Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa dahil hinihintay ko ang pagdating ni Seth. Tumawag kasi ito na ngayon daw ang dating. Kaya nga dito ako nag-aabang sa sala. Parang nasasabik na akong makita siya. s**t! Bumalik na ba ang feelings ko sa lalaking iyon? "July! Sumama ka sa akin dahil may pupuntahan tayo." Nagulat pa ako nang biglang sumulpot si Mama sa aking harapan. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Saan po tayo pupunta, Ma?" tanong ko sa aking Ina. "Huwag ka nang magtanong pa. Sumama ka na lang kasi may lakad tayo. Saka walang magdadala ng aking mga bibilhin. Huwag ka nang magbihis, dahil diyan lang naman tayo sa malapit," sabi pa sa akin ni Mama. Napabuntonghininga muna ako, bago tumayo mula sa aking pagkakaupo. Ayaw ko sanang sumama dahil gusto kong salubungin ang p

