bc

She's Crazy! – Taglish

book_age18+
582
FOLLOW
2.1K
READ
revenge
dark
possessive
family
CEO
billionairess
twisted
office/work place
servant
like
intro-logo
Blurb

Meagan is an orphan, iyon ang akala niya hanggang sa bigla na lang sumulpot ang umano ay tiyuhin. Duda siya sa tunay na intensyon nito, hindi rin siya hangal para basta na lang maniwalang may kapatid ang yumaong ina.

Ngayong konting-konti na lang magiging hawak kamay na niya ang lahat sa tulong na rin ng misteryoso niyang sekretarya na si Mikhail. Medyo nagulo nga lang nang mapagtanto niya ang kakaibang tingin nito sa kanya, wala pa man siyang ginagawa ay lihim na nitong inaangkin ang katawan niya.

Okay lang sa kanya, ang mahalaga ibigay nito ang asul na mga mata sa kanya at manatili ito sa tabi niya habambuhay.

Kaya lang, wala raw interes ang pobreng lalaki na magpakasal. Paano na ang mga mata nitong kating-kati na niyang dukutin?

***

HEIRESS x SECRETARY

Strong-willed FL x Emotionless ML

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Kabanata 1 "GOOD MORNING, Miss Meagan." Isa-isa akong binati ng mga empleyado sa may lobby ng Hera Apparels and Cosmetics. Halatang hindi inaasahan ng sinoman na maaga akong magpupunta ng main building ng kompanya nang araw na iyon. Everything may seem normal from the outside, but I dare you not from the inside. Deretso lang akong naglakad hanggang sa VIP elevator kung saan ang mga pinakamataas lamang na opisyales ng kompanya ang maaaring gumamit. Kasama kong pumasok doon ang personal secretary na si Mikhail. "Make sure no one knows yet that I'm here," I said while glaring to my own reflection. Halos limang taon na ang nakalilipas nang ibigay sa akin ni Uncle Weasly ang pamamahala sa kompanya habang ito pa rin ang acting director hangga't hindi pa ito nagreretiro. "Yes, Miss Valmadrid." Mikhail answered. In some point, wala naman akong sama ng loob kahit ako ang tumatayong CEO because I know one day when Director Weasly die, sa akin lahat mapupunta ang kompanya. I smiled on that thought. Iginaya ko ang paningin, napakaluwag at napakalinis ng loob ng elevator na 'yon, it has its own red carpet and a huge mirror on its door. Kumikinang ang kulay gintong kulay niyon dahil sa ilaw na nasa itaas. Everything will be mine. I smiled devilishly. Tuloy-tuloy na lumabas ako ng elevator nang bumukas iyon. Maririnig sa kahit saang banda ng naturang floor ang ingay ng suot kong stiletto. Isa-isa kong nakita ang mga ulo ng empleyado kong wala pa sa mga pwesto nito upang magtrabaho. Kapwa nagpulasan ang mga ito nang makita akong naglalakad patungo sa meeting room. "Tell all the department heads that we will be having a meeting, right now," mariing utos ko at binigyang diin ang huling dalawang salita. Hindi ko pa rin inaalis ang mga mata kong nakatingin pa rin sa mga taong hanggang ngayon ay hindi pa rin yata tapos sa tsismisan ng mga ito sa gilid ng coffee machine. Alas-diyes na ng umaga pero mukhang mahaba pa ang oras ng mga itong pagkuwentuhan ang buhay ng bawat isa. Balak ko sanang lapitan ang mga ito ngunit agad ding natigilan. Why would I level myself to these trashes? "Fire them," huling utos ko bago nagtungo sa meeting room. Inikutan ko ang nag-iisang upuan sa bahaging unahan ng napakahabang mesa na 'yon. Para sa akin, sa lahat ng swivel chair sa buong mundo ito ang pinakamaganda. Dahan-dahan akong naupo roon habang nagkakabalyahan sa bukas na glass door ang mga department heads para lang agad na makapasok. Kasalukuyan ko namang pinagmamasdan ang napakagandang chandelier sa taas ng naturang lugar. "No one even bothered to tell me that Miss Valmadrid will be here!" sigaw ni Mr. Francisco ang Executive Department Head ng apparel division. Sunod-sunod pa ang narinig kong daing at reklamo dahil sa biglaang meeting na hindi ko na lang pinansin. Napuno ng kakaibang ingay ang lugar na 'yon na pinakakinamumuhian ko sa lahat. "Will you just get inside!" I yelled to them. Sandaling binalot ng katahimikan ang buong silid. Napaungol ako sa kakaibang dala ng lugar na 'yon, only the breeze sound coming from the air conditioning can be heard. Binalingan ko ang dala kong bag, bumagay sa suot kong outfit, a fierce, flashy and eccentric cloth, ngayong araw na 'to ang exquisite design niyon. Hinarap ko ang mga department heads na halatang hindi pa ako nagsisimula ay mababakas na sa mga mukha ang kapaguran. I sighed. Wala man lang akong makitang pagkasabik sa mga mukha nila para sa bagong agenda na ipagagawa ko sa kanila at sa report na hihingiin ko ngayong araw. Nang lingunin kong muli sila pilit ang mga ngiting bumakas sa mga labi nila. Pakiramdam ko hindi sapat ang lamig ng meeting room upang maibsan ang mga pawis nila matapos tumakbo. Gumuhit sa mga labi ko ang isang misteryosong ngiti habang pinagsiklop ko naman ang mga kamay ko sa ibabaw ng mesa. "By the way, how's the report of each departments?" Doon tila kahit paghinga ng mga ito ay tumigil. Animo'y walang nakarinig sa tanong ko kaya binalingan ko ang Executive Department Head na si Mr. Francisco. Pero hindi pa man ako nagsasalita nakita ko ang paglagok muna niya ng laway at pagluwag ng kwelyo. "To be honest with you Miss Valmadrid, we haven't yet prepared any of the reports... that you've asked last week due to the current project we had just launch both in the same week," nauutal na paliwanag niya. Nagdikit pareho ang kilay ko nang muling balingan ang bag na nasa harap ko. Nakarinig ako ng impit na buntong hininga ng mga tao. "You're fired," I suddenly said. "What?" Mr. Francisco exclaimed. Binalingan ko siya. "Are you deaf? I said you're fired." Tumayo ako at dinampot ang bag na nasa mesa. "Get back to work, everyone." Sa isang iglap tila naglahong parang bula ang mga tao roon, with the fear written on their faces as they try to run away from me. "Kapag may isa lang akong nakitang pakalat-kalat sa inyo na walang ginagawa. Huwag na kayo umasang may trabaho pa kayo bukas," banta ko. "Wait, Miss Valmadrid." Naiwan si Mr. Francisco na kasama ko sa loob ng meeting room. Pero tulad ng iba, nagbalak na rin akong umalis. "Baka naman po pwede nating pag-usapan ito? Tulad nga po ng sinabi ko sa inyo, nagkasabay ang launching ng new project at report na hinihingi niyo," paliwanag niya. Hindi yata nasusukat ng edad ang kakayahan ng taong umintindi ng pinal na desisyon ng isang tao. Hinarap ko siyang maigi. "But it's your job to supervise everything. If you can't handle the whole department and make them productive for my company, then what's the sense of your position?" Bagsak pareho ang balikat niya nang marinig ang mga sinabi ko. Tuluyang tinalikuran at iniwan ko siya sa loob ng lugar na 'yon. Hanggang ngayon nakasunod lamang sa akin ang sekretarya ko. Dahil tulad ng ibang mga silid ng gusaling iyon, transparent iyon at kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano ihagis ni Mr. Francisco ang swivel chair ko. "Sue him also," wika ko at sumakay na ng elevator. Walang tao ang makikita ng mga oras na 'yon sa kahit saan, lahat ay kapwa nasa loob ng mga opisina at lugar ng kani-kanilang trabaho. This is how people should be doing their job! Pumasok ako ng sarili kong opisina. Kamangha-mangha ang disenyo niyon. Everything inside my office is color black from sofas to tables, and even the floor to ceiling. Marahil ang chandelier na nakasabit sa itaas ang kakaiba ang kulay. Nagtungo ako sa likod ng aking swivel chair. Pinindot ng sekretarya ko ang remote control upang bumukas ang automatic blindfolds. Tumambad sa harap ko ang naglalakihang gusali ng commercial district. A smile formed in my lips as I scan the marvelous view. Hindi ako kahit kailan nagsawa na pagmasdan at hangaan ang napakagandang view ng part na 'yon. Kitang-kita ko ang iba't ibang building na nagtataasan, ang abalang kalsada at malalanggam na mga tao sa baba. Umismid ako na kahit mataas na ang palapag kung nasaan ako, makikita pa rin ang mga taong nasa baba. Sa dami kasi ng mga 'yon, lumilikha ito ng pangit na imahe sa aking view. Well, okay lang, maya-maya lang ay mag-uuwian din sila dahil tirik ang araw. Napangisi ako sa swivel chair. Agad bumungad ang isang box na puno ng mga sulat, lalong lumapad ang ngisi ko. What an old fashioned way to contact me these days? Walang makikitang kahit na anong computer or laptop sa table ko maliban sa patong-patong na sketch pads at mga nagdaang submitted reports. Totoo naman, ako na lang yata ang hindi nagre-rely sa makabagong teknolohiya. Pero aminado ako na may malaki naman akong flat-screen monitor sa gilid malapit sa bookshelf. Halos automatic na ang lahat ng gamit sa loob ng opisina maliban na lang syempre sa table ko na old fashion pa rin. "Did she email me?" kalauna'y tanong ko kay Mikhail na nakatayo lang malapit sa tabi ko. Tinutukoy ko ang invitation na nasa table ngayon na nanggaling kay Mrs. Salazar. "She did. But I already declined her invitation," Mikhail said. Hindi na niyang tiningnan pa ang hawak na iPad. I chuckled. Marahil nagpupuyos ngayon sa galit ang matandang dalaga matapos kong tanggihan sa ikalimang beses ang imbitasyon nitong mag-dinner kasama ang ampon na mukhang namang pterodactyl. Hindi ako mag-aaksaya ng oras sa dalawang basurang 'yon. Sigurado akong balak lang akong i-set up ni Mrs. Salazar kay Luis na napulot lang nito sa kung saan sa isang blind date. Iniisip ko pa lang na iyon ang mangyayari ay kinikilabutan na ako. Itinapon ko ang invitation na hawak sa isang trash can. Sinubukan ko pang maghanap ng kahit ano'ng interesanteng sulat na ipinadala sa 'kin. Napukaw ang atensyon ko ang lumang papel na marumi na nasa loob. Nang akmang kukunin ko 'yon agad akong pinigilan ni Mikhail. Inagaw niya ang papel na 'yon bago ko mahawakan. I glared at him. Biglang kumunot ang noo ko at muling kinuha iyon sa kanya. "This is mine!" angil ko sa kanya. Humakbang lang siya palayo sa akin. Ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito kaya patatawarin ko siya. At saka, ayoko na rin magpalit pa ng sekretarya dahil siya lang ang tumagal sa ilang daang naging sekretarya ko sa loob lamang ng halos limang taon. May bahid pa ng kulay pulang likido ang harap niyon, lalong natukso akong buksan iyon dahil may ideya na ako ano iyon. Hindi nga ako nagkamali. It is a death threat! "You will die!" binasa ko ang nakasulat. Niyakap ko pa 'yon nang napakahigpit saka mabuting pinagmasdan. I know my eyes were sparkling because of joy. It's beautiful! Inamoy ko ang kulay pulang likidong tilamsik doon, expecting that it was a real blood. Malutong na napamura ako. I hitched and rolled my eyes. Nilamukos ko 'yon at walang kagatol-gatol na itinapon sa basurahan. What a waste! Nagbakasakali akong makakitang muli ng kaparehong ganoong liham. Hinukay kong mabuti ang laman ng box, pero laking pagkadismaya ko na pare-pareho lang ang mga nakasulat doon. Hinagis ko ang box sa sahig. Tama, that box beside the bookshelf gives me this certain satisfaction. "Find that person who sent me this letter, tell him to do his job properly next time." Lumapit ako sa bookshelf. Agad pumukaw ng atensyon ko ang isang librong naiiba sa lahat ng 'yon. Kinuha ko 'yon at bumungad sa akin ang sariling larawan. It was me when I was recognized as the first woman ng Forbes Magazine na pinakamayamang babae sa buong mundo. Iyon naman ang sinunod kong pinagdiskitahan, sinimulan kong punitin ang bawat pahina niyon at ikalat sa buong palagid. I'm laughing while doing that. "Mikhail, what can you say about my new art?" I asked while staring at my new art. It's refreshing, and fulfilling! Mikhail came closer and stood beside me. Marahan niyang pinunasan ang mga kamay ko na ngayong nagdurugo. "Isn't it beautiful?" tanong kong muli habang pinapasadahan ng tingin ang nabuong imahe sa mga ikinalat ko. "Yes, it's beautiful." Walang kahit na ano'ng emosyon ang mababanaag sa mukha ni Mikhail ng mga oras na 'yon. He started to put ointment at my scratches but I stopped him. Hinawakan ko ang mukha niya at iniharap sa likha kong sining. Yes, I created an image of a young girl. Mula lamang sa pwesto ko makikita kaya kailangan ko pang gawin iyon upang makita niya nang maayos. For a second, I saw a sudden glint in his eyes when he finally witnesses what I'm talking about. Sinipat ko ang relong pambisig. Pero bago ko madampot ang bag–nahagip ng paningin ako ang isa pang kakaibang papel. Sigurado akong wala iyon sa loob ng box kanina. Ngunit dahil nagmamadali na rin ako ay nagpasya akong ilagay muna iyon sa loob ng drawer. Binuksan ni Mikhail ang pinto. Subalit hindi pa man kami tuluyang nakapapasok sa loob ng elevator niluwa niyon si Mr. Harrison, ang nag-iisang taong ayokong makita ng araw na 'to. I'm a bit skeptical if I'll just ignore him. Hindi naman siya basta-basta taong makikita ko lang sa kung saan by just chance. Hindi nga ako nagkamali. He's here to meet me personally. "Good morning, Miss Meg," bungad na bati niya nang makita ako. "The director wanted to see you right now." Ang mga salitang iyon lamang ang maaaring sumira ng buong araw ko. Mr. Harrison cornered me perfectly today. Pagak na natawa ako. Nauna ng naglakad siya sa akin habang nakasunod lang ako. Deep within my heart, there is this certain hatred yet I couldn't utter into words. Nang makalabas kami ng building agad kaming sinalubong ng mga taong kanina pa hayok na makita ako. I smiled confidently as I face them. "You're a demon!" "Dapat hindi ka na sinilang sa mundo na 'to, isa kang salot!" "Bakit kayo nagbubulagan sa babaeng 'yan? She's a monster!" Kumaway pa ako sa kanila. Wala ng bago sa mga taong nakaabang palagi sa akin sa labas ng gusali. Kung hindi dahil sa mga taong ito mas madalas akong nakakapasok at sana'y nakikita ng mga empleyado ng kompanya. May nagsimulang sunugin ang magazine, when I once featured as a good samaritan. That's fake, obviously who's in the right mind would believe something absurd like that? "Siya ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang anak ko! Natalie is a nice kid, pero nang dahil sa demonyong babaeng 'yan my daughter killed herself!" "She's manipulative. Dapat siyang maparusahan, ilang buhay pa ang dapat mawala para lang sa kanya!" Gumuhit sa mga labi ko mapaglarong ngiti bago nakasakay ng nakahanda ng sasakyan. "Look, she's escaping!" Dinumog na ang sasakyan kung saan lulan ko, hinagisan pa ito ng bato. Nagkaroon ng lamat sa bintana. Tinitigan kong mabuti iyon. "Let's go," wika ni Mr. Harrison sa driver. Humalukipkip ako. I crossed my legs as I watch people desperately chase us. Pathetic. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Loving The Heartbroken Man (Juan Miguel)

read
136.2K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
444.9K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Worth The Wait

read
202.1K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
578.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook