My forehead creased when I saw Simon, the next day. Huminga ako nang malalim nang mapagtanto kung gaano katagal na kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Hindi ako dapat kabahan lalo't wala naman akong pakialam kung anong sasabihin niya. Pero ngayon? Abot-abot ang tahip ng puso ko. Sukbit ang bag sa balikat, binaba ko ito sa armchair at muling tumingin sa kanya. Nasa first row siya kung kaya't makikita ko kung nakatingin pa rin siya sa akin. At gaya nga ng inaasahan, hindi nakatakas sa paningin ko ang titig ng kanyang mga mata. Tumingin ako sa orasan. Isang oras na lang bago magsimula ang perodical exam. “LQ?" saad ni Lara sa aking gilid. Hindi ko namalayang nandito pala siya. Umiling ako. "Eh bakit hindi ka niya nilapitan?" dugtong niya. Natahimik ako roon. Binalik ko ang tingin

