Buong maghapon na hindi nakita ni Marco si Aries. Maya't maya siyang sumusulyap sa b****a ng Gustav Building ngunit ni anino ng dalaga ay hindi niya naapuhap. Sa awa ng Diyos ay hindi naman siya nahirapan sa unang araw niya sa trabaho. Mabilis niyang nakagaanang loob ang mga kapwa niya bodegero. Pagkatapos ng kaniyang trabaho ay hinintay niya ang paglabas ni Aries, ngunit nabigo siya. Gano'n na lang nga ang pagka-determinado nitong iwasan nga siya nito. Paaandarin na sana niya ang motor nang matanaw si Aries. Kinailangan niyang isauli ang kakukuha pa lamag na hulugang kotse. Kahit papaano naman ay nagamit niyo iyon at na-enjoy kasama si Aries. Kahit papaano ay may alaala siyang ni minsan sa buhay niya ay nakapagmaneho siya ng isang kotseng saglit niyang natawag na kanya. Kaagad siyang

