Chapter 1

1216 Words
Ellise "Mabuhay ang bagong kasal!" "Congratulations!" Nababakas ang malaking ngiti sa aking labi habang tinitingnan ang pagsaboy ng pulang talulot ng rosas mula sa himpapawid. Nang lumabas kami mula sa simbahan, lahat ng tao ay sa amin nakatingin, nagpapalakpakan at isa-isang nagbibigay ng pagbati. Ito ang isa sa pinakamasayang araw ng aking buhay, ang ikasal sa lalaking pinakamamahal ko. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng aking asawa, saka humarap at ngumiti sa kanya. "I love you, Elise," wika sa akin ni Bryan. Nababakas ang ngiti sa kanyang mga labi. Ramdam ko ang pagmamahal sa mga salitang kanyang binitiwan. "I love you too, Bryan," tugon ko saka pumatak ang luha sa aking mga mata. Dahil sa saya na aking nararamdaman, hindi ko na napigilan ang pagluha. *** Sa edad na bente-sais, ikinasal ako sa lalaking si Bryan Fortalejo, isang bagay na alam kong hindi ko kailanman pagsisisihan. "Are you happy?" wika ni Bryan. Naramdaman ko ang paggapang ng kanyang kamay sa aking baywang mula sa likuran. Pinatong niya ang baba sa aking balikat at sabay naming tiningnan ang tahimik na pag-alon ng dagat. Kasalukuyan kaming nakatayo sa deck ng yate at nagbabakasyon sa Palawan para sa aming honeymoon. "Oo, masayang-masaya ako," tugon ko sa kanya saka humarap. Nagtama ang tingin namin sa isa't isa at tila lumipad sa alapaap ang aming nararamdaman. Unti-unting naglapat ang aming mga labi at nagpalitan ng maaalab na halik. Maya-maya lang, namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng silid ng yate. Ito ang unang beses na ibibigay ko ang aking sarili. Hindi ako nagsisisi dahil mahal ko si Byran at alam kong mahal niya rin ako Nagsimulang maglakbay ang kanyang kamay sa aking katawan. Isang kakaibang sensasyon ang naramdaman ko sa bawat haplos na kanyang ginagawa. Hanggang sa tuluyan naming pagsamahan ang isang mainit na gabi. *** Sunod-sunod na halik ang gumising sa aking diwa. Bahagya palang akong gumalaw, agad akong napapikit nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng aking binti. "Good morning, beautiful," bungad sa akin ni Bryan. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang gwapong mukha ng aking asawa. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at agad na nilapat sa aking labi. Ngunit napatigil kami sa aming ginagawa nang marinig namin ang pagtunog ng kanyang cell phone. "Wait, honey. Tumatawag ang daddy mo," aniya. "Si daddy talaga, alam naman niyang honey moon natin," nagtatampo kong wika. Napangiti naman si Bryan dahil sa tila bata kong pag-akto, saka marahang ginulo ang aking buhok. "Don't worry, sandali lang naman to." Wala akong nagawa kung hindi ang sundan na lang ng tingin ang likod ni Bryan mula sa kama na aking kinahihigaan. Isang buntonghininga na lang ang aking nagawa. Alam kong hindi ko siya masisisi, si Bryan ang pinagkakatiwalaang assistant ng aking ama na si George Madison – ang CEO ng EMadison Corporation at ako si Elise Madison, ang nag-iisa niyang anak. Lumaki ako sa isang mayamang pamilya. At kahit maaga akong naulila sa ina, hindi ko naramdaman ang labis na pangungulila dahil sa sapat na pagmamahal na binigay sa akin ni daddy. Siya ang nagturo sa akin kung paano ang magpakumbaba. Kung paano ang hindi manghamak ng kapwa at paano rumespeto. Siya rin ang dahilan kung bakit ko nakilala si Bryan. Madalas akong bumisita noon sa kompanya ni daddy at doon ko nakita kung gaano kasipag si Bryan, hanggang sa tuluyan akong napalapit sa kanya. At heto ngayon, asawa ko na siya. Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang muling bumukas ang pinto ng silid. "Let's go?" pag-aya sa akin ni Bryan. Tumango lang ako bilang tugon saka ngumiti. Napuno ng pagmamahal ang bakasyon na iyon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses naming inikot ang isla at pinagsamahan ang gabi. Ngunit alam kong kailangan din matapos ang bakasyon na ito dahil maraming trabaho ang naghihintay sa manila. Sa aming pagbalik sa syudad, dala namin ang ngiti sa mga labi. Pinili rin naming manirahan ni Bryan pansamantala sa Madison Mansion habang ginagawa palang ang aming bahay. Hindi naman tumanggi si daddy rito dahil nais niya rin akong makita araw-araw. Tulad ng isang may bahay, kahit may mga kasambahay kami na maaaring mag-asikaso, mas pinili ko pa ring pagsilbihan ang aking asawa. Nais kong maramdaman kung paano nga ba ang mabuhay ng normal na may bahay na nagsisilbi sa kanyang mahal. Araw-araw akong gumigising ng maaga upang ipagluto si Bryan. Unti-unti na rin akong natututong magluto sa tulong na rin ng aming kasambahay. Hinahanda ko ang gamit niya sa trabaho at sa tuwing umuuwi siya, agad kong kinukuha ang kanyang coat at sabay kaming maghahapunan. Mahirap para sa akin, ngunit kakayanin. Masarap din naman sa pakiramdam ang aking ginagawa. Pakiramdam ko ay tuluyan akong naging independent simula nang mag-asawa. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi nang matapos kong tupiin ang huling damit na nilabhan ko. "Ma'am, sabi ko naman kasi sa inyo ako na ang maglalaba at magtutupi niyan," wika ng aming kasambahay nang makita niya ako sa sala na nagtutupi. "Ayos lang, masaya naman ako sa ginagawa ko," tugon ko saka ngumiti. "Ako na ang bahala mag-asikaso sa asawa ko, basta 'wag nyo kalimutan ang mga kailangan ni daddy, ha?" dagdag ko pa. "Opo, ma'am." Napalingon ako sa malaking main door ng mansion nang marinig ko ang pagbukas nito. Kumunot ang aking noo nang makita si Bryan na pumasok sa pinto. Tila nahihilo siya at pagewang-gewang ang lakad. Dahil sa pag-aalala, agad akong nagtungo sa kanyang kinaroroonan at inalalayan siya. Nanlaki ang aking mga mata nang maamoy ang matapang na alak sa kanyang katawan. "Nag-inom ka?" kunot-noo kong tanong. "Kaunti lang, Hon," tugon niya ngunit alam kong hindi ito kaunti. Hindi na lang ako nagtanong, bagkus, marahan ko siyang inalalayan patungo sa aming silid at doon inasikaso. Nilinis ko ang kanyang katawan at pinalitan ang damit. Marahil ay may naganap lang na kasiyahan kasama ang mga katrabaho kaya siya uminom nang ganito. Ngumiti na lang ako sa sarili at tinanggal ang mga bagay na tumatakbo sa aking isip. Hindi ako nagtanong at piniling manahimik. Ayokong magkaroon ng kahit anong argumento sa aking asawa dahil takot ako, takot akong mawala ang pagmamahal niya at mapalitan ng galit. *** Kinabukasan, nagising ako na wala na si Bryan sa aking tabi. Tinanghali na pala ako ng gising dahil late na akong nakatulog kagabi. Marahan kong ginalaw ang katawan at sinandal ang likod sa headboard ng kama. Lumingon ako sa paligid ng malaking silid at pinilit ingiti ang aking labi. Maya-maya lang, narinig ko ang pagtunog ng aking cell phone at isang numero ang nakita kong naka-flash sa screen. Kumunot ang aking noo dahil hindi ko kilala ang numero, ngunit kahit ganoon, pinili ko pa rin itong sagutin. "Hello?" pagsagot ko sa telepono. "H-Hello, si Elise po ba ito? Anak ni Si George Madison?" nauutal pang wika ng lalaking nasa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit ngunit nagsimulang balutin ng kaba ang aking puso. "O-Opo. Ako nga po." "Ang daddy mo, inatake sa puso." Tila gumuho ang aking mundo sa balitang sinabi sa akin. Nagsimulang manginig ang aking katawan at gumapang ang luha sa aking pisngi. Pinilit kong tumayo at lumabas ng mansion. Sumakay ako sa kotse at binaybay ang kalsada patungo sa ospital na sinabi sa akin ng lalaki sa telepono. Daddy, 'wag mo akong iiwan. Pakiusap!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD