Dahil sa nangyari, napagpasyahan kong ayain sila sa aking condo nang makapag-usap kami nang masinsinan pero hindi sila pumayag. Bagkus ay isinakay ako ni David sa kaniyang sasakyan at mabilis na isinara ang pinto. Sinubukan ko namang ibaba ang wind shield sa aking tabi pero ayaw. Marahil ay alam ni David na bubuksan ako ang wind shield kaya siguro pilit nilang pinipindot ang remote na hawak niya. Kaya wala na akong nagawa kung hindi mapikon na lamang sa nangyayari. Kahit kailan talaga, pinagtutulungan nila akong mga lalaki. Mag-isa lang kasi akong babae kaya ganito na lamang sila makapagbakod sa akin. Nakakainis man ay hindi ko magawan ng paraan. Porket alam nilang mas malakas sila, gagamitin na nila iyon para mapasunod ako. Pinagkrus ko na lamang ang aking mga braso sa harap ng akin

