Naiiyak akong tumawag kay Jake pagkatanggap ng kahon ngunit hindi siya sumasagot. Ilang beses ko pang sinubukan ngunit wala talaga akong sagot na natatanggap mula sa kanya. Mabilis akong nag-ayos para umalis. Hindi ko alam kung mapapanatag ba ako na nandito lang sa bahay. Nanginginig pa rin ako sa takot dahil sa nakita ko kanina. Nag-utos ako sa driver na pumunta kami sa kumpanya. Sinabihan ko rin ito na ialerto ang mga bodyguard para sumama sa akin para mabantayan ako. Sumunod ito sa aking sinabi saka pinaandar ang sasakyan. Habang nasa byahe ako patungo kay Jake ay abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit nababahala ako. Ilang buwan na naging matahimik ang buhay namin. Huling may nanggulo sa amin ay noong nasa dating university ako. Mula noon ay hindi kam

