Chapter 06

1687 Words
I swear, nagmukha akong bipolar sa pinaggagawa ni Simon. Ni hindi ko rin naintindihan ang sarili ko sa mga naging takbo ng pangyayari kagabi. I just hate it. Ayokong makita na masaya siya sa iba. Those damn smiles, it should be mine. Habang nagsasalita sa harap ang club secretary ng research club ay biglang lumitaw ang mensahe ni Simon sa notif. Sa hindi malamang dahilan ay napangisi ako. Simon: Hon, I'm sorry. Lapit na kasi ng contest eh, mae-extend 'yung training namin. Ingat sa pag-uwi ha? I love you. Time for Kiel is now provided. "Kinilig ka na naman. Mamaya mahuli ka pa diyan e," Lara mocked. Mabilis akong umiling. Si Lara ang vice nitong club. Representative naman ako ng Grade 12. Ako nga mismo ang kumausap sa kanya na ipasok ako dito dahil at the end of the day, alam kong magagamit ko sa ranking itong points na makukuha as officer ng club. Ang nakatutuwa sa kanya ay naiintindihan niyang grade conscious ako. I mean, may mga times na hindi ko talaga siya pinapakopya, not even my assignment. Kaya nga kapag mag-isa ako at nare-realize na unfair ako, nakakahiya dahil malakas ang loob kong mangopya kapag hindi ko na talaga alam ang sagot. Tumingin ako sa time ng phone. It's 3:32. Nasa sasakyan na kaya si Sir— I mean, Kiel? Ako: Saan ka? Binaba ko muna ang phone dahil narinig kong tinawag ang pangalan ko. Lahat ng mga officers ay sa akin ngayon ang tingin. Patay. "What do you think?" ani Club President. Natameme ako. My God. Ang sungit pala ng mga ito. Kung alam ko lang na ganito ay sana nakinig na lang talaga ako. "I'm sorry," sagot ko na lamang. Napa-iling sila at bumalik sa usapan. Napahilamos agad ako. Kainis. Kung ano-ano kasi ang inaatupag ko. Nang matapos ang meeting ay nagpaalam na kami ni Lara sa isa't isa. Hindi ako nagdalawang isip na maglakad papuntang parking lot, magbabakasakaling nandoon si Kiel. Hindi pa rin kasi niya ako nire-replyan hanggang ngayon. Tahimik ang paligid. Tanging mga yapak ko lang ang naririnig. Talagang sa parking lot pa nakabibingi ang katahimikan kung kailan ako tumungo rito. Hinagilap ng mata ko 'yong kotse. Inisa-isa ko na yata pero wala. Nasaan na kaya iyon? Ako: You should have told me--- Naputol ang tinitipa kong mensahe nang makita ko sa hindi kalayuan si Simon, wearing his usual headset habang naglalakad palabas ng science building. May bitbit siyang mga folders at mukhang dito ang kanyang daan. He looks so tired. Parang pasan niya ang mundo. Kahit may kalayuan itong pwesto ko sa kanya ay nakikita ko pa rin ang gusot sa kanyang damit at ang medyo magulo niyang buhok. Napalunok ako. Bakit ako maaawa? Self-pity. Dapat kong mas kaawaan ang sitwasyon na mayroon ako dahil mas ipit ako sa pressure, hindi tulad niya. Things from the past suddenly flashed, I could still remember everything right before we bumped into each other. Same place, same time, same moment, and same circumstance. . . "Nasaan na ba 'yon?" nanggigigil kong bulong habang nakatitig sa phone. Ang dami ko nang missed call pero ayaw pa rin sagutin ang tawag. Napaka-importante sa akin ng papel na 'yon, dapat ay maibalik niya! Muli kong pinindot ang pangalan ni Jerome sa contacts, isang tawag at kapag hindi pa niya ako masagot, hihiwalayan ko na talaga siya! "Ugh!" Napamura ako. How dare him? Kailangan ko na ang papel na iyon. Doon kasi nakasulat 'yong mga sagot para sa special exam na kukunin ko ngayong hapon. Damn, hindi pwedeng maibagsak ang exam na 'yon, doon nakasasalay ang 30% ng final grade ko this sem! Tinawagan ko naman si Lara, sa kanya galing ang sagot, siguro may copy pa siya? Kung wala, pipilitin kong alalahanin niya ang mga sagot dahil umasa ako sa key-to na 'yon. Ni hindi na nga ako nag review dahil doon tapos hindi naman ibabalik ng dibuho kong boyfriend? Ang tanga ko dahil ipinahiram ko pa sa kanya. Punyeta. "Lara?" natataranta kong sabi nang sagutin niya sa wakas ang tawag. " 'yong key-to! s**t, mukhang nakalimutan ni Jerome isauli sa akin, baka nakauwi na, paano na ito?" Kinakabahan kong hinintay ang kanyang sagot ngunit katahimikan pa rin ang siyang namayani. Katagal. 3:30 na! Five minutes late na ako dahil kanina pa dapat ako nag-proceed sa faculty! "Lara? Andyan ka pa ba---" "This is not Lara," sagot ng nasa kabilang linya. Bigla akong kinabahan nang marinig ang boses na iyon. "S-sir Kiel..." Napapikit ako, paano napunta kay Sir ang phone ni Lara? At bakit siya ang sumagot nito? My god! Sa kanya ako kukuha ng special exam tapos ganito ang malalaman niya?! Nabisto ako! "Sir. I'm sorry---" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko dahil agad nang naibaba ang tawag. Mabilis kong binulsa ang phone ko at agad na napahilamos. Sigurado akong malalaman ito ng magulang ako. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kung mabalitaan nilang sinubukan kong mandaya? My eyes teared in frustation, s**t. Ang hirap. Kung hindi lang ako nilulunod sa pressure ng pamilya ko, hindi ako maglalakas-loob na dayain ang exam ko. Kung pwede lang bumalik muli sa sinapupunan at mamili ng magulang ay matagal ko nang hiniling. I hate belonging to that family dahil mula noong bata ako, puro na lang achievement ang nais nilang marinig. Para bang wala sa bokabularyo nila ang failure. "Here," someone from behind said. Lumingon ako upang tingnan kung sino iyon. It was Simon, with handkerchief in his bare hands meant for my teary eyes. He drew closer and carelully wiped my tears. This man, the only man I wished to overcome, who would think that he'll stop me from crying? As I stare, hindi ko namalayang papalapit na pala siya sa akin. Ang tangi lamang sumagi sa paningin ko ay ang labi niyang bumubuo na ngayon ng ngisi't malawak na ngiti. "Hon." He removed his headphones and hugged me. I rolled my eyes. I just can't hold the bitterness creeping into my veins. Sa sobrang talino niya ay kinapos naman siya sa pagiging isang kasintahan. Miminsan lang siya kung gumanito. Masisisi niyo ba ako kung sweet gestures ang sukatan ko ng pag-ibig? "Teka nga, ayusin mo muna ang sarili mo." Bahagya ko siyang tinulak. Tanginang ayos 'yan. Akala mong binagyo ah. "Sensya na. Masakit kasi ulo ko. Nagpaalam naman ako kay Sir, magpapahinga lang," sagot niya habang hinihilot ang sentido. Nakakainis. Parang ang arte naman. Ginusto naman niyang pasukin 'yan. Ngayon ay panindigan. Sinundan ko siya ng tingin at dumeretso siya sa motor niya. Nice. Huwag niyang sasabihin na pasasakayin niya ako diyan. "Hatid na kita sa inyo," alok niya at inabot sa akin ang helmet. Umiling ako. "Suit yourelf. Kailangan ko pang i-meet mga groupmates ko eh," pagsisinungaling ko. Kung hindi ito maniniwala, lahat ng dahilan sasabihin ko, makaiwas lang sa motor na 'yan. Tumango siya at inayos ang mga gamit. Mukhang pagod talaga siya. "See you tomorrow hon. I love you," he told and after several seconds, he left. Poor Simon. Ginagamit na nga, hindi pa nahahalata. Hindi ko tuloy alam kung paano ko mapuputol ang ugnayan ko sa kanya. Ang daming paraan pero iisipin ko pa lang ay hirap na hirap na ako. What more kung gagawin ko na? Paano ko sasabihin na ayaw ko na sa kanya? Paano ko aaminin ang lahat? Paano ko isisiswalat ang lahat kung ang kapalit ay pagkamuhi? Nakakalito. My phone vibrated. This time ay tumatawag na. Bakit ngayon lang naisipan ng lalaking ito na magparamdam uli sa akin? "Hello?" bungad ko. "Hindi na siya babalik?" tanong niya sa kabilang linya. Tumaas ang kilay ko. Ano ang ibig niyang sabihin? "Hey." "Sino bang tinutukoy mo?" "Your man." Lumingon ako sa paligid. Alam kong nakatingin siya sa akin. Siguro kanina pa niya ako nakikita at ayaw lang magpakita. "Nasaan ka ba?" I suddenly felt his warm embrace from my back. s**t. Kahinaan ko talaga ito. Why does he keep doing this kahit nasa school kami? I don't know but this feeling arouse me for more. That even this is too forbidden, napakasarap sa feeling na may sasalubong sa'yong yakap. Walang pag-aalinlangan. Walang pakialam. "Stop it babe," I laughed. Ang init ng yakap niya kahit likod ko lamang ang nakararamdam ng kanyang yakap. But when I heard his voice, biglang nanlaki ang aking mga mata. O s**t! Oh my God! Nanlamig ang buo kong katawan matapos tumalikod upang humarap sa taong yumakap sa'kin. I was wrong for thinking that this man is Kiel. I was wrong for saying 'babe'! I was wrong for expecting that this man is my teacher! My god. "H-hon," I murmured while my knees are trembling. Hoping that my word wasn't a big surprise. Hoping that he wouldn't notice the word that I just said! Why do you keep on disappointing me, Simon? "I can't leave with you standing here, hon. Ihatid na lang kita," he said while still hugging me. Ramdam ko ang init niya. s**t, ang init-init niya. Bakit ang taas ng temperatura nito? I touched his forehead through the back of my hand. Hindi ko maipagkakaila ang naramramdaman niya, sigurado akong may lagnat siya. Napalitan ng pag-aalala ang inis. Gayundin ang awa. Masyado niyang ginagalingan sa buhay. Magpahinga naman kahit saglit. Makapaghihintay naman 'yang review niya. "Tara na, kailangan mo nang umuwi," wika ko at binaklas ang mahigpit niyang yakap sa akin. Palihim kong tiningnan muli ang phone kung naka standby pa rin ang tawag mula kay Kiel, nang makitang nasa linya pa ito, napakagat-labi na lamang ako. I'm sure he heard our convo. And I hate it. Bago pa man ako makasakay sa motor na naka-park sa kalayuan ay muli kong pinasadahan ng tingin ang paligid, umaasang makita si Kiel. At hindi ako nagkamali, I saw him standing right beside the post lamp, still holding his phone while staring at me, still expecting I would answer his call, still wishing that I would refuse Simon's offer... Still hoping I would run away and be with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD