Blennise POV
Nandito na ako sa opisina kahit isang oras pa bago ang time of work sadyang maaga lang talaga akong nagising. Kasalukuyan akong nagtitipa sa computer ko ng may bumati saakin.
“Good morning Blennise” bati saakin ni Jordan isa rin sa mga kaofficemates naming. Actually bihira ko lang naman itong makausap kaya nagtaka ako dahil bigla akong binati nito ngayon at nakangiti pa ito saakin.
“Good morning din sayo Jordan” bati ko rin pabalik sa kanya. Lumapit ito sa table ko kaya nagpatitig ako sa mukha nito and aaminin ko gwapo rin itong si Jordan kaya nga siya ang heartthrob ng department naming “tatanong ko lang sana kong sasama ka ba mamaya sa department dinner natin tsaka daw magbabar daw tayo after natin magdinner?” tanong niya saakin. Well napag isipan ko na rin na sumama dahil ayaw ko namang lumabas na KJ sa kanila and besides nandoon naman sina Gela at Rina so I have company kaya hindi ako maoout of place saka mabobored at the same time tsaka it’s my first time na pumunta sa isang bar.
“Hmmmmm oo, ikaw sasama ka ba?”ngumiti ito ng sobrang gwapo saakin bago sumagot “oo naman nandoon ka eh” kumunot ang noo ko ng hindi ko na maintindihan ang huli niyang sinabi dahil halos pabulong na lang ito.
“Ha? Ano nga yung huli mong sinabi? Pasensya na hindi ko kasi narinig eh”tanong ko sa kanya pero isang ngiti lang ito bago naging isang ngisi na kinataka ko lalo.
Hindi ko na lamang pinansin ang nakita kong pagngisi niya pumunta na ito sa desk niya at maya maya pa ay dumating na ang iba naming mga kadepartment at masayang masaya ang dalawa kong kaibigan dahil sinabi ko na sa kanilang sasama ako mamaya sa department dinner at pagpunta sa bar sabi pa nga ng dalawa ay magboboys hunting daw kami mamaya.
Knight POV
Papunta na akong office ko nang makaramdam ako ng pagbigat ng pantog ko kaya tumigil muna ako sa isang department at pumunta sa loob ng CR.
Nang nasa may pinto na ako ay nakita kong nakaawang ang pintuan at ng sumilip ako dito kong may tao nga sa loob ay nakita ko itong nakaharap sa salamin habang may hawak na litrato habang tinitingnan niya ang picture ng kong sino ay ngasasalita pa ito rinig na rinig ko ang sinabi nito “sisiguraduhin kong matitikman kita mamaya at mapapasaakin ka. Unang araw pa lang nang makita kita ay nagkainteres na agad ako sayo kahit na bakla ka pa” labis akong nagulat ng sabihin niyang bakla ang pinagbabalakan niya ng masama.
Narinig kong naghugas ito ng kamay at maya maya pa ay narinig ko na ang yabag nito papalapit sa pintuan.
Nakita niya akong nakatayo sa tapat ng pintuan bahagya pa itong nagulat dahil nakita ako “G-Good m-morning po sir ahhmm kanina pa po kayo diyan?” tanong nito na halatang kinakabahan.
Ako naman ay seryoso at pinanatili kong blangko ang ekspresyon ko “no” simpleng sagot ko sa kanya.
Nakita kong nagyumuko ito ng bahagya bago lumabas ng banyo habang ako naman ay naglock ng pinto at dumiretso sa urinal saka inilabas ang lahat ng kinabibigat ng pantog ko. I was just happened to pass there pero nakaramdam ako ng pagbigat ng pantog ko kaya kaysa naman bumalik pa ako sa opisina ko ay pinili ko na lamang ditto na umihi.
Nang matapos akong imihi ay pumunta na ako sa sink para maghugas ng kamay pero kaagad na napadako ang tingin ko sa isang picture na nakataob kaya agad ko itong pinulot siguro sa lalaking empleyado ito kanina.
Nang iharap ko ang picture ay nagulat ako dahil kilalang kilala ko ang taong nasa picture. It was him.
It was Blennise.
Kaagad na naalala ko ang sinaad ng lalaking empleyado ng kompanya ko kanina habang hawak ang picture ni Blennise “sisiguraduhin kong matitikman kita mamaya at mapapasaakin ka. Unang araw pa lang nang makita kita ay nagkainteres na agad ako sayo kahit na bakla ka pa”
Di ko alam kong ano ang nangyayare saakin dahil sa puntong ito ay gusto kong sakalin hanggang mamatay ang lalaking iyon pero isa lang ang nasa isipan ko ngayon at yun ay dapat mapigilan ko siya sa binabalak niya sa taong gumugulo sa pusot isipan ko this past few days.
Blennise POV
Mabilis na natapos ang oras ng trabaho naming it’s already 6:30 in the evening at ngayon nga ay kanya kanya na kaming ligpit ng mga gamit naming “guys tara na! Ang may mga sasakyan ay sumunod na lamang saakin at ang ibang walang sasakyan ay sumabay na saakin at sa iba pang may sasakyan” anunsyo ni sir Garrett kaya kami nina beshy ay kay sir Garrett na lang sumabay dahil wala naman kaming mga sasakyan.
Naglalakad na kaming lahat papuntang parking lot nang makasalubong naming si Mr. CEO inis parin ako sa kanya dahil sa pinagsasabi niyang masasakit na salita saakin kahapon kaya pinili kong ilihis ang tingin sa kanya.
“goodbye sir. May department dinner pa po kami ngayon kaya magkakasama kami. See you tomorrow na lang po” paalam ni sir Garrett dito.
Aalis na sana kami ng biglang magsalita ang nakakainis naming CEO “can I joinyour department dinner?” lahat sila gulat na gulat ang mukha pero kaagad namang nagsalita si sir Garrett “ I mean if you all don’t mind. Pero kong magiging uncomfortable ang dinner nyo ay wag nalang” ang mga kababaihan naman ay parang mga kiti kiti sa sobrang pagkakilig sa damuho naming boss.
“Oh sige po sir wala pong problema”saad ng kaagad na pagsang ayon ni sir Garrett.
Ano naman kaya ang masamang hangin ang nalanghap nitong moody naming CEO at gustong sumama sa department dinner naming.
Sabay sabay na kaming naglakad papuntang parking lot at ng makarating kami doon ay kaagad nagsipuntahan ang mga kaofficemates namin na may kotse sa kanya kanya nilang kotse at kami naman ay pumunta na sa gawi ni Sir Garrett pero kaagad kaming napahinto ng magsalita ang kurimaw naming CEO “Mr. Roda saakin kana sumakay” saad nito na ikinasinghap ko at ng aking mga kaofficemates.
Aangal pa sana ako ng muli itong magsalita “and I won’t take a no for an answer and besides di ko alam kong paano ang papunta doon so better be na saakin kana lang sumabay para may kasama akong pumunta don” seryoso paring saad at mando niya kaya napabuntong hininga na lamang ako at gumayak papuntang kotse niya.
Madali naman kaming nakarating sa restaurant na kakainan namin at nagsimula na kaming kumain kanya kanyang topic ang mga kaofficemates namin.
Nang matapos kaming magdinner ay gumayak na kami papuntang bar naninibago ako sa sobrang ingay ng sounds at lakas ng hiyawan ng mga tao dahil 1st time ko palang ito pumuntang bar. Inaya naman ako nina Gela at Rina na tabi daw kami actually mahaba itong paikot na upuan na kasya lamang saaming lahat. Nag order na si sir Garrett ng alak tinanong pa niya si CEO kong gusto nito ng wine pero sabi nito ay yun na lang din ang iinumin niya kagaya ng iinumin naming.
Nang makarating na ang dalawang bucket ng beer ay kanya kanya silang kuha. Isinalin nila ito sa baso at nagtoss kaming lahat at saka ininom ang kanya kanyang beer-in-can na hawak hawak.
Nang maubos nilang inumin ang beer ay gumayak na sila papuntang dance floor inaaya pa nga sana ako nina gela na pumunta sa dance floor pero tinanggihan ko sila kaya bale kaming tatlo na lamang nina Sir ang naiwan ditto tiningnan ko si sir pero ubos na niya rin ang beer niya at nakita kong may tinitingnan ito sa phone nya.
“Hey bat hindi mo iniInom ang beer mo?” tanong saakin ni Jordan na nasa tabi ko na pala.
Dahil sa lakas ng tugtog at hiyawan ay nagsisigawan kami para maintindihan ang sinasabi ng isat isa.
“Hindi ako umiinom!” sigaw ko sa kanya.
“Just try it! It’s good!” sigaw niya rin saakin.
Binigyan niya ako ng hawak niyang isang baso kaya nacurious naman ako kaya ininom ko ito “arrrrgggghhh ang pait” saad ko nang tikman ko ang ibinigay niya saakin.
“Okay lang iyan oh sige pa masasarapan ka din pagnakarami kana” saad niya kaya tinungga ko lahat ng nasa basong binigay niya saakin.
Maya maya pa ay awtomatikong nalasing ako dahil 1st time ko lang uminom ay hindi ko makontrol ang katawan ko nakaramdam ako ng pagbigat ng pantog ko kaya nagpaalam muna ako na iihi muna ako sa CR. Nagpresinta siyang sasamahan sana ako pero pinagstay ko nalang siya sa upuan at sinabihan siya I can manage.
Pasuray suray akong pumunta sa banyo dahil sa hilo ay muntik na akong mabuwal habang naglalakad ako pero fortunately ay nakarating naman ako sa banyo at umihi na dito.
Nang matapos akong umihi ay lumabas na ako sa banyo pero nakaramdam ako ng ibang paginit ng katawan na para bang sinusunog ang laman ko sa loob “auuuggghhh” ungol ko habang nakahawak sa pader dahil baka matumba ako kasi nahihilo pa ako “bakit ang init?” tanong ko sa sarili ko dahil sa kakaibang init na lumulukob sa katawan ko.
Pasuray suray akong naglakad papuntang upuan naming pero hindi pa ako nakakarating sa upuan naming ng may biglang humila saakin kong saan man at mas lalo akong nag init ng madampian ng balat ng taong humihila saakin ang balat ko.
Naramdaman ko na lamang na ipinasok ako nito sa sasakyan kahit gusto kong bumaba ng sasakyan ng kong sino mang humila saakin ay hindi umaayon ang katawan ko at para ngang mas gusto pa nitong dumikit sa katawan ng taong iyon.
Ilang minuto pa ang lumipas ay karga karga na ako ng taong iyon kay nalaman kong lalaki ito dahil sa malalaking braso nito at malapad na dibdib saka inilapag ako nito sa isang malambot na bagay. Sobra na ang nararamdaman kong pag init ng katawan at para bang humahanap ito ng lunas kong paano ito matatanggal kaya hindi ko na alam ang ginagawa ko that time naramdaman ko na lang na hinila ko ang taong humila saakin sa bar at sunod na naramdaman ko ay nakikipaghalikan na ako rito hanggang sa hindi ko na matandaan pa ang mga ginawa pa naming dalawa.