Chapter 11

1672 Words

"YANAH..." Ang marahang yugyog sa kaniyang balikat ang gumising sa diwa niya. Pagmulat niya ay ang guwapong mukha ni Sir Li ang una niyang nakita. Kahit hindi ito nakangiti sa kaniya ay napangiti pa rin siya. Nakaidlip pala siya sa biyahe. Madilim pa rin ang buong paligid ngunit nang ituon niya ang mga mata sa labas ay bumungad sa kaniya ang isang water fountain sa gitna ng malawak na garden. Pagkuwa'y nakita niya ang mataas na pader ng isang bahay. Hindi niya masyadong aninag ang hitsura dahil ang tanging ilaw lang sa may maindoor ang bukas pero sapat na 'yon para mahalina siya sa nakikita. "Nandito na tayo. Tara na." Bumaba na si Sir Li ng kotse kaya sinikap na rin niyang makababa mula sa kinauupuan. Mabuti at naturo rin sa kaniya ng lalaki kung paano magkalas ng seatbelt. Pati kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD