“What are you doing here?” tanong ko kay David nang makita ko muli siyang naghihintay sa parking lot. Nakasuot siya ng cap ngayon at mukhang iniiwasan ang mga paparazzi. Tinanggal din niya ang kaniyang mask at lumapit sa aking puwesto para lamang kunin ang bitbit kong bag. “Ako na,” pigil ko sa kaniya nang akma niyang aagawin sa akin. Hindi naman kasi mabigat iyon. Sa katunayan nga ay sobrang gaan niya dahil ang laman lang naman no’n ay wallet saka ang aking phone. Kung ano na kasi ang naabot ko, iyon na ang gagamitin ko. Kaya ito, napagkamalan pang marami akong dala. “Magaan lang naman,” saad ko habang yakap-yakap ang bulaklak na binili niya sa akin. Ngunit imbis na pakinggan ako ay hindi niya sinunod. Basta na lang kasi niyang kinuha ang bag ko at ang hawak kong bulaklak. Minsanan

