We started hanging out. Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang beses dahil mabilis ding lumipas ang buwan.
Basta ang alam ko na lang, nagsisimulang may mamagitan sa amin or baka ako lang ang assuming?
Kasi I like him— no. I love him. Mahal ko na siya to the point na nasasaktan na ako sa nalalaman ko.
“Eisley, nakikinig ka ba sa amin?” sigaw ni Kuya Rowan dahil nalaman niya ang nangyari.
Hindi kami kompleto ngayon. Tanging ang banda lang nilang MCAR ang nandito dahil busy ang iba naming mga kaibigan.
Ngunit sigurado naman akong alam nila ang nangyayari. Aware sila sa nangyayari at alam kong sasabihin din nina Kuya Rowan ang magiging usapan.
“Kung alam ko lang na magmamahal ka ng babaero, sana matagal na kitang sinasamahan,” napipikon na wika ni Kuya Rowan.
Kinagat ko lamang ang aking ibabang labi dahil hindi ko naman talaga alam na babaero siya o sadyang mali lang talaga ako kasi nag-assume ako?
I don't know. Naguguluhan ako. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari. Alam kong mali ako pero matuturuan ba ang pusong magmahal? Matuturuan ba?
Hindi naman. Kaya nga kahit ano ang kanilang gawin. I will always love him. Aamin man ako o hindi, mamahalin ko pa rin siya kahit masakit.
“Iba-ibang babae ang kasama niya, Eisley! Pero hindi mo man lang naimulat ang mga mata mo?” nalilitong tanong ni Kuya Gillean.
I know. Alam kong may mga nakakasama siyang babae but I chose not to think about it. Hindi naman kasi sila ang mamahalin ko, eh! Si Nicholas naman!
Sa ilang buwan ang lumipas, napag-alaman kong may mga lumalapit sa kaniyang babae. Minsan nga ay makikita kong touchy sila sa isa’t isa.
Oo, walang kami. Aminado ako sa part na iyon pero masakit pa rin dahil nga mahal ko iyong taong iyon.
Mahal na mahal ko siya to the point na ayaw kong pansinin ang lahat. Kahit pa sermonan ako o i-trashtalk nina Kuya o mga kaibigan ko, wala akong pakialam.
Gusto ko lang magmahal. Gusto kong matuto. Gusto kong hayaan ang sarili kong yakapin ang lahat.
Naramdaman ko na lang na may inilapag sila sa harapan ko at nang masilayan ko kung ano iyon, picture ni Nicholas na may kasamang babae.
Babaero siya o baka hinuhusgahan lang namin? Hindi ko alam. Basta ang gusto ko talaga ay mahalin siya.
“Can’t you see, Eisley?” tanong ni Kuya Gillean sa akin. “Kung hindi, open your eyes. Titigan mong mabuti—”
“Kuya!“ sigaw ko para patigilin silang lahat.
Tiningnan ko sila isa-isa kahit na nanlalabo na ang aking paningin. Kasi kahit ipakita nila sa akin ang lahat, wala naman akong inaasam na mahalin din niya ako.
Ang akin lang ay mahalin ko siya nang tahimik. Iyong hindi niya alam. Iyong wala silang alam.
That’s okay. Walang kaso sa akin. Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko. Gusto ko lang ma-experience ang magmahal.
Kahit pa maling tao ang mahalin ko, ayos lang. Hindi ko naman kasi hinahangad na suklian ang pagmamahal na mayroon ako.
Gusto ko lang matuto. Gusto ko lang sumaya kahit na saglit. Kasi aaminin ko namang masaya ako sa piling ni Nicholas kahit na wala siyang alam sa nararamdaman ko.
I don’t consider him also na nilalandi niya ako because that was different. Magkaibigan lang kami. Madalas magkita sa labas para kumain o kung ano.
Ngunit hanggang doon lang. Kung aamin man siguro ako. Baka iyong wala na akong nararamdaman sa kaniya.
He’s a nice man. Gentleman din. Kaya paanong hindi ako mahuhulog sa kaniya? Parehas naming mahal ang kape. Kaya nga mas lalo kaming naging close.
Pero hindi ganoon kalalim ang pagkakaibigan namin. Siguro kaya labg din ako nagkagusto sa kaniya at minahal siya ay dahil siya lang bukod tanging lalaki na napalapit sa akin maliban sa mga kaibigan ko.
Kaya ngayong sinasabi nilang babaero si Nicholas, no. Wala kaming romantic label. Mahal ko lang siya and magkaiba iyon.
“I don’t care,” matapang na sambit ko.
Natigilan silang lahat dahil kahit malabo ang mga mata kong nakatingin sa kanila dahil sa mga luha, alam kong napasinghap sila.
“Wala akong pakialam kung babaero siya. Wala kaming label. We’re just friends. Ako lang ang nagkagusto at nagmahal. So anong magagawa ng mga evidence na iyan? Wala naman siyang papanagutang feelings kasi wala siyang alam,” paliwanag ko sa kanila. “Yes, it hurts me pero mawawala rin ito. Hayaan niyo lang akong yakapin muna ang sakit. Kasi hindi naman madaling gawin ang sinasabi niyo.”
Nanatili silang tahimik kahit na humahagulgol ako sa kanilang harapan. Alam ko namang nag-iingat lang sila sa akin. Valid ang rason at actions nila pero hindi ba nila inalam kung ano ang mayroon kami ni Nicholas?
Minamahal ko lang siya nang palihim! Pero kung mag-react sila, akala nila nag-cheat na sa akin ang boyfriend ko.
“Hayaan niyo ako sa gusto ko,” nahihirapan kong wika dahil sa paghagulgol ko. “Just don't mind me. Kaya ko naman. I can handle the pain.”
“Bakit ba hindi ka na lang mag-move on—”
“Mahirap gawin, David!” sigaw ko sa kaniya para patigilin siya sa pagsasalita. “Kung inaakala mong madaling mag-move on, sana mabilis kong nagawa! Sana hindi ako umiiyak ngayon. Sana hindi ako nasasaktan! Kasi hindi mo naman madidiktahan ang puso. Kung tutuusin, thankful ako dahil hindi ako naghahangad na mahalin niya ako pabalik. Ang gusto ko lang mahalin siya nang walang hinahangad na kung ano. Mawawala rin naman ito. It takes time.”
Pinunasan ko ang aking mga luhang kanina pa pumapatak pero hindi ko naman inaasahan na magdidilim ang kaniyang mga mata at iigting ang kaniyang panga.
Kitang-kita kong nagpipigil siya at iba rin ang kaniyang aura pero mabilis niyang inilihis ang kaniyang mga mata at tumalikod sa akin.
He looks different. Hindi ko alam kung guni-guni ko nga lang ba o kung ano pero hindi ko siya mabasa kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang reaksyon.
“Yosi lang,” paalam ni David sa amin.
Hindi naman nag-react sina Kuya Gillean sa sinabi niya dahil nasa akin pa rin ang kanilang mga atensyon. Habang ako naman ay nakatingin lamang sa papalayo niyang pigura.
Matapos ang naging usapan namin nina Kuya Gillean sa restaurant, wala na kaming imik. Hindi na rin bumalik si David sa loob at hindi ko na alam kung saan siya nagpunta.
“I-text mo kami kapag nakauwi ka na,” saad ni Kuya Gillean.
Tumango na lamang ako sa kaniya dahil magpapaiwan pa ako rito sa restaurant para huminga nang maayos.
Pakiramdam ko kasi, wala pa akong lakas para umuwi. Masyado kasi akong naubos kanina sa naging pagtatalo namin kahit na alam ko naman na nag-aalala lang sila sa akin.
Napangiti na lang ako at kaagad na tinitigan ang aking in-order na inumin. Kagaya ng dati, kape pa rin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababawasan.
“Hindi ka pa ba uuwi?”
Napaangat kaagad ako ng aking ulo at doon ko nakita si David na ngayon ay mas gumulo ang kaniyang buhok.
Hindi ko napansin na pumasok na pala ulit siya. Marahil ay nakuha ng atensyon ko ang kape. Ni hindi ko nga rin napansing wala na pala sina Kuya Gillean sa loob.
“Hindi pa,” paos na sagot ko sa kaniya at kinagat ang aking dila dahil naalala ko pa lang nasigawan ko siya. “Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?”
Hinila ni David ang bakanteng upuan sa aking harapan at kaagad na umupo. “Hindi ka pa naman uuwi. Kaya hindi pa.”