Chapter 03

1614 Words
Hindi dapat ako papasok ngayong araw pero nang maalala kong apat nga pala ang long tests, wala akong nagawa kundi ang mag-aral. My phone vibrated, expecting someone whom I almost feared the most pero nang makita ko sa notif ang pangalan ni Simon ay tila ba nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Simon: I'm not around kaya mag ingat sa maghapon. Have a nice day, I love you! Hndi ko siya ni-replyan. Wala ako sa mood. Tanging kaba lamang ang namumutawi sa akin ngayon. Sa tuwing iisipin kong si Sir Kiel pala ang lalaking na meet ko sa Tinder with some erotic conversations, anong mukha ang maihaharap ko sa kanya? And knowing na kilala na niya pala ako sa umpisa pa lang, ano ang nagtutulak sa kanya para ituloy ang ugnayan namin? A student-teacher f*****g relationship is strictly prohibited! Bakit hindi niya naisip iyon? Inalis ko sa pagkakatali ang aking buhok nang matapos ang isang subject. General Chemistry na ang susunod. Sir Kiel's turn. Isang nakasusulasok na kaba ang biglang kumabog sa dibdib ko nang tumapat na sa alas diyes ang orasan. s**t. Nagsitayuan bigla ang aking mga kaklase, sumabay rin ako ngunit hindi ko binuka ang aking bibig. Hindi ngayon. Ni tingin, hindi ko gagawin. "Good morning Sir Kiel." Before, I was eager to flirt. Not anymore. Buong akala ko ay ka-edad ko lamang itong makikilala ko, 'yong tipo na alam kong hindi karesperespeto, knowing that I just met him in tinder. Nang malaman kong si Sir Kiel iyon, ang pagnanasa kong makipagrelasyon habang may Simon ako ay tila ba gumuho na lamang. Paano ko maiinda ang katotohanang ito? Paano ko haharapin ang isang teacher na nakatuklas sa mga mithiin ko habang may relasyon ako sa iba? That time, habang nagtuturo siya sa harap ay panay yuko lamang ang aking iginawad. His hawk-like eyes is piercing at kapag makikita ko iyon, siguradong gagapangin ako ng kaba. Ayokong may makapansin sa amin, gusto ko hanggang doon na lamang iyon. Ganoon ang ginawa ko sa halos dalawang linggong klase na inupuan ko sa General Chemistry. I never even lent an eye towards the blackboard. Though inamin ko naman sa kanya sa text na kalimutan na namin ang pagnanasa noon, hindi ko pa rin maiwasang mailang at kabahan sa tuwing nakikita ko siya. Sir Kiel is a nice teacher and I don't want to ruin his reputation. Iyon ang isinaalang alang ko ngayon at sa mga nakaraang araw kaya pilit ko na siyang iniiwasan. Vacant time namin ngayon at alas dose na ng tanghali. Wala ang mga teacher dahil may seminar. Nagkakagulo ang mga kaklase ko habang ako ay nakatutuok lang sa PerDev notebook, may quiz pa mamayang ala una kaya kailangan ko mag review nang matino-tino. Sa ingay nila ay nairita ako. Pinili ko na lamang na lumabas at pumunta sa pwesto na alam kong namumutawi ang katahimikan. Just as I entered into the empty field kiosk kung saan ay walang tao, nagulantang na lamang ako nang biglang may humila sa aking siko at hinila ako sa sulok. "Ano ba?" Hindi ko napigilang umangal. Biglang nagulo ang buhok ko dahil sa bilis ng pangyayari at nabitawan ko pa ang dala-dala kong notebook. Fear suddenly shivered my spine when I met his gaze and I felt his hard breath. Natulala ako nang napagtanto kong si Sir Kiel iyon. "Why are you ignoring me?" he slammed. Kumunot ang aking noo at umiwas sa kanya ng tingin. Totoong iniiwasan ko siya. 'Yong mga tawag at text messages niya, lahat ng iyon ay halos hindi ko na mabasa dahil higit kong hindi pinapansin ang phone ko. Lahat ng nasa isip ko ay walang iba kundi takot at kaba. I need a peace of mind. Sa pagkakataong ganito na hindi lang basta teacher ko 'yong nakatagpo ko, paano kung may makadiskubre nito at isumbong kami? Totoong makati at malandi ako pero hindi tulad ng iba, may isip naman ako. "S-sir, hindi kasi tama," usal ko. I kept on evading the flares of his eyes but he forced me to look at him intimately, kahit ang lapit na namin sa isa't isa. "So what do you think is right? Ang iwasan ako dahil nalaman mo lang na teacher mo ako?" "Sir, tama na! Ayoko—" He suddenly rubbed his lips against mine. Agad akong nagpumiglas. s**t, nanghihina ako! I need to get out of here before something else happens! I need to evade his facade before someone else witnesses! Tinulak ko siya palayo sa akin. I hate it. I admit but I have to hate it. Dahil kung hindi, kapwa kami ang maghihirap. "Tama na Sir. This is forbidden." Matapos sabihin iyon ay pinulot ko na ang aking notebook. Things might be hard after this but I must consider mere consequences. Maaaring magdulot ito sa akin ng sarap ngunit alam kong panandalian lamang iyon. "Let's forget what we've both agreed in tinder, Sir. Kasi hindi po talaga pwede. Excuse me, magsisimula na po ang klase." Tinalikuran ko na siya matapos iyon. Di bale na kung ganoon nga ang nararamdaman niya basta hangga't maaga ay magagawa ko pa itong maiwasan. I should be thankful anyway, at least I have clarified. After ng quiz ay dumeretso ako sa library dala ang milktea at potato chips upang ibigay at bisitahin si Simon. These past few days have been tough for him dahil sa puspusang review niya para sa regional science fair. He championed the recent competition kaya umangat na ngayon ang level na kanyang nilalabanan. Wala akong magawa kundi ang tumingala at mainggit. "Panalo ka na kahit 'di pa mag review," I said as I entered with sort of foods in my bare hands. Sa dulo ang kanyang pwesto kung saan bibihira lamang nauupuan. Hindi maipinta ang mangha sa aking mukha nang makita ang sandamakmak na reviewers sa kanyang lamesa. He looks so handsome in his eye glass and regular uniform. Nagliwanag ang kanyang mukha nang makita ako. "Hon," dinig kong bulong niya. Hinila ko ang upuan sa kanyang tapat at nilapag sa espasyo ang pagkain. Ngumiti ako. "Masyadong seryoso. Kahit di ka manalo ay genius ka pa rin naman." "Nag-abala ka pa, pero salamat." He took a sip from the milktea and glanced at me afterwards. Hindi ko naiwasang mapatitig sa kanya habang ginagawa niya iyon. Simon, look, you look great. Hindi ko alam kung paano ito sasabihin but this relationship we have really sucks. I tried but I couldn't. Hindi kita mahal. Pinaglaruan kita. Ginamit kita. Paano ko sasabihin ang mga salitang iyan? Napakatanga ko para lokohin ka at magpagamit sa iba kung mangyayari. Ngunit mas tanga ako kung papakawalan kita. Siguro, matututunan rin kitang mahalin. Not now, but soon. "Ang tagal rin nating hindi nagkita," wika niya. Sumang-ayon ako roon dahil halos isang lingo lang kaming chat, text, at tawag. We met last Friday bago siya sumabak sa laban at pagkatapos nito ay pinili ko na lamang umuwi nang mag isa at maging mapag-isa upang makapag isip-isip. "May problema ba?" Mabilis akong umiling. Siguro napansin niya ang pagkunot ng noo ko. Bwisit, ang dami ko kasing iniisip. "Wala naman." "What kept you busy last few days?" Natigilan ako sa kanyang tanong. Anong sasabihin ko? Tila ba kusang nagkaroon ng sariling isip ang dila ko dahil nagtuloy tuloy ako bigla sa pagsasalita. "Marami kasing mga gawain sa bahay tapos sumasabay pa 'yong ilang school works na dapat matapos nang maaga. Maraming times na gusto kitang bisitahin dito sa library since na pull-out ka nga para sa review sessions mo. Bukod doon wala na kaya dinadaan ko na lamang sa text." Dahan-dahan siyang tumango. This time ay 'yong potato chips naman ang kanyang nilantakan. "Mamayang gabi magtatrabaho na naman ako. Marami akong araw na ipinagpaliban para sa training na ito, aayain sana kitang mag date pero mag iipon muna ako." Napangiti ako. This time, genuinely. Nararamdaman kong malayo ang mararating niya sa buhay. Ang tyaga niya. Nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi? Knowing na running for highest honor din siya. Kinabukasan, akala ko maiiwasan ko na ang delubyo na nararamdaman ko kay Sir Kiel. Akala ko matitigil na pero hindi pala. Hindi na niya ako tinetext. O pinapansin sa labas sa tuwing nagkakasalubong kami. But hell, bakit ako lagi ang tinatawag niya para sumagot sa klase? Knowing na nahihirapan ako mag catch up sa chemistry na hinaluan pa ng sandamakmak na equations, f**k, sinasadya niya yatang mapahiya ako? "Don't sit until I tell so. Just remain standing Ms. Laurente," he commanded in a voice as scary as a roaring thunder. Napapikit ako at nanatiling nakatayo sa loob ng isang oras niyang pagtuturo. "Top 2 pa naman," dinig kong bulong ng mga nasa likod ko. Ever since that day, naging impyerno na ang mga sumunod kong araw. Madadali lamang ang mga tinatanong niya sa iba ngunit pagdating sa akin ay nakakadugo na ng utak. Hindi ko tuloy mawari kung demonyo ba siya na nagkatawang tao lang, hayop na 'yan. Nakarating kay Simon ang mga nangyari sa Gen Chem class namin dahil ako na rin ang laman ng mga usap-usapan. Madalas kong naririnig sa iba kung bakit biglang humihina ang performance ko. Ang sakit. Nakakababa ng loob. Nakakaiyak pero totoo. Anong magagawa ko, pinipilit kong maging matalino kahit hindi naman. "Don't mind them. Stay focused." Natauhan ako sa sinabi ni Simon. Nandito na naman ako ngayon sa library, kasama siya upang magpa-tutor. Kailangan kong mapatunayan sa Kiel na iyon na hindi na ako basta-basta. Kung ito ang paraan niya upang gantihan ako, pwes sasamantalahin ko rin ang pagkakataon na umangat dahil may Simon naman sa tabi ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD