Kabanata 2

1766 Words
Kabanata 2 TAHIMIK LANG akong nakamasid mula sa pagkakaupo sa isang couch malayo kung saan ang kama ni Uncle Weasly. Marahil iniisip nilang hindi ako makukumbinsi na lumapit kaya nag-isip sila ng paraan. Totoong hindi ako natinag sa pwesto ko hanggang sa simulan kong pagdiskitahan ang mga bulaklak sa ibabaw ng glass table. "Hindi lalaban ang mga 'yan hija," biglang wika ni Uncle Weasly nang makalapit siya habang nasa wheelchair. Binitawan ko ang pobreng bulaklak na ngayon ay hindi na mawari kung ano'ng uri iyon. Umayos ako ng upo. "Why do you want to see me?" I asked lazily, ngayon nama'y sinimulan kong pagmasdan ng maigi ang bag na dala ko. Napunta kasi roon ang ilang piraso ng petals kaya marahan na tinanggal ko iyon isa-isa nang hindi tinatapunan ng tingin ang taong kaharap. "Is that your new design?" Sa pagkakataong 'yon, nanalo ang matanda para mapukaw ang pansin ko. Iniharap kong mabuti sa kanya ang bagong design na ako mismo ang bumuo at maging ang gumawa ng bag. It took me several days before I could finally show this to the world. "It's beautiful, right?" kalauna'y tanong ko. Inabot iyon ng matanda at maiging siniyasat, mula sa maliit na detalye ng bag hanggang sa kalidad nito. Doon ako unang-una humanga sa kanya sa pagtingin ng magandang kalidad ng product lalo na sa aspeto kung ito ay ipapasok sa merkado. Nakita kong tumango-tango siya. He's satisfied. But I could still see the hesitation in his eyes when he returned the bag. I waited for his opinion. Pero nabigo ako. Kumunot ang noo ko, saka ko inilagay ang bag sa tabi. "Katulad ka pa rin ng dati hija. Kung natatandaan mo pa, pagkaabot na pagkaabot sa 'yo ng diploma noong graduation mo tumakbo ka agad sa akin. Iniabot mo ang diploma and the next thing you say is... give me the company." I heard him chuckled. "Because at that time, I'm desperate. Just like now." Pinukol ko siya ng matalim na tingin. Hindi ko itatanggi ang nangyaring 'yon. It was an epic thing for me. Everyone in the event place looked at me with disgust, as if I'm hungry of wealth. But little did they know, I'm just claiming what is supposed to be mine from the very beginning. Siyam na taong gulang pa lang ako ng una kong makilala si Uncle Weasly. Ang sabi sa 'kin ng personal lawyer ng pamilya Valmadrid, Weasly is my mother's older brother. Hindi naman ako ganoon kahangal upang basta na lang maniwala dahil matino pa akong tao, my mother is an only child. Tumikhim ang matanda. "Have you met Mrs. Salazar son?" he asked suddenly. Napamura ako. Hanggang kailan ba ako titigilan ng mag-inang 'yon, lalo na ang mukhang pterodactyl na ampon nito? "Hindi na kailangan." "Why?" pagtataka niya. "Sa loob ng mahabang panahon you never experience to date anyone or to even fall in love. You already focus yourself in working." "Fall in love?" Natawa ako ng pagak. "Sino'ng may kailangan n'on? I thought you called me because you wanted to talk about business matters." Binalingan niya si Mr. Harrison. "Sinabi mo bang business matters lang ang pag-uusapan namin?" Umiling ang huli. I crossed my legs. "Saan ba mapupunta ang pag-uusap na 'to? Marami pa akong gagawin. Let's just go to the bottom of this." Uncle Weasly started to shook his head. Matagal na siyang sanay sa ugali ko kapag wala namang kinalaman sa kompanya ang pinag-uusapan namin hangga't maaari ay umiiwas ako o kung hindi naman ay sinasagad ko ang pasensya niya. "But we still have a lot of things to discuss aside from business." Inilahad niya ang kamay kay Mr. Harrison. May kung ano naman na folder na ibigay sa kanya ng huli. "Nag-prepare ako ng list kung saan malaya kang–" Itinaas ko ang kanang kamay ko upang patigilin siya sa mga susunod pa niyang sasabihin dahil may ideya na ako kung ano ang laman niyon. "Sinabi ko na," putol ko. Humalukipkip ako at tiningnan siya ng masama. "Kung wala ka ng ibang sasabihin maliban sa mga walang kwentang bagay tulad niyan. Then, I'll just take my leave." Kinuha ko na ang bag ko at nagbalak nang umalis. Ngunit agad din akong natigilan nang marinig ang pagtikhim ni Mr. Harrison. "Hija, I know you wouldn't like this kind of idea. But, I'm afraid, matapos kang mag-aral ng maraming taon ni hindi mo naranasan lumabas kasama ang mga kaibigan–" "I don't have friends and I don't need them," muling sabat ko. Hanggang kailan ba niya ipagpipilitan ang ayaw ko? O may hindi lang akong alam sa pinaplano niyang gawin para mawala na ako ng tuluyan sa landas niya. "And to go out on a date," pagpapatuloy niya. "Tulad ng sinabi ko sa inyo kanina Uncle Weasly wala akong plano na sayangin ang oras ko sa kahit na ano'ng bagay o tao na walang kinalaman sa trabaho at kompanya. If this is what you want for me to waste my precious time with them, ngayon pa lang I'm telling you you're just wasting your remaining years." Gumuhit sa mga labi ko ang misteryosong ngiti nang balingan ko siya. Kitang-kita ko ang mabilis na pagbabago ng anyo ng mukha niya. Yes, that's right. Ganyan nga para tigilan niya na ang kahibangan na iniisip