“Puwede mo akong gamitin para makapag-move on ka.” Kung tutuusin ay wala naman talaga akong balak gumamit nang ibang tao para lang makapag-move on. Kaya ko naman. Alam kong kaya ko iyon kasi hindi ka naman mabibigyan ng pagsubok sa buhay kung hindi mo kaya, hindi ba? Hindi naman ako ganoong tao. Hindi ako gumagamit ng ibang tao para lang makuha ang kung anong gusto ko. Ang parang lumalabas kasi rito ay magpapagamit si David para lamang makapag-move on ako tapos kapag okay na ako, ano ang mangyayari? Iiwan ko na lang ba siya? Kasi oo nga, hindi malabong makapag-move on ako kung gagamitin ko siya. Ibabaling niya ang aking atensyon sa kaniya para lamang makalimutan ko si Nicholas. Ngunit hindi ba parang unfair iyon sa side ni David? Ginagamit ko siya habang ang kaniyang intensyon ay mag

