Blennise POV
"Hmmmmm" ungol ko nang magising ako dahil sa pagdampi ng sikat ng araw sa mukha ko.
Ang tigas naman ng unan ko hmmmm kailan pa naging bato bato ang unan ko saad ko sa isip ko nang haplusin ko ang unan ko.
"Hmmmm" napadilat ako ng biglaan kasi sa isang malagong na ungol t-teka kelan pa umuungol ang unan? Tanong ko sa sarili ko.
Dahan dahan kong tiningnan ang yapos kong inaakala kong unan--
At ganon na lamang ang pagkabigla ko nang matanto kong hindi isang unan ang yinayapos ko kundi katawan ng isang tao.
Napaatras bigla ako kasi sa pagkabigla pero kaagad akong napaaray dahil sa kirot ng pang ibabang katawan ko.
"Aray huhuhu" mahinang daing ko dahil sa sakit ng pwetan ko. Nang tingnan ko ang taong iyon ay ganon na lang ang pagkagulat ko at agad na sumalakay ang kaba at takot sa sarili ko.
Sinampal sampal ko pa ang sarili ko kasi akala ko ay nananaginip lamang ako pero nagkamali ako dahil gising na gising ako tiningnan ko ulit ang hubad na katawan niya mula sa broad chest niya hanggang sa abs niya. Kaagad na napaiwas ako ng tingin habang namumula dahil may pumasok na senaryo sa isip ko na alam kong nagawa namin.
Dahan dahan akong bumangon kahit na mahapdi pa ang pwetan ko ay pinilit kong makatayo.
Pinulot ko isa isa ang mga damit ko at kaagad itong isinuot habang halo halo ang iniisip ko dahil sa katangahan ko. Bakit ba kasi ang naginom inom eh hindi naman ako sanay. Patuloy kong kinastigo ang sarili ko at napatingin ako sa pwesto kong hinigaan ko at nakita kong may mantsa ng dugo dito kaya mas lalo akong nahiya sa sarili ko at mas lalo akong nagsisisi dahil sa pagpapabaya ko hindi ko alam kong paano ko siya papakiharapan sa opisina.
Tiningnan ko ulit siya ng huling beses at saka ako kumaripas palabas ng hotel.
Dumiretso ako sa apartment ko at kaagad na naligo dahil feeling ko ang dumi dumi ko na at iyak ako ng iyak dahil sa katangahan ko at sa labis na hiyang nararamdaman ko feeling ko ay hindi ko kayang pumasok ngayon sa office dahil sa hiyang nararamdaman ko.
Nang matapos akong maligo ay pinilit ko ang sarili ko na pumasok sa opisina dahil baka mas lalong mawalan ako ng trabaho.
Nang makarating ako sa opisin ay nalate ako ng ilang minuto hindi ako napagalitan kaya nagtrabaho na lamang ako. Nang lunch time ay nakipagchikahan pa ako kina Gela at Rina kasama din namin si Jordan kilig na kilig pa nga ang dalawa eh. Tinanong pa nila ako kong anong nangyare saakin kagabi kong bakit bigl na lamang ako nawala iniwas ko naman ang tingin ko sa kanila at nakita kong may kakaiba sa tingin ni Jordan sinabi ko na lamang sa kanila na umuwi ako dahil nalasing ko kagabi.
Hapon na at uwian na namin kaya naman nag ayos na kami ng mga gamit naming nauna na ang dalawa habang ako ay nag aayos pa ng mga gamit ko.
"Blennise pinapatawag ka ni Mr. CEO sa office niya" saad saakin ni Sir Garrett kaya napahinto ako sa pag aayos ng gamit ko at para akong nabato sa kinatatayuan ko dahil sa kaba at takot sa maaaring gawin niya saakin.
Tinatagan ko na lamang ang loob ko siguro ay tatanggapin ko na lamang kong sakaling matanggal ako sa trabaho ko dahil sa katangahan ko.
Dumiretso ako sa office ni CEO at naabutan ko siyang seryosong nakaupo sa swivel chair niya na parang malalim ang iniisip. Ano pa ba naman talagang bago sa ekspresyon niya eh lagi naman talaga itong seryoso pero sa pagkakataon ngayon ay takot at kaba ang nararamdaman ko.
Napasinghap ako ng tingnan niya ako ng blangkong tingin niya "bakit ka umalis kaagad ha?" malamig ang kanyang boses na tanong saakin.
Hindi naman ako kaagad na nakakibo dahil parang binusalan ang bibig para magsalita.
"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko" saad pa niya kaya mas lalo kong nakumpirma na tungkol nga ito sa nangyare saamin.
Napayuko na lamang ako habang parang maiiyak na "s-sorry p-po s-sir hindi ko rin alam na ganoon ang mangyayare" saad ko sa kanya at hindi ko kayang salubungin ang matatalas niyang tingin.
Nagulat ako ng hampasin niya ng malakas ang lamesa niya "Bakit ka umalis agad ha?!" tanong niya ulit saakin pero naiyak na ako habang nakatingin sa ibaba.
"K-kasi po nahihiya ako sa inyo" saad ko na lamang habang humihikbi.
Narinig kong tumayo ito at naglakad papalapit saakin.....akala ko ah pagbubuhatan niya ako ng kamay kaya napaatras ako pero kaagad niya akong nahigit.
Binulungan niya ako "Don’t ever try to tell it to others or I will sue you. If you ever tried to blackmailing me using about what happened to us I will going to put you in prison. Do you understand me?" saad niya na nagpakirot ng puso ko dahil sa pangmamaliit niya saakin.
Hindi ko na kinaya ang emosyon ko dahil wala siyang karapatan na pagbantaan ako dahil unang una hindi lang naman siya ang apektado dito. KUng tutuusin ako ang nasaktan pero parang lumalabas na ako pa ang may kasalanan kaya naman buong tapang ko siyang tiningnan "unang una sir hindi po ako ganong tao na manggagamit para sa kapakanan ko wala akong balak na gawin iyon dahil mismo sa sarili ko ay naaawa at sisingsisi ako dahil nangyare saakin iyon. Hindi ko rin po ginusto kaya kahit mahirap tanggapin ay tinanggap ko na lamang sa sarili ko dahil nangyare na kaya kong iyon ang ikinatatakot ninyo ay wag kayong mag alala dahil hindi pa ako hibang para isadlak sa putik ang sarili ko" emosyonal kong pahayag sa kanya at kita ko naman sa mga mata at mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko.
"At tsaka wag kayong mag alala para mas matahimik na kayo ay magreresign na lamang ako dito sa kompanya ninyo dahil hindi ko kailangan ng boss na yuyurakan ang pagkatao ko at higit sa lahat hindi ko kailangan ng taong kagaya nyo na mas halang pa ang kaluluwa at walang iniisip kundi ang sarili lamang" saad ko pa saka tumalikod at mabilis na naglakad paalis.
Pero hindi pa man ako nakakarating sa maybpintuan ay biglang may humigit saakin paharap at sinunggaban ako ng halik hindi agad ako nakapalag dahil sa gulat at pagkalito kong bakit niya ako hinahalikan.
Pero nang makabalik na ako sa katinuan ko ay malakas ko siyang tinulak at tumalikod na ulit ako para sana lumisan na pero agad niya akong yinakap kaya napahagulhol na lamang ako dahil sa ginagawa niya. Ano pa bang kailangan niya lalayo na nga ako para hindi siya mag alala at pagbantaan na lamang ako ng kong ano ano.
"Akala mo ba palalayain na lang kita ng ganon ganon pagkatapos mong gawin yun saakin" saad niya na mas ikinaiyak ko.