niya. Bumuntong hininga siya. "Tama ka. Pero hindi pa rin nagbabago ang isip ko, I'm more than willing to give you everything kung makikita lang kitang lumabas kasama ang kahit sino." "You're willing to give me everything?" pag-uulit ko ng sinabi niya. Naglahong parang bula ang iritasyong nararamdaman ko kani-kanina lang. "Kung lalabas lang ako kasama ang kahit sino?" Umangat na rin ang magkabilang bahagi ng labi ni Uncle Weasly sapagkat batid niyang naging interesado na ako. His face is not lying. "Yes, and they can be your friends or a man you're recently fond of. Most of all, kailangan hindi lang sila panandalian. You can't have a relationship that would only last for a day and even a month." Eksaheradong sumimangot ako. That's impossible! But wait, it can be possible, I'll do everything to make it possible. Nagliwanag ang mukha ko sa pagkasabik ng maaaring susunod na mangyari matapos kong gawin ang gusto niya. Sino ba nama'ng taong hindi madadaan sa pera? I can easily find them. "Lastly, you have to introduce them to me." Lalong lumapad ang pagkakangiti ko sa huling narinig, ang ibig lang sabihin niyon wala na siyang ibang kondisyon na nais kong gawin maliban sa nais niyang makilala ang mga taong 'yon. Piece of cake! "Deal," walang kagatol-gatol na sagot ko. "What?" "I said yes, I will do it." He nodded with glinting eyes. "I'm glad to hear that." Inilahad ko ang kamay ko. "Baka kailangan ko nga niyan while finding them," kalauna'y wika ko tinutukoy ang folder na hawak na ngayon ni Mr. Harrison. Tumango si Uncle Weasly upang pumayag na ibigay na 'yon sa akin. "I can't wait to meet them," habol pa niya sa 'kin. Binuksan ni Mikhail ang pinto. "By the way, who is this man?" tanong niya. Binalingan ko si Mikhail sa tabi ko. "My secretary," sagot ko. Tumango-tango siya. "Ganoon ba? Please take good care of my niece, young man," bilin niya kay Mikhail. Tumango lang ang huli at tuluyan na kaming lumabas. Maingat na kinuha sa akin ni Mikhail ang hawak ko na balak ko na rin iabot sa kanya. I tuck my loose hair strands behind my ears. I'm wearing a short tweed style black dress. My legs were exposed, kaya hindi na ako nagtataka na may mga lalaking nurse na tumitigil upang sulyapan ako. They are not my target customers, ngumiti ako nang makakita ng mga babaeng nurse na tulad ng iba ay dumapo na rin sa akin ang paingin. Kumaway ako sa kanila revealing my slender arms with black diamond bracelet and partnered rings. Sige, maglaway kayo habang tinitingnan ang mga bagay na suot-suot ko. Kunwaring inayos ko pa ang buhok ko para bigyang emphasis ang bago kong ni-launch na product, although most of it were accessories and jewelries, malapit ko ng ipakilala ang new products ng Hera na ako mismo ang magiging pioneer. Ang kailangan lang ay ako ang siyang mamuno ng buong kompanya na walang sinoman ang magdududa ng kakayahan ko. People are looking at me with disbelief, they don't listen to what I say, dahil ang buong akala nila that Uncle Weasly will help them. CEO may sound a huge position already, but it's not enough. Palagi pa rin akong tinitingnan na kawawa every board meeting, I may be sitting beside the directors chair but no one listens to me! No one even bothered to listen to my opinions and suggestions! "f**k!" Tumigil ako sa paglalakad ng mahulog ang isa kong singsing. Ilang linggo lang ng i-adjust ko ang size niyon pero hanggang ngayon nalalaglag pa rin iyon sa darili ko. Pinanood ko ng pulutin iyon ni Mikhail at pinunasan ng panyo. "Throw it away," utos ko. Ibinalot niya 'yon ng panyo animo'y balak pa niyang ibalik sa akin. That ring is already dirty! What is he thinking?! "Ang sabi ko itapon mo na 'yan!" singhal ko. Hinampas ko ang kamay niya ng malakas dahilan para tumalsik ang singsing nang bigla naman akong nawalan ng balanse. Mabuti na lang at agad akong naalalayan ni Mikhail. Saka ko napagtanto na hindi pa ako kumakain simula pa kaninang umaga. Unti-unti na akong nakaramdam ng pagkahilo, tila umiikot ang kapaligaran. I can describe anymore the floor and the ceiling, both were as if dancing in front of me. "Okay lang ba siya?" Kahit nanlalabo ang mga mata ko, pilit kong inangat ang paningin upang makita ang nagsalita. Hawak ako sa beywang ni Mikhail kaya kahit papaano ay nakatatayo ako at hindi pa tuluyang tumutumba. Nahagip ng paningin ko ang hawak na singsing ng lalaking nagsalita na ngayo'y nasa harap ko na. That's mine. Inagaw ko 'yon mula sa kanya at kumapit sa braso ni Mikhail. Pakiramdam ko kasi pwede akong matumba ano mang oras. "Let's go," mahinang usal ko. Nanghihina na ang buong katawan ko, I can't properly think anymore. "I think its yours. I'll take your action as your thank you." Hindi iyon boses ni Mikhail kaya tiyak akong 'yong lalaking nagsauli ng singsing ko ang nagsalitang 'yon. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ng dalawa kong paa sa sahig. Binuhat na ako ng tuluyan ni Mikhail. Pinalibot ko ang dalawang braso ko sa leeg niya. "Let's go home," I beg. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD