Bahagya kong pinupog ng foundation ang aking mukha. Mapusyaw naman ang liptint dahil sigurado akong mapapagalitan lang ako kung masyadong mabigat ang kolorete. Sinuot ko na rin ang knee-length dress na nabili namin ni Kiel noon. Umikot ako at pilit na ngumiti. Ano kaya ang mangyayari ngayong araw? Umupo ako sa kama at hinagilap ang cellphone. Kinuhanan ko ng litrato ang sarili at kaagad itong ni-send kay Kiel. Ako: Salamat sa libre! Gagamitin ko ito ngayon, may birthday party kaming pupuntahan. Tinawag na ako sa labas kaya muli kong tiningnan ang sarili sa salamin bago lumabas. Casual lang ang suot nila Mom at Dad. Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Mom nang makita ang suot ko. Ngumiti ako. "Bakit parang ngayon ko lang nakita ang damit na 'yan?" Nagsimula na kaming maglakad pala

