Chapter 1
Pagbaba niya ng eroplano malalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya. Tiningala ang langit, kulay abo yon na tila nagbabadya ang ulan. Napangiwi siya. Dahil naalala na ganoong panahon din siya umalis ng bansa.
"I'm back now and definitely for good," bulong niya sa sarili, habang naglalakad papasok sa Saavedra Airlines.
Tatlong taon siyang nawala sa bansa. Labag sa kalooban niyang pag-alis ng bansa noon, pero wala siyang nagawa. Hindi niya kinaya ang pagkasuklam sa kanya ni Shawn. Shawn Alvarez ang kanyang asawa. Nakakatuwang isipin na sa gabi mismo ng kasal nila eh pinaalis siya ng bansa ni Shawn. Masakit oo, walang kasing sakit. Pero eto na siya ngayon, nagbabalik para gampanan ang pagiging Mrs. Alvarez niya. Sa ayaw at sa gusto ni Shawn, siya pa rin ang Mrs. Alvarez, siya pa rin ang pinakasalan nito at asawa nito.
"Nasabi mo ba kay Shawn na ngayon ang uwi mo?" tanong ng Kuya Harvey niya, nang nakasakay na sila sa kotse nito. Ilang beses niyang sinubukan tawagan si Shawn pero hindi ito sumasagot. Halos dalawang oras na nga siyang naghihintay sa Airport para sunduin siya ng asawa, pero hindi ito dumating kaya naman ang Kuya Harvey na lang niya ang tinawagan niya para sunduin siya.
"Ah, yeah, he knows. Kaso busy kasi siya sa opisina kaya hindi siya makaalis," pagsisinungaling niya sa kapatid. Dahil walang balak si Shawn na sunduin siya. Wala nga yata itong pakialam sa pag-uwi niya. Alam naman niyang natanggap ni Shawn ang mga messages niya. Pero binalewala lang ni Shawn. Ano pa nga bang aasahan niya kay Shawn Alvarez, the second richest man in San Miguel? 2nd kasi si Joshua Tragora ang number 1 dahil ito ang Tragora heir, ang pinaka-mayaman sa bayan ng San Miguel. Si Shawn naman ang Alvarez heir, pangalawa sa pinaka-mayamang pamilya sa bayan nila.
"Alam ba niya na uuwi ka?" tanong ng Kuya niya.
"Oo naman syempre, ano ka ba naman Kuya, sinabi ko sa kanya kagabi nang nag-usap kami, kaso nga lang daw may meeting hindi niya maiwan. So ayun hinayaan ko na, hindi ko na lang pinilit pa," pasisinungaling pa rin niya sa kapatid. Ayaw niyang itong mag-alala at lalong ayaw niyang malaman ng mga magulang niya kung ano ba talaga ang totoong sitwasyon ng pagsasama nila ni Shawn bilang mag-asawa. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Ang alam nila masaya siya sa pagiging Mrs. Alvarez. Dahil yon ang kasinungalingang pinapakita niya sa pamilya. Ayaw niyang malaman ng mga ito na balewala lang siya kay Shawn, na wala itong pakialam sa kanya, na hindi siya tinuturing na asawa ni Shawn.
"How are you anyway? May girlfriend ka na ba Kuya?" pang-iiba niya sa usapan. Dahil ayaw niyang pag-usapan ng Kuya niya ang tungkol sa kanila ni Shawn. Dahil baka mabigla siya at kung ano ang masabi niya.
"Nah! I'm busy for that," mabilis na sagot ng kapatid, habang sa kalsada nakatuon ang mga mata.
"I won't buy that," natatawang sagot niya. At tumingin sa labas ng bintana. Papasok na sila sa Bayan ng San Miguel. Ibinaba niya ang bintana at linanghap ang simoy ng hangin.
"Wow! I miss this town," usal niya. At inilabas ang kamay, dinama ang masarap na hangin.
Tatlong taon na rin mula nang umalis siya ng San Miguel. Sa Canada siya nanuluyan para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya, at nakagraduate na siya noong isang buwan, bago pa man siya makapagtapos, napagplanuhan na niya ang pagbabalik niya sa San Miguel. Nalulungkot siya doon, malungkot manirahan mag-isa sa ibang bansa, pero wala siyang magawa dahil doon siya pinatapon ng asawa. Oo pinatapon siya roon ni Shawn dahil kinasusuklaman siya nito, tila diring-diri sa pagiging mag-asawa nila si Shawn.
Napalunok siya nang makita ang malaking gate ng mga Alvarez. Pakiramdam niya hindi siya makahinga habang nakatingin sa gate ng bahay. Matagal na niyang pinag-isipan ang pagbabalik niya ng San Miguel. Alam niyang magagalit si Shawn sa gagawin niya, pero hanggang kailan siya mananatili sa Canada? Hanggang kailan siya itatago roon ni Shawn? Hanggang kailan ba ang galit sa kanya ni Shawn? Tatlong taon na nga mula ng sapilitan siyang paalisin ng bansa ni Shawn. Siguro naman sapat na yon. Isa pa miss na miss na niya ang pamilya niya, lalo na si Shawn ang asawa niya.
