Kagaya nga ng sinabi ni Davidz susunduin niya ako. Ang problema ay hindi pa ako nakakapag-ayos. Ang aga kasi niya! 8:00 am pa naman ang pasok ko pero dumating siya nang 5:30 am! Tapos makikita kong inaantok pa siya. Kaya napilitan akong papasukin siya rito sa condo nang makakain kami ng almusal. Hindi naman na bago sa akin ang magpapasok ng mga kaibigan ko rito sa condo ko dahil madalas naman silang tumambay rito noon. Ngunit iba na kasi ang setup namin ngayon ni David. Inamin na niyang may gusto siya sa akin. Kaya parang hindi na talaga kaibigan ang tingin ko sa kaniya at kung hindi ay parang manliligaw na. Paanong hindi ko iisipin iyon? Eh, kahit ayaw ko namang pumayag sa kagustuhan niya, ginagawa pa rin niya. Ni hindi ko nga naalala na pumayag akong sunduin niya ako ngayon para lan

