One week has passed and tomorrow I'll be back in the company again.
"Uno, do you want me to teach you how to cook?" I asked him because I remembered that I promised to him.
He suddenly nodded and came with me.
Hinanda ko na muna ang mga kasangkapan na kailangan gamitin. Adobo ang ituturo ko sa kaniya kung paano lutuin dahil alam naman na niya kung paano mag-prito.
"Why are there many ingredients?" he asked.
I faced him. "We will cook adobo for our lunch and dinner," I said.
"Lunch and dinner?"
"Oo. Hindi naman natin mauubos 'yan lahat at para makatipid tayo. 'Yan din ang kakainin natin mamayang gabi. Bakit may reklamo ka?" Tinaas ko ang aking kilay at tinignan siya.
He awkwardly smiled. "Nothing." Kinamot-kamot niya pa ang batok niya at yumuko.
"Oh? Tara na. Ano pa ang ginagawa mo riyan?" Agad naman siyang lumapit nang tawagin ko ito.
"Una, hugasan mo muna 'yang manok. Ako na rito sa paghiwa," sabi ko.
"But I want to try slicing too," aniya.
Pinakatitigan ko naman siya. "Huwag ng makulit. Pag ikaw nasugatan, sige ka!" pagbabanta ko rito. Hindi naman na siya nagreklamo.
Nang matapos ko hiwain ang bawang at sibuyas ay nagtataka ako dahil hindi pa rin tapos sa paghugas si Uno.
Lumapit ako sa lababo at napa-facepalm na lang nang makitang dinudutdot-dutdot niya lang ito.
"What are you doing?" I asked him.
"I'm afraid that it will move," he said.
I sighed. "Paano ka matututo niyan kung natatakot ka? Labanan mo ang takot mo para matuto ka sa mga bagay na hindi mo pa nasusubukan."
Pagkatapos ko 'yon sabihin ay binuksan ko ang gripo at nilagyan ng tubig ang manok. Kinuha ko ang kamay niya at saka pinahawak ko sa manok.
Pareho naming nililinis ang manok kaya hindi maiwasan na magdikit ang kamay namin.
"Oh, 'di ba? Hindi naman siya gumalaw. Basta labanan mo lang ang takot mo," saad ko.
"Kapag natapos ka na sa paglinis, alisin mo ang tubig tapos linisan mo ulit para sigurado na malinis ang kakainin natin. Ayos ba?"
Tumango lamang siya sa aking sinabi. Akmang tatanggalin ko na ang kamay ko nang hilahin niya iyon pabalik.
"Uno?" gulat na tanong ko rito.
He didn't face me but I can see the smiling face of him. He's still handsome even in just a side view.
Pointed nose, long eyelashes, pinkish lips, and brown hair. He's flawless... perfect.
"I'm done!" sigaw niya.
Natauhan lang ako nang tumingin siya sa akin at ngumiti.
Tila ba natuliro ako at hindi alam ang gagawin.
He chuckled. "Calm down, Heina. I won't eat you, unless you want to." He smirked.
My eyes immediately widen and my eyebrows met.
"Saan mo 'yan natutunan, ha?" I asked him but he just laughed and shook his head.
Hinanda ko na lang ang kaldero at hinugasan rin ito. Binuksan ko ang gas at sinimulan na itong painitin.
"Huwag ka lalapit dito. Baka mapaso ka," paalala ko sa kaniya.
Nanonood lang siya habang ginigisa-gisa ko ang bawang at sibuyas.
"Can I try that?" he asked.
"Sure!" Binigay ko sa kaniya ang sandok at hinalo-halo naman niya ito.
"Dahan-dahan lang baka matalsikan ka ng mantika."
After many procedures, we finally finished. He's the one who cooked the most and I am the one who putted ingredients to it.
Kumuha ako ng kutsara at binigay ito sa kaniya. Tinignan niya naman ako na may pagtataka.
"Tikman mo na ang luto mo. Mas maganda na ikaw ang unang titikim."
"But we can eat it at the same time, can't we?" he asked.
Hindi niya talaga makuha kung ano ang sinasabi ko. Hays!
"Titikman ko rin 'yan pagkatapos mo," saad ko.
Wala naman na siyang nagawa kaya sumandok siya ng sabaw at hinigop ito.
His eyes widen but when he faced me his face suddenly turned into disgusting. He didn't like it or it didn't taste good?...
Maybe both...
Yumuko naman ako. Ayaw ko makita ang ganoong itsura niya. Alam kong hindi niya nagustuhan ang Adobo na niluto namin. Hindi na rin ako magtataka dahil unang beses ko rin naman magluto nito...
"Sor—"
"Why are you apologizing? It tastes good!" He hugged me and held my chin and lifted it, that makes our eyes met.
"I'm just joking," he said while smiling.
"Really?" I asked.
Tumango siya at kumuha ng sabaw. Nilapit niya ito sa aking bibig kaya agad din akong napasubo.
"Wow!" I shouted.
My eyes immediately widen when I tasted it.
"Am I right?" he asked and I nodded.
Ngayon ko lang napagtanto na ang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa kahit na nakatingala na ako sa kaniya. At saka 'yong ginamit kong kutsara kanina ay ginamit niya rin...
"Let's eat," saad niya.
Habang kumakain ay nagkukuwento siya ng kung anu-ano habang si Heino ay nasa tabi niya.
Kung mahilig lang siguro ako magpantasya ay baka iisipin ko na ako at si Uno ay mag-asawa habang si Heino ay anak namin—pasalamat na lang talaga ako dahil hindi ko naiisip ang ganoon dahil masyadong nakakadiri...
"Heina, I'll wash the dishes," he said.
"Uhm, okay." Tinulungan ko siya sa pagligpit sa lamesa at saka siya naghugas.
Tinuruan ko rin naman kasi siya na maghugas at gumawa ng mga gawaing bahay para kahit papaano ay may maitulong siya sa akin.
Nang matapos siya sa paghugas ay umupo na rin siya sa tabi ko sa sofa.
"Alam mo, maliit lang ang bahay mo," aniya.
Napatingin naman ako nang sabihin niya iyon at napataas ang kilay. Anong gusto niyang asahan, e’ apartment lang ito?
He chuckled when he saw my expression.
"There's nothing funny about what you said, Uno."
"Let me finish first." He smiled. "Oo, maliit lang bahay mo. Wala masyadong pag-iikutan at paulit-ulit lang ang routine natin sa araw-araw pero alam mo ba na kahit ito lang ang mayroon ka, masaya pa rin ako. Masaya ako basta kasama si Heino pati na rin ikaw..."
Napatitig ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Nitong mga nakaraan ay nagsisimula nang maging wirdo ang mga kinikilos niya ngunit binabalewala ko na lang ito pero kahit anong balewala ko ay hindi maitatanggi ng aking puso kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing kumikilos siya ng kakaiba...
"Heina..."
I hummed.
"When is your birthday?" he asked.
"Why?"
"I'm just curious," he said.
Before I say a word, something came to my mind…
I don't know when is his birthday too but he will feel upset if I ask that because he doesn't remember anything...
"Secret," sabi ko sa kaniya.
"We should have no secrets to each other," he said.
"But I have. What will you do, huh?" I asked and smirked ngunit nagulat ako nang kilitin niya ako.
"W-wait. Stop it!" I shouted while laughing. I'm also running out of breath because of too much laughter.
"Stop..." I said but he still didn't stop tickling me.
"Okay! I-I-I will say it to you," I said, that made him stop.
I took a deep breath and sighed.
"Did you got tired?" he asked.
He's sweating too like me, even though there's an electric fan.
"I won't specify the date of my birthday, but it's 3 months from now," I said.
He nodded.
"Matagal pa, 'di ba?"
"Yeah... makakapaghanda pa ako ng ireregalo sa 'yo," he said.
"Ano ulit 'yong sinabi mo?" tanong ko.
Narinig ko naman talaga ang kaniyang sinabi ngunit gusto ko lang ulit ito marinig para makasiguro.
"N-nothing," he said.
"Then, why are you stuttering and also your face is color red now!" I teased him.
"Ewan ko sa 'yo!"
Bigla siyang tumakbo papunta sa kwarto at sinara ito. Tumawa naman ako ng pagkalakas-lakas para marinig niya ito. Sinasadya ko ito para maasar siya lalo.
"Shut up!" he shouted, which made me hold it in tears because of laughter.
"Okay, I will!" I shouted too.
Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy na lang sa panood. Habang nanonood ng palabas ay hindi ko na napigilan pa ang antok kaya unti-unti na akong nilamon ng dilim.
Nagising ako nang maramdaman ang lamig sa buong katawan. Nang bumangon ako ay nagulat ako dahil walang Uno sa tabi ko at saka nandito ako sa kama?
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig ngunit nangunot ang noo ko nang makitang hindi bukas ang ilaw ng palikuran, ibig sabihin ay walang tao. Wala rin naman siya sa sala, pati sa kusina.
Babalik na sana ako sa pagtulog nang makitang hindi naka-lock ang pinto. Pumunta ako sa may pinto para isara ito ngunit biglang hinangin ang kurtina dahilan para makita ko ang nasa labas...
Nakita ko roon si Uno na may kasamang lalaki. Alam kong si Uno iyon dahil sa suot niyang damit at sa tindig niya. Ang lalaki ay nakatakip ng mukha at itim na itim ang suot na damit kaya hindi ko ito mamukhaan.
Tila ba nag-uusap sila ng seryosong usapan. Nang makitang nagpaalam na sila sa isa't isa ay agad akong bumalik sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Nagkunwari akong tulog hanggang sa maramdaman ko ang paglakad niya papunta sa kama.
Uno, sino ka ba talaga...?
Dahil sa kaiisip ng kung anu-ano ay nakatulog din agad ako.
Nagising ako bago pa mag-alarm ang cellphone ko kaya in-off ko na lang ito para hindi magising si Uno.
Agad akong naligo pagkatapos magluto ng pagkain. Masyadong maaga pa para rito ngunit sa bawat pagpikit ng mata ko ay naiisip ko kung ano ang nakita ko kagabi...
"Masyado naman yatang maaga ang pasok mo ngayon?" Nagulat ako nang biglang nagsalita si Uno sa likod ko habang nakain ako kaya hindi sinasadya na nabilaukan ako. Agad naman niya akong binigyan ng tubig.
"Oo, kailangan ko kasi tapusin ang naiwan kong trabaho," saad ko.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata kahit na titig na titig siya sa akin.
"Stop that stare, Uno," sabi ko sa kaniya.
"Nagising ka ba kaninang umaga?" tanong nito.
Awtomatiko na natigil ako sa pagkain at animo'y may bumara sa lalamunan ko. Uminom muna ako ng tubig bago magsalita at hindi siya pinakatitigan.
"Oo. Bigla kasi akong nauhaw kaya uminom ako ng tubig. Paano mo naman nalaman?" tanong ko sa kaniya.
"Ah, ganoon ba?" aniya. "Nagising din ako kaninang madaling araw dahil malamig tapos nakita ko na bukas ang pinto."
Lies...
I smiled at him fakely.
"Sige, aalis na ako," sabi ko.
Inilagay ko na muna ang pinagkainan ko sa lababo at hinugasan ito.
"Okay," aniya.
Hindi na ako nag-iwan pa ng kahit anong salita at tuluyan na akong lumabas. Nang makalabas ako ng bahay ay roon lang ako nakahinga nang maayos.
Habang naglalakad palabas ng street namin ay nagtataka ako dahil nakatingin sa akin si Flair ng malungkot kaya hindi ko maiwasan na lumapit dito ngunit bago pa ako makalapit ay pumasok na siya ng kaniyang bahay at sinara ito.
I sighed.
People around me became weirder and weirder, day by day.
"Good morning, Ma'am Amor," bati sa akin ng guwardiya.
"Hello po," bati ko rito pabalik.
Nang makaakyat ako sa office ay agad akong umupo at tinungo ang ulo sa lamesa.
"May problema ka yata?" tanong sa akin ni Bessy.
"Wala lang 'to," saad ko.
"Kung wala lang, bakit mo pa pinoproblema?" aniya.
I faced her but before I speak, she preceded me.
"See? You can lie but your eyes can't. You have a problem but I won't force you to tell it to me," sabi niya.
I smiled at her. "Yeah..."
"Even how many times you smile. It won't hide your pain, Amor," she continued.
Natahimik siya nang biglang dumating si Zain. Nang dumaan si Zain sa likod ko ay umalis naman si Bessy sa harap ko na animo'y nag-iiwasan talaga sila.
Napabuntong hininga na naman ako.
"Ang aga mo yata ngayon?" pabirong tanong ni Zain pero hindi ako tumawa.
"Bored lang," ani ko.
Napatingin naman sa akin lahat ng bawat head ng mga departments na nandito dahil sa sinabi ko. Nakataas din ang kanilang kilay dahil doon.
"Bored? Tss!" singhal ni Bessy.
Alam kasi niya na ayaw na ayaw ko pag-usapan ang mga negatibong bagay.
Pasalamat ako at kakaunti pa lang ang head departments na nandito dahil maaga pa naman. Isang oras pa bago ang pasok namin kaya wala pa kami masyadong ginagawa pero kadalasan na nandidito ay gumagawa ng mga reports.
Nilapitan ako ni Zain. "Kung may problema ka man. Huwag kang mahiya na sabihin iyon sa akin," saad niya.
I just nodded as a response.
Uno, should I trust you...?