"We're here," sabi ng Kuya Harvey niya, habang nananatili siyang titig na titig sa gate ng mga Alvarez, nang may marinig na tumunog. Napabalikwas pa siya sa pag-aakalang ang cellphone niya ang tumunog, dahil umaasa siya sa tawag ni Shawn. Ang cellphone pala ng kapatid ang tumutunog.
"Hello, Ah, yes, I'll be there in 10 minutes," narinig niyang sagot ng kapatid.
"Hainna, I'm sorry, sa banko may nagrereklamong kliyente and he requested to talk to me,"
"It's okay, Kuya. Ako na bahala sa mga gamit ko, you can go na," sagot niya habang ibinababa ng kapatid ang mga gamit.
"Sorry talaga Hainna, I'll call you okay," paalam nito bago muling sumakay sa sasakyan nito.
Tumango lang siya at nagpaalam na sa kapatid. Nang makalayo na ang sasakyan, kibit-balikat niyang lumingon sa gate. Sarado yon, kahit kumatok siya hindi siya maririnig ng mga nasa loob, dahil malayo pa ang bahay ng mga Alvarez mula sa gate. Sinabit niya ang backpack sa likod at hinila ang mga maleta. Dala na niya lahat ng mahahalagang gamit niya, dahil wala na siyang balak bumalik pa sa Canada. Tutal naman maaari naman siyang magtrabaho sa San Miguel. Ang mahalaga ngayon ay maayos niya ang relasyon nila ni Shawn bilang mag-asawa, ang magampanan niya ang papel niya bilang Mrs. Alvarez.
Hindi siya makadaan sa gate, kaya sa gilid na lang siya dadaan, sa may tabing dagat. Yon nga lang sa buhanginan siya maglalakad, at mataas ang aakyatin niya bago makarating sa bahay ng mga Alvarez. Bumuntong-hininga siya at sinulyapan ang high heels na suot.
"Ano ba naman kasing naisipan mo umuwi-uwi pa Hainna," maktol niya. At sinimulan na niyang maglakad papasok, hila-hila ang dalawang maleta niya.
Halos nakakalahati na niya ang buhanginan nang may makitang tao sa tabing dagat na naglalakad. Huminto siya sa paglalakad at tinignan ang mga naglalakad. Alam niyang bukas ang tabing dagat para sa mga tao sa San Miguel. Yon daw kasi ang kahilingan ni Mr. Alvarez noon bago ito pumanaw, para mapakinabangan naman daw ng mga taga San Miguel ang magandang view ng tabing dagat, kaya hindi na siya magtataka kung may makita siyang naglalakad doon, kahit sa ganitong oras.
Nagpatuloy siya sa paglalakad habang hindi inaalis ang mga mata sa dalawang naglalakad sa tabing dagat. Nakita pa niyang panay hampas ng babae sa kausap nitong lalake.
"Buti pa sila masaya," bulong niya at natigilan nang makita ang gilid ng mukha ng lalake. Nahinto siya sa paglalakad at natulos sa kinatatayuan, nang makita niyang ngumiti ang lalake habang kausap ang babae.
"Shawn," mahinang usal niya. Napako ang mga mata sa dalawa, pinanood ang dalawa mula sa di-kalayuan. Ewan niya pero nakaramdam siya ng sakit, tila nanikip ang dibdib niya. Sunod-sunod na lunok ang ginawa niya at nagbuga ng hangin, para alisin ang anumang tila bumabara sa lalamunan niya. Kitang-kita niyang masaya si Shawn, nag-e-enjoy ito sa kausap na babae, samantalang pagdating sa kanya, ni hindi man ito makangiti, ni hindi nga siya nito makausap man lang. At eto madadatnan niyang masaya itong nakikipag-kwentuhan sa ibang babae.
"Welcome home Mrs. Alvarez," bulong niya sa sarili. Ilang beses pang bumuga ng hangin para alisin ang tila paninikip ng dibdib niya.
Laylay ang mga balikat niyang umakyat sa hagdan, papunta sa mansyon ng mga Alvarez, kung saan siya mananatili kung papalarin siyang tanggapin ng asawa. Kung hanggang kailan ay hindi pa niya alam. Baka nga maya-maya lang paalisin na siya ni Shawn, pag nalaman nitong umuwi na siya ng San Miguel. Baka kung saang bansa na naman siya ipatapon nito para lang maiwasan siya, at malaya nitong magawa ang anumang ginagawa nito tulad ngayon. Alam naman ni Shawn na ngayon ang dating niya pero ano? Ayun nakikipag-tawanan sa ibang babae, samantalang siya hirap na hirap sa bitbit niyang mga gamit.
"Bakit ka pa kasi umuwi? Alam mo naman na wala kang lugar dito sa San Miguel eh," maktol niya sa sarili, habang hirap na hirap sa pagbuhat sa mga maleta. Muli niyang lumingon sa dalawa na marahil hindi pa siya napansin.
"Kainis naman," sabi niya at naramdaman ang tila may tumutusok sa dibdib niya. Nasasaktan siya sa nakikita, alam naman niya kung ano ang binalikan niya kaya dapat handa siya. Handa siyang masaktan.