Chapter 16

1256 Words

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ko kay David nang siya ay magising. Unti-unti naman siyang umupo sa kama at bahagyang nalukot ang mukha niya na para ring may nginunguya siya. “It’s fcking bitter,” malutong na reklamo niya. Napairap na lamang ako sa kaniyang sinabi. Marahil ay hanggang ngayon, nalalasahan pa rin niya ang pait ng gamot kanina. Nagluto na rin ako ng sopas dahil kinakailangan na naman niyang kumain ng mga pagkaing may sabaw para kahit papaano ay bumaba na ang lagnat niya at pagpawisan siya nang husto. Pinunasan ko na rin ang kaniyang katawan kanina dahil halatang pinagpapawisan siya dahil na rin sa gamot na ipinainom ko. Mabuti na lamang talaga at hininaan ko rin ang air conditioner. Para kahit papaano ay hindi siya manginig sa lamig at lumabas din ang pawis niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD