... ano ang dahilan ng pakikipag-usap niya sa 'yo?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko rin alam, Bessy. Pero hindi naman siya masungit gaya ng inaasahan ko," sabi ko.
Napanganga naman siya sa sinabi ko at lumapit sa akin. Pinisil-pisil niya pa ang dalawang pisngi ko at mahinang sinampal-sampal ito.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Amor?! Gumising ka nga! Baka tulog ka pa. Gusto mo ba na buhusan kita ng tubig?" Akmang bubuhusan niya ako ng tubig nang umalis na ako sa table ko.
"Oo, sigurado ako. Huwag mong ibubuhos 'yang tubig sa akin kung ayaw mo umulit sa lahat ng ginawa mong reports," ani ko.
Hanggang sa corridor at hanggang sa makalabas ako ng building ay sinusundan pa rin nila ako at tinatadtad ng mga tanong.
"Tara, dinner tayo? Libre ko," imbita sa akin ni Zain.
Bigla naman sumingit sa amin si Elira. "Ay, sure! Guys, libre raw ni Zain 'yong dinner natin!"
Hindi na nakatanggi pa si Zain kaya bumuntong hininga na lang siya na nagpatawa sa akin.
"Ano? Pwede ka ba ngayon?" tanong niya.
"Hmm, pag-iisipan ko," saad ko.
Tinignan niya ako sa mata at animo'y nagmamakaawa. "Noong nakaraan na niyaya kita mag-dinner, tinakbuhan mo lang ako," aniya.
"Ay! Si Papa Zain na nga ang nagyaya tapos tinakbuhan mo lang, Amor? Parang tinanggihan mo lang ang grasya," birong ani Charrie. Siya ang laging nagbibigay saya rito sa grupo. Totoo ngang masaya makasama ang mga bakla dahil bukod sa mahilig magpatawa ay mahilig pa makisama.
"Sige na nga!" nakangiting tugon ko.
Pinili ng lahat na sa mumurahing restaurant na lang pumunta pero dinala kaming lahat ni Zain sa isang classic restaurant.
"Wow." 'Yan ang tanging nalabas sa bibig naming lahat.
"Papa Zain, may pang bayad ka ba rito? Mukhang ang mahal-mahal ng pagkain dito, eh. Baka kami pa i-pang bayad mo," saad ni Charrie kaya natawa naman si Zain.
"Don't worry, guys. You can eat all you can. Besides, this restaurant is mine."
Lahat kami ay napanganga sa sinabi niya. Hindi namin iyon inaasahan. Mas lalo na ako dahil sa tagal na namin magkakilala ni Zain ay hindi ko alam na mayroon pala siyang restaurant na hinahawakan.
"Shall we sit?" aniya.
Kinuhaan niya kami ng isang vip table. Tumanggi pa nga kami nang malaman iyon ngunit siya pa rin ang nasunod.
Habang naghihintay ng aming order ay hindi na naiwasan ng aking dila na magtanong. "Paano ka nagkaroon ng ganitong mamahalin na restawran?" tanong ko sa kaniya.
Tila nag-isip muna siya bago sumagot. "Ipon k-ko. Oo, lahat ng naipon ko galing sa sahod natin ay pinatayo ko ng restaurant," sabi nito.
"Kailan lang ito napatayo?" tanong ni Ms. Del Valgon.
Matagal siya bago makasagot. "Mag-iisang taon na itong restaurant sa susunod na buwan," saad niya.
"Oh, bago pa lang pala?" tanong ni Elira at tumango lamang siya.
"Bago? Base sa paglibot ko rito sa restaurant ay mukhang matagal na itong napatayo, eh. 'Yong mga furniture, table, at 'yong dingding. May bitak na 'yong dingding," sabi ni Bessy.
Dahil doon ay lahat ng head departments ay tumingin sa kaniya. Hindi nakatakas sa aking mata ang paglunok niya kahit wala naman siyang nginunguya. Ganoon rin ang pawis niya sa noo kahit na may aircon naman.
"Ang totoo niyan ay kung titignan ay luma ang mga furniture kasi 'yon ang purpose niya at itong mga lamesa ay balak na namin palitan dahil luma rin pala ang nabili ng manager ko. At tungkol naman doon sa dingding, dahil lang siguro 'yon sa paglindol," mahabang paliwanag niya.
"Ahh," saad ng lahat.
Nang hindi na nakatuon ng pansin ang lahat ay hindi nakatakas sa akin ang pagbuntong hininga niya.
Magsasalita pa sana si Bessy pero dumating na 'yong pagkain kaya tumahimik na lamang siya.
Buong pagkain namin ay tahimik lang dahil bawal kami umakto na parang hindi normal dahil may iba ring customer dito at saka ganoon naman talaga ang akto kapag sa classic restaurant ka kumain.
Malapit na kami matapos sa pagkain nang biglang nagpatugtog ng violin na nagpagulat sa amin.
Pagharap ko sa likod ko ay nakita ko ang lalaki na nagpo-propose sa taong mahal niya.
"Will you marry me?" saad nito.
"Yes, honey," sagot naman ng babae.
Lahat ng tao sa restaurant ay nagpalakpakan at mahinhin na tumawa. Isa-isa rin nilang ni-congratulate ito.
"Grabe, be. Kahit tawa ay pang mayaman talaga," bulong sa akin ni Charrie kaya natawa na lang din ako.
Lumapit naman ako sa kanilang dalawa. "Congratulations, Ma'am and Sir."
"Thank you," sabi nila.
Ngumiti na lamang ako bilang tugon at bumalik na sa mesa upang magpatuloy sa pagkain.
Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Zain.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha," tanong ko sa kaniya.
"Wala," ngiting tugon nito.
Kahit kailan ay ang weird niya talaga...
Nang matapos kami ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Bukas na lang ulit!" sigaw ni Charrie at isa-isa na silang umalis hanggang sa kaming dalawa na lang ni Zain ang natira.
"Sige, paa—"
"Your good bye is too early, Amor. I'll take you home," saad nito.
Wala na akong nagawa pa dahil siya na mismo ang nagpapasok sa akin sa kotse niya.
"Sa dati mo pa rin bang bahay?" tanong niya.
Tumawa naman ako. "Oo naman. Saan pa ba?" saad ko.
"Bakit ka pa nag-a-apartment kung pwede naman na mag-condo ka na lang?" aniya.
"Masyadong mahal," sagot ko.
"Then, I'll buy one for you."
"You don't need to do that, Zain," seryosong tugon ko.
He sighed. "Okay. I won't force you to do that, but you can think about it and if you change your mind, say it to me," he said.
Hindi na ako nagsalita pa at tumingin na lang sa bintana. Binuksan niya ang radyo ng sasakyan at saktong tumugtog naman ang isa sa mga paborito kong kanta.
We're now surrounded by high buildings.
The vibe of city lights, car traffic, good songs, and beautiful night sky... I miss this.