Saglit kaming tumambay sa dalampasigan bago namin mapagdesisyunan bumalik sa hacienda. Mabuti na lang at malakas ang kapit ko sa bakal na mayroon sa nape ng kabayo dahil kung hindi, mahihirapan din panigurado si Kiel kung sa kanya pa ako kakapit. Pagbaba na pagbaba sa kabayo ay dumalo kaagad ang hardinero. Ipinaubaya na sa kanya ang lubid at magkasama kaming pumasok sa mansion. Just as we took a step inside, isang malakas na sigawan ang sumalubong sa amin. Napatingin ako sa gilid kung saan matatagpuang nakaupo sa sofa ang mga taong hindi pamilyar sa akin ang mukha. All of them are clapping. Dalawa ang lalaki at tatlo ang babae. Base sa istura at pananamit nila, masasabi kong maykaya sila, tulad ni Kiel na sa unang tingin ay may taas ang estado sa buhay. Sumunod ako kay Kiel nang maglak

