NAPASINGHAP si Charlotte nang malakas. “Scott of Stray Puppies?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kanyang ama. Kung ganoon ay tama ang kanyang hinala. Kaya pala fan na fan ang kanyang ama ng banda kahit hindi ito mahilig sa rock music. Kaya pala tumigil na ito sa pagsuporta sa banda mula nang yumao ang dating bokalista. Kaya pala ganoon na lamang ang pagkagiliw sa kanya ng mga magulang ni Clinton. Natigilan siya nang maalala niya si Clinton. May alam ba ito tungkol sa relasyon nilang magkapatid? Matagal na ba siya nitong kilala bago pa man sila nagkakilala sa restaurant? Pati ba ito ay naglihim sa kanya? Tumango ang kanyang ama. “Lihim kong sinubaybayan ang kuya mo mula nang iwan ka niya. He really worked hard. Nagtitinda siya ng sampaguita sa harap ng simbahan. Nagsa-shine siya ng

