"Yes po Mommy, sige po, sabihin ko kay Shawn. Pag-uwi niya, dyan po kami mag-di-dinner," sabi niya sa Mommy niya, nang tawagan ito at sabihin na nasa mansyon na siya ng mga Alvarez. Agad naman siyang niyaya ng Ina na doon na daw sila mag-dinner ni Shawn mamaya sa bahay nila, dahil wala naman alam ang mga ito sa estado ng pagsasama nila ni Shawn. Kaya ganoon na lang ang pag-aakala ng mga ito na nasa mabuting kalagayan siya, na masaya siya sa piling ni Shawn, at normal ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Ang alam ng lahat, maayos ang pagsasama nila bilang mag-asawa ni Shawn. Kung bakit nasa Canada siya ay dahil nais niyang maipagpatuloy ang pag-aaral niya, at sang-ayon naman si Shawn doon. Yan ang alam ng lahat, pero ang hindi nila alam, pinatapon siya ni Shawn sa Canada matapos ang kasal nila, sa mismong gabi ng kasal nila. Sinabi ni Shawn na mas makakabuti sa kanya na lumayo muna siya, bago siya nito masaktan physically. Sakit, diba? Pero wala naman siyang magagawa, kasalanan niya ang lahat.
Sa pananatili niya sa Canada, si Shawn lahat ang gumagastos. Bahay, pagkain, kotse, tuition sa eskwela, pati na allowance. Walang pagkukulang sa kanya si Shawn pagdating sa pera, pero sa loob ng tatlong taon niya sa Canada, ni minsan hindi siya pinuntahan doon ng asawa, at ni minsan hindi siya nito kinausap o kinamusta. Tanging secretary lang nito ang nakakausap niya, at ang secretary din nito marahil ang nag-aasikaso sa mga pinansyal na pangangailangan niya. Para siyang pinaliliguan ni Shawn sa pera. Para itong walang pakialam kung ano man ang gawin niya sa mga ibinibigay nitong pera. Sa ganoong bagay wala siyang maipintas kay Shawn. Kung sa bagay, barya lang naman rito ang mga ginagastos nito sa kanya, sa laki ng kayamanan ng pamilya Alvarez na tanging si Shawn lang ang magmamana pagdating ng panahon.
"Paano ko kaya sasabihin kay Shawn?" kagat-labing tanong niya sa sarili. Bumuntong-hininga siya at nagpalakad-lakad sa malawak na silid ni Shawn, na ngayon ay silid na nila bilang mag-asawa.
"Baka magalit siya? Ano ba yan Hainna?" maktol niya at ginulo ang mahabang buhok. Napatingin sa salamin, lumapit siya sa malaking salamin at sinuri ang sarili. Nakasuot siya ng maong pants, white sando top, at leather jacket na kulay beige, naka-high heels pa siya. Masasabi niyang maganda naman siya, pero bakit parang hindi man yon napapansin ni Shawn? Kanina ni hindi man siya nito tinignan o tila wala man lang dating sa kanya ang ganda niya. Gumanda pa nga siya lalo sa Canada, dahil maganda ang klima roon. Isa pa, 21 years old na siya kaya nag-iba na rin ang katawan niya. Mas maganda na ang katawan niya kesa noong 18 pa lang siya. Dahil nagkalaman na ng konti at nagkaroon na ng shape, isama pa ang magandang asset niya, ang mga dibdib niya, na may magandang hubog. Sa Canada maraming nanligaw sa kanya. Pero lagi niyang sinasabi na kasal na siya at pinapakita ang wedding ring na suot. Maraming hindi naniniwala dahil napakabata pa daw niya, at ni minsan wala pa daw silang nakitang kasama niya. Sinasabi na lang niyang isang businessman ang asawa niya at busy sa mga negosyo, yon naman ang totoo.
"Get dressed Hainna, ipakita mo sa asawa mo kung ano ang binabalewala niya," bulong niya sa sarili, at ngumiti. Mabilis niyang kinuha ang maleta at naghanap ng maisusuot sa bahay ng mga Alvarez. Yung kaakit-akit at lulutang ang ganda niya, para naman mapaisip si Shawn.
Matapos makapamili ng isusuot, agad na siyang nagtuloy sa banyo. Nagbabad muna siya sa bathtub para mawala ang tense sa buong katawan at ma-relax siya. Halos trenta minutos din siya sa banyo.
Nang paglabas niya, nagulat pa siya nang makita si Shawn sa loob ng silid. "Oh God!" bulalas niya sa gulat, nang makita si Shawn sa may tokador, may hinahanap sa drawer. Liningon siya nito at muling binalik sa drawer ang mga mata.
"Kanina ka pa dyan?" alanganing tanong niya, habang mahigpit ang hawak sa tuwalya na siyang tanging tumatakip sa katawan niya. Tumatulo rin ang basang buhok niya sa sahig.
"Ano naman ngayon? Kwarto ko to," malamig na sagot nito. Hindi man siya lilingunin nito.
Napasimangot siya at hindi alam kung ano ang gagawin. Kung babalik ba siya sa banyo at magbibihis na, o hayaan si Shawn na naroon. Napakagat-labi siya, dahil tila hindi pa tapos ito sa kung ano mang hinahanap o ginagawa sa drawer.
Lumakad siya palapit sa kama kung saan nakalatag ang mga damit niya at undies na isusuot. Naisip tuloy niya kung nakita ba ni Shawn ang undies niya sa kama kanina. Malamang nakita nito. May naramdaman kaya ito? tanong niya sa sarili. Kinuha ang isang towel para ilagay sa basang buhok niya, habang ang isa ay nanatiling nakabalot sa katawan.
"Shawn, tumawag pala si Mommy kanina, nagyayayang doon na lang daw tayo mag-dinner," nakuha niyang sabihin dahil hindi alam kung paano magbibihis.
"Why?" tanong nito at naupo sa kama at lumingon siya. Kinabahan siya nang mapatingin sa kanya si Shawn. Humigpit ang hawak niya sa towel.
"They want to see us."
"Sinabi mo na pumayag ako?" nasa tono nito ang inis.
"Ah, yes," alanganing sagot niya. Napahawak siya sa dulo ng tuwalya, sa may dibdib niya. Napansin niyang sinulyapan ni Shawn yon. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya.
"Do I really need to do this? Ang magpanggap sa pamilya mo?" tanong nito, sabay tayo sa kama. Humakbang palapit sa kanya.
"Kung ayaw mo, magdadahilan na lang ako."
"Anong idadahilan mo?"
"Na well - we're busy and - and - we want to spend our time together," nakuha niyang sabihin kahit kinakabahan. Nakita niyang ngumisi ito at lumapit pa lalo sa kanya.
"Spend time together eh," tuya nito. At huminto sa harapan niya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hiling niyang sana huwag nitong marinig.
"Hainna, Dela Serna Princess eh," bulong nito, at hinawakan ang baba niya. Tinaas nito yon para magpang-abot ang mga mata nila. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya sasabog na. Lalong humigpit ang hawak niya sa tuwalya, dahil kahibla lang ang layo nila ni Shawn sa isa't-isa. Amoy na amoy niya ang mabangong pabango nito. Nakakalasing ang amoy, isama pa ang mainit na hininga nitong dumadampi sa mukha niya, mas lalong nakakalasing.
"The spoiled little princess," nakangising dagdag pa nito.
"Shawn," nakasimangot na tawag niya. Dahil ayaw na ayaw niyang sinasabihan siya ni Shawn na spoiled. Nasasaktan siya kahit papano.
"Umuwi ka ba dito sa San Miguel dahil na-bore ka na sa mga nakikilala mong lalaki sa Canada?" may talim sa tono nito. Napakunot noo siya.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" inis na tanong niya, at inalis ang kamay nito na nakahawak sa baba niya.
"Why? Are they not satisfied you enough? Na-bore ka na ba sa kanila?" tanong nito habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Nanginig ang buong katawan niya dahil sa kakaibang tingin nito sa katawan niya, tila ba nandidiri ito o ano man.
"Bumalik ako dahil gusto ko," inis na sagot niya, at nilagpasan niya ito. Hinila ang undies at damit sa kama.
"I see, bumalik ka para sa akin ka naman makipaglaro?"
"What?" inis na tanong niya, at lumingon ito na nasa tabi na pala niya. Mabilis siyang hinapit nito sa bewang, napatili siya.
"Shawn! What are you doing?" tili niya, habang pilit kumakawala sa pagkakahawak nito. Nanlaki ang mga mata niya nang malaglag ang tuwalya na tumatakip sa katawan niya. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya kay Shawn, na sa na-expose niyang mga dibdib nakatingin. Nakita niyang napalunok ito, nakita niyang gumalaw ang Adams apple nito. So ayon nga, hindi immune sa kanya si Shawn. May pagnanasa rin sa kanya ang asawa. Lihim siyang napangiti at ikinasiya ang nangyari dahil nakuha niya ang atensyon ni Shawn. Hindi naman siya tututol kung nais ni Shawn na may mangyari sa kanila. Handa niyang ibigay ang sarili kay Shawn ng buong pagmamahal.
"Ano ba?" kunwari'y inis na sabi niya, at tinulak ng bahagya si Shawn, habang titig na titig pa rin sa katawan niyang hubad. Dinampot niya ang tuwalya at mabilis na tinakip sa katawan yon. Nakita niya ang pag-hugot ng malalim na paghinga ni Shawn. Lihim na naman siyang natuwa, dahil alam niyang may kakaiba ring naramdaman si Shawn sa kanya.
"Magbihis ka na, pagkatapos bumaba ka," utos nito sa kanya, bago tumalikod. Naglakad patungo sa pinto at tuluyan nang lumabas ng silid.