Chapter 9

2899 Words
Nandito kami sa Mall. Napagpasyahan ko kasi na ipakilala siya kay Chae para kahit papaano ay hindi lang ako 'yong taong kakilala niya. "Uno, pwede mo ba luwagan ang pagkaka-kapit sa akin?" tanong ko. "Bakit?" tanong nito habang pinagmamasdan ang paligid. "Hindi ako makalakad ng ayos," sabi ko. Nakakapit kasi ang kamay niya sa braso ko samantalang ang ulo niya ay nasa balikat ko kaya hirap ako maglakad at saka isa pa, tingin nang tingin sa amin ang mga tao. Hindi ko alam kung dahil sa kilos niya o dahil ma-itsura lang talaga siya. "Matagal pa ba tayo makakapunta sa ice cream shop na sinasabi mo?" tanong niya na animo'y inip na inip na. "Malapit na. Huwag kang magmadali." "Kanina mo pa 'yan sinasabi, eh," pagmamaktol niya na narinig naman ng ibang tao kaya lalong nagtinginan sila sa amin. "Lower your voice," ma-awtoridad kong saad sa kaniya. Hindi naman na siya nagmakulit pa pagkatapos ko 'yon sabihin. Nasa tapat na kami ng shop ni Chae nang makita ko na patakbo siyang lumabas mula rito. "Chae..." halos pabulong kong tawag dahil hindi niya rin naman na maririnig dahil sa bilis ng takbo niya. Hahabulin ko pa nga sana siya kung hindi lang ako hinila papasok ni Uno sa shop. "Good morning, Ma'am Amor," nakangiting bati sa akin ng crew. "Good morning din," bati ko pabalik dito. Nagtaka naman ako kung bakit siya nagmukhang natatae nang makita si Uno. "Is there any problem?" tanong ko. Ibinaling niya ulit ang tingin sa akin. "Ah, wala po. Ano nga pala ang order niyo?" "Tulad pa rin ng dati," ngiting sabi ko rito. Nang tingnan ko si Uno ay masama ang tingin na binabaling niya sa crew kaya siniko ko naman siya. Peke akong ngumiti sa kaniya at pinanlakihan ko siya ng mga mata dahilan para humaba na naman ang kaniyang mga nguso. "Ikaw? Anong gusto mong flavor?" tanong ko kay Uno. "Chocolate," mahinang sabi nito na animo'y nagtatampo. "Okay, Ma'am and Sir. Just wait there and we will deliver your order in a few minutes." Tinuro niya ang mga mesa at saka nagpatuloy na sa pagtatrabaho. Hinila ako ni Uno at nasasabik na umupo sa tinuro ng crew. Agad ko naman siyang hinila patayo na nagpakunot ng noo niya. "Why?" tanong nito. Hindi ko siya pinansin at hinila na lang sa pwesto na paborito ko. Nang makaupo kami ay tila ba nagniningning ang kaniyang mga mata na animo'y nakakita ng mga bituin kaya sikreto akong napatawa. "You can see the beautiful view here in our spot than the crew had pointed out earlier." Hindi pa rin siya natigil sa pagtingin ng view. Hindi pa siya nakuntento at nilabas pa ang cellphone upang makapag-picture. Sa bawat pag-click niya ng camera ay hindi ko maiwasan na matawa dahil kasabay nito ang mga ngiting abot tainga niya. Nagulat ako nang biglang may nag-flash. "Huh?" curious na tanong ko. Ngunit agad iyon nawala nang makitang natatawang nakatingin si Uno sa cellphone niya. Tinitigan ko naman siya ng masama. "Uno, akin na 'yan." "Why would I give it to you? Huh?" ngising aniya. "Delete the picture!" nagtatampo na saad ko rito. "No. You're cute here." Pinisil niya ang pisngi ko na sanhi ng pagkapula nito. "Aray!" Hawak-hawak ko ang aking pisngi at hinimas-himas ito. "Patingin nga. Baka epic picture ko 'yan, eh," saad ko rito ngunit inilayo niya lamang ang cellphone kaya wala na akong nagawa. Kinuha ko na lang din ang cellphone ko para tingnan ang mga messages dito. Unang nag-pop up ang text ni Ms. Del Valgon kaya tinignan ko ito. "Aba! Aba? Sumosobra naman na yata 'yang pag-leave mo. Pwede ka naman na mag-leave talaga para pang matagalan na," aniya sa text. Napapikit na lang ako dahil kahit sa message ay ang sungit pa rin nito at dinig ko rin ang boses niya sa bawat salita na ni-send niya. Wala sa sariling napatawa ako dahil doon ngunit natigil iyon nang marinig ang pag-click ng camera. "Uno!" tawag ko rito. He stares at me innocently. "Why?" he asked. "Delete that and also stop taking me stolen pictures." Tinarayan ko siya at hindi na pinansin pa pagkatapos iyon sabihin. He laughed... now, it's payback time. I took my phone and took a picture of him while laughing. Gladly, I mute my volume. That's why he can't hear the clicking sounds and also I turned off the flash from the camera. Nang matapos ako ay nagulat ako dahil seryoso siyang nakatingin sa akin. "W-Why?" utal-utal kong tanong dito. "How many pictures you got from me, huh?" seryoso niyang saad ngunit maririnigan mo rin sa kaniyang tono ang pagiging proud at mayabang. "Ang hangin mo nam—hoy!" Bigla niyang kinuha ang cellphone na hawak ko, mabuti na lang at hindi niya nakita kaagad ang mga pictures dahil dumating na ang order namin. Nang makitang nakapokus siya sa ice cream ay ginamit ko ang pagkakataon na iyon para kunin ang cellphone ko sa kamay niya. Hindi naman siya nagreklamo at diretso kain pagkalapag ng ice cream sa table namin. "What flavor is that? Avocado?" tanong niya nang makitang kumakain na rin ako ng ice cream. I shook my head. "Mint choco flavor." "What taste does mint choco have?" he asked. "Do you want to try it?" Nilapit ko sa kaniya ang ice cream at kumuha naman siya mula rito. Nang makain niya ito ay agad nangasim ang mukha niya na nagpataka sa akin. "Ew! So, do you like toothpaste flavor?" tanong nito at mangasim-ngasim pa rin ang mukha. Tinignan ko naman siya ng masama at hindi na pinansin pa hanggang sa matapos namin ang pagkain nito. I hate mint choco haters. "Hey! Why do you keep ignoring me?" he asked. I just stared at the beautiful view and took a picture of it while not glancing at him. "Did I offended yo—" "Isn't it obvious?" mataray ko na tanong dito. He chuckled. "Okay, then sorry. Please, stop ignoring me." "You don't seem sincere with it," ani ko. He sighed. "I'm sorry if I offended you. Now, can you stop ignoring me?" I smiley face him. "Finally!" sigaw niya kaya halos lahat ng tao sa shop ay tumingin sa amin. "Uno!" suway ko rito. "Sorry." Nang hindi na siya nagsalita ay tumahimik na ang buong paligid. Tanging mga musika galing sa speaker ng shop na lang ang maririnig mo. "Heina," tawag niya sa akin. "Bakit?" I hummed. "Sino si Zain?" Napatingin ako sa kaniya nang itanong niya iyon. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Just answer my question," he said in an authoritative tone. I gulped. "M-My co-worker." I changed my glances when he faced me with a serious face. "Are you sure of that?" Because of what he asked, I turned my gaze to him and unexpectedly he's eyebrows went up. "Oo, naman. Bakit ba parang interesado ka sa kaniya?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot. Matalim na tingin lang ang binibigay nito sa akin. I sighed. "I said what I needed to say. He's just my co-worke—" "Did an employee need to put a heart emoji in their messages and text you that he misses you?" Nakataas kilay niyang saad. Napaawang naman ako ng bibig. "What? 'Yon lang naman pala! It's not a serious matter, for me." Nakita niya siguro ang pag-pop up ng message ni Zain sa messenger noong hinawakan niya ang cellphone. He grinned and that made me laugh. "Why are you laughing?!" he asked while frowning. "Because you're funny. It's not that big deal," I said while giggling. "Yes, it is. It's a serious matter for me." Ako naman ang napataas ng kilay nang sabihin niya iyon. "Nagseselos ka ba?" diretso kong tanong sa kaniya. Doon lamang kumalma ang mukha niya. "Why would I?" he said and turned his gaze. "Sus! Halata naman. Pulang-pula 'yang tainga mo, oh?" pang-aasar ko rito. Pagkatapos ng asaran ang nagpasya na kami na lumabas ng shop para makabili ng libro na paborito ko. Habang naglalakad kami ay napakunot ang noo ko dahil itong lalaking nasa harapan namin ay nakatakip ang buong mukha habang sinusundan ang babaeng maraming alahas sa katawan. Nagulat ako nang makitang kinuha nito ang wallet niya. Sisigaw na sana ako ngunit may mabilis na kung anong bagay na naging dahilan ng pagdapa ng magnanakaw, at ang huling nakita na lang namin ay ang lalaking nasa likuran ng magnanakaw habang ang magnanakaw ay hirap na hirap na sa posisyon niya. "Agh! Aray!" sigaw ng magnanakaw. Ilalayo ko na sana si Uno dahil nagsisimula ng magkumpulan ang mga tao ngunit nagtaka ako ng sumigaw ang babae. "Magnanakaw! Magnanakaw ang lalaking iyan!" sigaw niya. Hindi ako nagtaka sa sinigaw niya kun'di sa tinuturo niya. Tinuturo niyang magnanakaw ang lalaking nagligtas sa kaniya. Nagtataka rin tumingin sa kaniya ang lalaki hanggang sa dumating ang guard at dinala sila sa office ng mall. Sumunod naman ako sa kanila. "Heina, bakit tayo sumusunod sa kanila? Baka masaktan pa tayo..." aniya. Hinawakan ko naman siya ng mahigpit sa kamay at tinignan. "Don't worry, Uno. I'll just need to do something, okay? You don't need to speak, and you need to cover your ears because of everything that you will hear later." "Why?" tanong niya. "Just do it, okay? Trust me." Bago ako makapasok sa office ay tinanong pa ako ng guwardiya kung ano ang ginagawa ko roon. "Ako ang witness ng pagnanakaw." Nang sabihin ko iyon ay pinapasok na nila ako. Ang prenteng nakaupo na lalaki ay biglang ngumisi nang makita ako. Taas ang noo rin ako nitong tinignan... Lawrence. "Anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa akin. Hindi ko naman ito pinansin at umupo sa tabi ng lalaking nagligtas sa babae. "Bakit ka umupo sa tabi ng lalaking iyan? Siguro kasabwat ka niya, 'no! Mga magnanakaw!" sigaw ng babae sa amin. Awtomatiko namang gumalaw ang mga kamay ko at tinakpan ang tainga ni Uno. I whispered to him. "Cover your ear." Sinunod naman niya ang utos ko. "Paano niyo naman nasabi na ito nga ang magnanakaw?" Tinuro ko ang lalaking katabi ko. "Sa kaniya nakita ang wallet ng biktima," ngising saad sa akin ni Lawrence. Ako naman ngayon ang ngumisi. "Talaga ba? Paano kung sabihin ko sa inyo na siya talaga ang totoong magnanakaw?" Tinuro ko ang lalaking katabi ng biktima. Agad naman akong sinamaan ng tingin nito pero tinaasan ko lang siya ng kilay. "At anong pruwe—" "Shut up! We need to hear the witness testimony too." A lawyer suddenly joined our conversation... Lance. Natahimik naman ang biktima dahil doon. Naging seryoso rin ang hangin dito sa loob ng opisina. Tinignan ko muna si Uno bago magsalita. "The boy beside me is the one who saves your life. And also the boy you're trying to protect is the real culprit. If you're doubting about what I say, you can check the cctv camera." "But there's no cctv camera in the place where the crime happened," Lance said, which made the culprit smirked. "Siya! Siya ang nagnakaw ng wallet ko." Tinuro-turo niya ulit ito. Tinignan ko naman ang lalaking katabi ko. Na-amazed ako dahil blankong ekspresyon lamang ang pinapakita nito sa amin. "Why do you keep dragging him about that?" I asked. Natahimik ang babae dahil sa aking nasabi. "It's possible that both of you frame-up this boy to make him a suspect and to take money from him. Well, your idea is good but not to me," I explained. Both of their expressions seem surprised. Gotcha...! "You need evidence, Miss...?" tanong ni Lawrence. I rolled my eyes to him. "Amor," maikling saad ko rito. "The wallet. Y'all can see the fingerprint and I already take it with the guards so—" Natigil ang sasabihin ko ng may pumasok na kasama ng mga guards. "Ang fingerprint na nakuha mula sa wallet ay mula sa lalaking ito lamang." Tinuro nito ang katabi ng biktima. I smirked. I saw Lance looking at me proudly that made me smirked more. "No! That's impo—" Natigil ang pagwawala ng biktima ng may pumasok na mga pulis. Nakita ko naman si Uno na tila nagtataka at nanginginig kaya hinawakan ko siya sa kamay at tinakpan ang mga mata. "Uno, don't worry. Everything is fine now." Marami pang sinabi ang police, ganoon na rin ang manager habang ang lalaking katabi ko ay tahimik pa rin. "I think my job as a witness is now done. May I get out?" I interrupt their conversation because I can feel Uno's fright. "But we need your—" I cutted what the police said. "I'm already done with it. Just take the evidence against them." Lumabas na ako pagkatapos ko iyon sabihin. Hinatak ko rin si Uno. "Ayos ka lang ba?" Niyakap ko siya para pakalmahin siya. Napahinga naman ako ng ayos nang maramdaman na kumalma na siya. "What happened?" tanong niya. "Nothing." Maglalakad na sana kami nang may nagsalita sa likod namin. "Amor, right?" tanong ng kung sino dahilan para humarap kami roon. "Ah, yes. Why? Do you need something?" I asked. Siya kasi iyong lalaki kanina. "No. I just wanted to thank you for saving me." "Wala 'yon! Ano ka ba? Anyways, may I know your name?" I asked. "Josh," he said while smiling. "Josh...?" tanong ko. Gusto ko malaman ang apelyido niya para kahit papaano ay mahanap ko ang social medias account niya. "Josh Crytalic," he said. "Your surname sounds unique!" I said. "Kung hindi mo mamasamain... can I have a lunch with you, together with him? It's my treat, don't worry. Just a thankful treat," aniya. Ngumiti naman ako at hindi nagdalawang isip na tumango. Hinila ko si Uno nang magsimula na siyang maglakad. "Why are you following that boy?" tanong niya. "Manlilibre raw, eh," ani ko. Hindi na siya nagsalita pa pero nagulat ako nang bigla siyang pumagitna sa amin ni Josh kaya sinaway ko naman siya. "Uno!" Josh giggles. "Mukhang nagseselos na yata ang boyfriend mo, ah?" "He's not my boyfriend!" mabilis na sagot ko sa kaniya. "Ah, ganoon ba?" tango-tango niyang sabi. Nakita ko naman siyang ngumisi nang nakita si Uno. "Uhm... Josh, seryoso ka ba na rito tayo kakain?" tanong ko sa kaniya. Paano ba naman kasi sa classic restaurant niya kami dinala. Akala ko kasi sa mga fast food chains lang... "Yes. Just order what you want and I'll pay for it," he said. Halos mahilo ako sa menu nang ibigay na ito sa amin. Ang mamahal ng mga pagkain dito! Pwede ko ng pang-tatlong buwan na pambayad sa renta. "Ah, ito na lang," turo ko sa mas mura-mura. He giggled. "Okay." Habang naghihintay kami ng lunch namin ay hindi na napigilan ng bibig ko na magtanong ng kung anu-ano. "Saan ka nga pala nakatira?" tanong ko. Napatingin naman sa akin si Uno at napahawak sa kamay ko. Tinignan ko naman siya ng 'what' look. "Ayos lang kung hindi mo sabihin. Ayoko rin naman na hindi ka maging komportable," ani ko. Tila ba kasi nag-iisip pa siya ng kaniyang isasagot. "Hindi. Ayos lang sa akin 'yon. Paniniwalaan mo ba ako kapag sinabi ko na hindi ako taga-rito...?" "Oo naman! Siguro sa ibang bansa ka nakatira, 'no? Saan namang bansa? At saka, bakit ang fluent mo mag-Tagalog?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Tila nadismaya siya sa sagot ko. "Ah, oo. Tama ka. Sa ibang bansa nga ako nanggaling..." "Kaya naman pala. Huwag kang basta-basta maniniwala kung kani-kanino, lalo na't pwede maulit ang nangyari kanina. Doble ingat na lang. At saka, pumili ka ng taong pagkakatiwalaan mo talaga," ani ako at tumango lamang siya. Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos noon kaya hindi na rin ako nagtanong pa. Hanggang sa matapos ang pagkain namin ay sarap na sarap ako sa mga hinain sa amin kahit na hindi naman namin ito ang in-order ko. "Maraming salamat sa paglibre sa amin, Josh." "Wala lang 'yon! At saka, maraming salamat din sa pagtulong sa akin." "Uuwi na kami," biglang saad ni Uno at akmang hihilahin ang kamay ko nang magsalita si Josh. "Ipahahatid ko na kayo sa driver ko. Kung ayos lang sa inyo?" "Ayos lang sa amin!" "No." Sabay na sabi namin ni Uno. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Mas maganda ang libre kaysa naman magbabayad ka pa sa jeep. Natawa naman si Josh. "O' siya sige. Ito na ang driver niyo. Sa muli nating pagkikita," aniya. I smiled at him. "Yeah. Until we meet again..." He hugged me so, I hugged him too, but it only lasted for ten seconds because Uno grabbed me in the car. Nang makapasok kami ay nagsalita si Uno. "Anong 'until we meet again'?! Wala na 'yong kasunod, sisiguraduhin ko 'yon." Matalim na titig ang pinupukaw niya sa akin kaya natawa na lang din ako ganoon din ang driver. Natigil ang pagsasalita niya ng kung anu-ano nang umandar ang sasakyan. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat kaya hinawak-hawakan at nilaro-laro ko naman ang kaniyang buhok na dahilan ng pagtulog niya. Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse nang may naalala. I forgot the book that I planned to buy. But I can't change the fact that this day is one of the best days for me... Uno and I had a bonding with each other. I saw them again. And also a stranger that became a friend to me. I don't know what good things I've done but I'm so thankful that this day happened. I hope it'll last long...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD