K35- Letting Go

1511 Words

KAAGAD umalsa ang dugo ni Aling Marcia sa kanyang ulo nang makita si Aries. "Ang kapal din naman ng mukha mong magpakita pa rito!" galit na wika ni Aling Marcia. Kaagad lumapit dito si Mang Gilbert upang mapigilan ang ano mang maaari nitong gawin sa dalaga. "Ano ang pakay mo rito, Aries?" tanong ni Mang Gilbert sa dalaga. "Hindi ko ho alam kung bakit ako nandidito," mapagkumbabang wika ni Aries. "Basta lang dinala ako ng mga paa ko rito. Pakiramdam ko ay kailangan ko kayong makita." "Konsensiya mo ang nagdala sa iyo rito," wika ni Aling Marcia. "Wala na. Sumuko na ang mga pulis sa paghahanap sa anak ko. Masaya ka na?" "Hahanapin ko po siya," nanginginig ang wikang tugon ni Aries kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Natawa si Aling Marcia. "Saan mo siya hahanapin? Sa langit? Ano

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD