“What do you want?” tanong ni David sa akin habang kami ay pumipili ng pagkain sa menu. Wala akong maisip. Wala akong gana. Basta ang tanging gusto ko lang ay umuwi na sa aking condo nang sa gayon ay makatulog na ako. Kaso alam kong hindi ako paaalisin ni David nang walang kahit anong laman ang tiyan ko. Kaya kahit labag sa kalooban kong kumain, sumama ako. Ngunit sinusubok talaga ako ng tadhana dahil kahit anong titig ko sa menu, wala akong maisip na pagkain. “Hindi ka pa rin ba nakakapili?” Napalabi na lamang ako at kaagad na iniangat ang aking ulo para tingnan si David na ngayon ay nakaangat na naman ang kilay niya. Kahit kailan talaga ay napakasungit ng kaniyang mukha. Akala mo ay basagulero pero kapag nakilala mo nang maayos, doon mo malalaman na mabait pala siya. Well, sadyang

