"Papa!" tanging nasabi ko na lamang sa aking Ama. Mayamaya pa'y biglang napatingin si Papa sa babaeng nakakadena. At nakikita ko sa mukha nito ang pagkagulat at halos hindi makapaniwala. Kahit na sabihin pang madungis ang mukha ng babaeng may kadena ay alam na alam pa rin na magkamukha sila ni Mama Nika. "S-Sino siya, Nika? Bakit magkamukha kayo? Sa aking pagkakaalam ay wala kang kakambal!" pasigaw na turan ni Papa kay Mama Nika. Isang malakas na halakhak muna ang pinakawalan ni Mama. Pagkagapos ay galit na tumingin sa mukha ni Papa. "Hulaan mong mabuti kung sino siya, Julyo. Bakit hindi mo titigan. Puwede mo ring lapitan para makilala mo siya nang mabuti," muling anas ni Mama Nika. Tumingin ako sa mukha ni Papa. At nababanaag kong naguguluhan ito sa mga nangyayari. Ngunit sinunod pa r

