“Greetings, Ma’am Melendez,” bati sa akin ng akings secretary matapos ko siyang tawagan. “What can I do for you, ma’am?” “Hindi ako papasok ngayon at possible na hanggang bukas,” saad ko. “May emergency lang akong inaasikaso.” “Noted, ma’am. Ingat po,” saad ng aking secretary bago ko patayin ang tawag. Napalingon naman ako kay David na kasalukuyang natutulog sa aking kuwarto dahil hindi naman siya kasya sa chase lounge kanina. Sobrang laki ba naman niyang tao! Napilitan na lang akong patulugin siya sa kuwarto nang sa gayon ay hindi naman niya pinagsisiksikan ang sarili niya sa maliit na upuan. May sakit na nga ang tao tapos ipipilit pa rin niyang matulog doon. Napabuga na lang ako ng hangin lalo na nang maalala ko kung paano ko siya painumin ng gamot kanina. Hindi kasi talaga siya

