Nang bumangon ako ay nagtaka ako dahil sa pagkakatanda ko ay sa sofa ako nakatulog kagabi ngunit paggising ko ay nasa kama na ako.
"Uno?" tawag ko sa kaniya.
Pumasok naman siya ng kwarto. Ngunit bago pa ako makapagsalita ay napangiti na ako.
Kinakain niya rin ang milo tulad ng ginawa ko kahapon...
"Bakit?"
"Paano ako napunta rito sa kama ko?" tanong ko sa kaniya.
Ayaw ko naman siyang diretsahan na tanungin ng ‘Uno, binuhat mo ba ako papunta sa kama kagabi?’ dahil ayaw ko naman mapahiya at baka ay magmukha pa akong pilingera sa kaniya.
Tinignan niya lang ako bago magsalita. "Nag-sleepwalk ka na naman kagabi."
Ako naman ay napakunot ng noo.
"Napapadalas yata ang pag-sleepwalk ko, ah?" tanong ko sa sarili ngunit sinagot naman iyon ni Uno.
"Baka dati ka pa talaga nags-sleepwalking? Hindi mo lang talaga alam kasi wala ka naman kasama sa bahay dati," aniya.
Napatango-tango ako dahil doon at nag-isip-isip.
Maaaring totoo ang sinabi niya. Baka normal lang talaga ang pag-sleepwalking ko tuwing gabi.
"O' siya sige. Maghanda ka na ng gamit mo," sabi ko sa kaniya.
Nanlulumo niya akong tinignan na pinagtaka ko.
"Bakit? Palalayasin mo na ba ako rito, Heina? Alam kong makulit ako ngunit huwag naman, oh. Gusto pa kita makasama..." mahabang saad niya.
Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Bakit ka natatawa? Hindi naman biro ang sinabi ko. Totoo iyon... gusto pa talaga kitang makasama."
Nahinto na ako sa pagtawa dahil sa seryosong tono nito.
"Hindi kita palalayasin. Ihanda mo ang gamit mo at maligo dahil lalabas tayo ngayon. Ikaw kasi, masyadong over acting," ani ko sa kaniya.
Tila lumiwanag naman ang mukha niya sa narinig.
"Talaga?!" Agad siyang pumunta sa drawer namin. Hindi alintana ang dumi sa kaniyang bibig. Kaya lihim naman akong natawa.
"Oh? Kay bilis mong maligo, ah?" tanong ko at ngumisi.
"Huwag ka na magtanong diyan. Maligo ka na rin para makaalis na tayo."
Wala na akong magawa kun'di maligo na rin dahil bigla niya akong tinulak papasok sa bathroom.
Pagkatapos ko maligo ay lumabas ako ng naka-tuwalya lamang dahil hindi naman puwede na si Uno ang kukuha ng aking damit.
"Tapos ka na?" tanong niya.
"Ay, hindi pa," pabalang ko na sagot. Hindi ba obvious na tapos na akong maligo?
"Uno, lumabas ka muna. Magbibihis ako," ani ko.
Agad naman siyang tumingin sa akin kaya iniharang ko ang aking kamay sa aking dibdib kahit na may tuwalya naman ito.
He smirked. "Why would I? Puwede naman na sa bathroom ka na lang din magbihis."
Tinignan ko naman siya ng masama.
"Don't worry, Heina. I'm not a pervert so, you can now wear your clothes," he seriously said and turned his gaze to the gadget.
Kinuha ko naman ang damit ko at mabilis na tumakbo sa bathroom. Narinig ko pa siya na tumawa ng mahina bago ko isara ang pinto.
Nang lumabas ako ay nakakunot ang noo ang bumungad sa akin kaya napakunot rin ako ng noo.
"Bakit?" tanong ko.
"Your clothes is too short."
Napaawang ako ng bibig sa sinabi niya.
"Anong maikli rito? E’, 2 inches under the knee dress lang ito?" tanong ko sa kaniya.
Hindi naman siya nagsalita at tumalikod na at naglakad. Umupo siya sa kama ngunit ang paningin ay nasa akin pa rin. Ganoon pa rin siya, nakakunot ang noo.
Habang pinagmamasdan niya ako ay inikot-ikot ko pa ang katawan ko para sabihin sa kaniya na 'ang ganda ko'.
Ngumiwi lamang siya na nagpanguso sa akin.
"Do you want a kiss?" he smirked.
Agad ko namang inayos ang aking mga labi. At saka nagpalit na rin ng damit.
Hindi ako nagpalit ng damit dahil kay Uno, kun'di dahil maaga pa at puwede kami mag-jogging papunta sa parke.
Paglabas ko ay agad naman siyang napangiti nang makita na naka-leggings na ako ngunit agad din iyon mawala ng makitang naka-sports bra lang ako.
Agad niyang hinubad ang jacket na suot niya at sinuot iyon sa akin.
"You might get cold." Hinawakan niya ang aking kamay at hihilahin sana ako palabas ngunit iwinasiwas ko ito, dahilan para mabitawan niya ang kamay ko.
"What the f—"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang makitang tumakbo ako papunta sa drawer at kinuha ang isa pang jacket.
Binili ko ito para sa akin ngunit masyadong malaki. Sigurado naman ako na kakasiya ito sa kaniya.
Ako na mismo ang nagsuot sa kaniya nito gaya lang ginawa niya sa akin.
"Huwag mo 'yan tanggalin. Baka mamaya ay halayin ka na ng mga chismosa nating kapitbahay sa isip nila," ani ko at naunang lumabas.
Nakita ko sa aking peripheral vision na napangiti siya sa aking sinabi kaya hindi rin maiwasan na mapangiti ako.
Pinasok ko muna si Heino sa loob ng kuwarto at doon na sinabit dahil baka manakaw pa ito. Hindi ko rin kinalimutan na kunin ang susi ng bahay bago lumabas.
Bago pa ako humakbang ay inilahad ni Uno ang kaniyang kamay.
Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.
"Put your hand here." Turo niya sa kaniyang kamay nang makitang naguguluhan ako.
Hindi ko naman siya pinansin at nakaiisang hakbang pa lamang ako nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at nilagay ito sa kaniyang kamay.
"Bitawan mo ang kamay ko, Uno," utos ko sa kaniya.
"Why would I?" tanong niya at nagsimula ng maglakad kaya wala na akong nagawa kun'di sumabay sa lakad niya.
"Paano ako makakatakbo niyan kung hawak mo ang kamay ko?" tanong ko.
"Then, let's run together..." Tumakbo siya kaya awtomatiko na tumakbo rin ang mga paa ko.
Hinayaan ko na lamang ito na ganoon kahit na maraming nakatingin sa amin, mga chismosang kapitbahay.
Sigurado ako na ako na naman ang magiging usap-usapan dito sa lugar namin...
Sa loob ng sampung minutos na pagtakbo ay narating na rin namin sa wakas ang parke. Hindi rin naman kasi ito kalayuan sa tinitirhan namin.
Umupo muna kami sa ilalim ng puno at pinanood na sumikat si haring araw.
Nakita ko naman siya na pawis na pawis kaya kinuha ko ang aking bimpo at pinunasan siya.
Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya hanggang sa matapos ang pagpunas ko dahil sa akin lang nakatutok ang paningin nito.
"Akala ko nagdala ka rin ng towel," ani ko sa kaniya.
"I didn't know that we were going to go jogging..." saad niya.
Kinuha niya ang bimpo na nasa kamay ko, na pinagtaka ko naman ngunit agad nawala iyon nang punasan niya rin ang aking noo.
"Your forehead is sweating..."
"A-Ah, yeah," awkward ko na sabi.
Hindi namin tinanggal ang jacket na suot-suot namin dahil hindi naman ganoon ka-init.
Ramdam ko pa rin ang lamig kahit na sumisikat na ang araw. Napaliligiran kasi ng mga puno ang aming baryo, kaya ganoon.
"Why there's no kid here?" tanong niya.
"May pasok sila," saad ko.
Kakaunti lamang ang makikita mo rito sa parke. Lalo na't masyadong maaga pa at weekdays din... lahat ng tao ay busy.
"Where?" tanong niya.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Sa paaralan," sagot ko.
"Can I go there?"
Inaasahan ko na sasabihin niya rin iyon dahil sa wala siyang maalala...
"Oo naman," nakangiti kong sagot sa kaniya.
Ngunit nang ibaling ko sa kaniya ang paningin ko ay nakita ko ang malungkot niyang mga mata.
"Uno?"
"Hhhmm?" He hummed.
Tumayo ako at pinagpag ang damit bago ilahad ang kamay sa kaniya.
Hindi naman siya nagdalawang isip na hawakan ang kamay ko. At sabay kaming pumunta sa may duyan, dito pa rin sa parke.
Umupo ako sa isang duyan at umupo rin siya sa katabi kong duyan... hindi pa rin napuputol ang pag-holding hands namin.
Plano pa nga niya na siya ang magtutulak sa akin ngunit ang sabi ko ay dito na lang siya sa tabi ko para sabay kaming magduduyan... ayaw ko rin naman na maputol ang paghahawak kamay namin.
Nang mapabaling ulit ako sa kaniya ay nagulat ako dahil sa akin din pala nakatuon ang paningin niya. Ngumiti ako sa kaniya. Ganoon na lang ang saya ko nang makitang ngumiti rin siya at abot tainga ito...
Nandito pa rin kami sa duyan nang makaramdam ako ng uhaw.
"Dito ka lang, Uno, ha? Huwag kang aalis. Bibili lang ako ng tubig."
Tumango naman siya sa sinabi ko.
Agad akong tumakbo sa malapit na tindahan sa pwesto namin.
"May tubig po kayo?" tanong ko sa tindera.
"Wala na, Ineng. Pero may soft drinks naman kami," saad nito.
"Ah, ganoon po ba? Sige, maraming salamat."
Agad akong naghanap ng iba pang tindahan at hindi naman ako nabigo. Pagkatapos ko bumili ng tubig ay agad akong bumalik sa parke.
Nangunot ang noo ko nang makitang may taong nakaitim na nasa likuran ni Uno. Hindi siguro ito napansin ni Uno dahil nag-eenjoy lamang siya sa panonood sa mga taong nasa parke.
Tumakbo ako papunta kay Uno ngunit nang makita ng lalaki na papalapit ako sa kaniya ay bigla na lang din ito tumakbo palayo.
Hahabulin ko pa sana ito nang magsalita si Uno.
"Anong problema, Heina?" tanong niya.
Umiling naman ako bilang sagot. Binigay ko na rin sa kaniya ang tubig na dala ko.
"Hindi naman halata na uhaw na uhaw ka," sarkastikong saad ko.
Naubos niya kasi ang isang bottle water sa isang lunukan lang.
"Tara na," sabi ko.
Tumayo na rin naman siya mula sa pagkakaupo ngunit bago kami maglakad ay agad ko ulit nilahad ang aking kamay na hindi naman niya tinanggihan.
"Mukhang gustong-gusto mo na yata na hawakan ang kamay ko, ah," pang-aasar nito sa akin.
Hindi ko na lang ito pinansin at pagkatapos ay dinuyuan-duyan ko ang kamay namin.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na isipin ang lalaki kanina kaya tinanong ko ito kay Uno.
"Uno, wala ka bang napansin na lalaki kanina sa likod mo?" tanong ko.
Nakunot naman ang noo niya, "Huh? Wala naman..."
"Ah, ganoon ba?" Tumango-tango ako habang sinasabi 'yon.
Naglakad na lang kami papuntang bahay kaya inabot kami ng halos trenta minutos. At salamat dahil ligtas naman kaming nakauwi.
Agad akong nagpalit ng damit at naghanda ng makakain.
"Heina," tawag niya sa akin.
"Oh? Bakit?" tanong ko.
"Puwede ko na ba ulit yakapin si Heino?" Ngumuso siya na animo'y nagmamakaawa.
"Hawakan mo muna kung basa pa ba siya," sagot ko habang naghihiwa ng bawang. Magsisinangag kasi ako.
"Basa pa siya," malungkot na aniya.
"Isampay mo sa may kwarto at itutok mo sa kaniya ang electric fan para mabilis siyang matuyo. I-number two mo ang electric fan," sabi ko.
Agad siyang tumakbo papasok ng kwarto sinunod ang utos ko.
Napailing-iling na lang akong inihanda ang bahaw na kanin. Kahit umasta talaga siya ay parang bata.
Hindi naman nagtagal ay natapos na ako sa pagluto at nakakain na kami. Pagkatapos ay naghugas ako ng pinggan upang hindi maging bundok na hugasin ito.
Na-upo ako sa lapag habang ang laptop ay nasa mini table. Kahit na naka-leave ako ay gagawin ko pa rin ang mga nise-send nila sa aking sss para hindi ako matambakan.
Umupo rin si Uno sa tabi ko. "Akala ko ba ay nag-one week leave ka muna?" tanong niya .
"Oo, pero gagawin ko pa rin ang mga kailangan gawin para hindi ako matambakan sa trabaho," paliwanag ko.
"Saan ka nga pala nagtatrabaho?" tanong ulit niya.
"Bakit? Curious ka ba?" tanong ko habang ang mga mata ay nakatutoknasa laptop.
Tumango lamang siya bilang sagot. Nakikita ko pa rin siya sa aking peripheral vision kahit na tutok ako sa laptop.
"Erich Company... 'yon pangalan ng kumpanya na pinagtatrabahuhan ko."
"Erich? Erich—Agh!"
Agad akong napatingin sa kaniya dahil sa gulat.
Nakita ko siya na nakahawak sa kaniyang ulo kaya mabilis akong lumapit sa kaniya.
"Bakit? Anong problema, Uno?!" nag-aalala kong tanong.
Nakahawak pa rin siya sa kaniyang ulo habang ako ay sinusubukan na pakalmahin siya.
"Uno! Uno!" paulit-ulit ko na tawag sa kaniya.
Bigla siyang napahiga sa sahig na nagpakaba sa akin. Aalis na sana ako para tumawag ng kapitbahay para madala siya sa hospital ngunit nagsalita siya.
"A-Ayoko sa h-hospital," hirap na hirap niyang saad.
Dahil doon ay lumapit ulit ako sa kaniya at inalalayan siya makaupo.
"Huwag mong ipipikit ang mga mata mo, Uno," mangiyak-ngiyak kong sabi.
Tumango lamang siya bilang sagot.
"D-Don't cry. It's okay. Nothing bad will happen to me," hirap pa rin niyang sabi.
"Promise me, Uno. Promise me that you won't close your eyes..."
"Promise." He made a pinky finger and I connected mine to his.
Patakbo akong tumungo sa kusina at kumuha ng tubig. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko dahil wala naman akong kaalam-alam sa ganito...
"Uno," tawag ko sa kaniya. Pinainom ko sa kaniya ang tubig, at doon ay nahimasmasan naman siya.
Agad ko rin pinahid ang luha na tumulo sa aking pisngi kanina dahil alam kong aasarin na naman ako ni Uno pagkatapos nito.
"What happened?" tanong ko sa kaniya.
"When you mentioned that name, images start to flashback in my mind but they all blurry..."
Hindi ako makapaniwalang tinitigan siya.
"Er—"
"Don't mention that!" sigaw niya na nagpagulat sa akin at nahalata naman niya iyon.
"Sorry... I just don't want to feel dizzy again," paghingi niya ng tawad.
"It's okay. By the way, why did you have a flashback...?" I curiously asked.
"I don't know either," he said with a clueless face.
"Maybe, you have a connection to 'that' company? Or... you are more than that?" Tinignan ko siya at hindi inaasahan na nagtama ang aming mga paningin.
Ito na naman ang mga paru-paro na nagliliparan sa aking tiyan...
"I don't know..." aniya.
"It's okay. Don't force it. It will come back in the right time..." labag sa loob na saad ko sa kaniya.
Hindi ko siya puwedeng pigilan dahil hindi naman napipigilan ang kaniyang alala. Hindi ko rin alam kung maaalala pa ba niya ako kapag bumalik na ang alala niya. Ang mahalaga lang sa ngayon ay masaya kaming magkasama.
Sana magtagal pa ito lalo na't unti-unti ko nang naiintindihan ang sinasabi ng aking puso.