Kabanata 3
NATAGPUAN KO ang sarili na nasa kama sa loob ng kwarto ko. Nilingon ko ang bahaging right side kung nasaan nakasabit ang malaking painting ng batang babae na may hawak na bulaklak. Sandaling pinagmasdan ko 'yon bago nagpasyang bumangon.
Una kong inabot ang baso ng tubig na nakapatong sa ibabaw ng drawer. Ininom ko 'yon, dahil sa panginginig ng mga kamay ko, nabitawan ko ang baso at tumapon sa sahig ang laman niyon, maging ang basag-basag na piraso ng baso. Humakbang ako palapit sa may pintuan.
Walang kahit na anong ingay ang maririnig sa paligid. Maliban sa mabibigat kong paghinga, every breath I make is like stabbing my lungs. "Mikhail," mahinang tawag ko sa kanya.
Alam kong nakatayo lang siya sa kabilang bahagi ng pinto. He's waiting for me to call him. Pero walang Mikhail na pumasok sa silid ko. Nanggagalaiti 'kong binuksan iyon.
Bumungad sa akin ang napakatahimik na pasilyo ng ikalawang palapag ng mansyon. Nagngingit ako sa galit nang magmartsa ako patungo sa maids quarter.
"Why are you all resting when there is no one ‘tending me?!" I yelled.
Lahat sila na naroon na nagising sa lakas ng boses ko ay nagmistulang mga daga na nagmamadaling nagsikilos.
"Miss Meg," bungad sa akin ni Manang Marga ang mayordoma. Sa halos buwan-buwan na pagpapalit ng mga maid, siya lang ang tumagal.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Bakit wala man lang na maid ang nasa tabi ko nang magising ako?!" bulyaw ko sa kanya.
Sunod kong pinandilatan ng mata ang mga katulong na nakabihis na ng pantulog, nakapaglinis na ng katawan at nakapagsimula ng magpahinga. Habang ako nama'y ni walang naghanda ng makakain ko oras na magising ako maliban sa isang baso ng tubig.
Nag-iwas ng tingin ang mga ito, iniiwasan na makita ko, iniiwasang sila ang pag-initan ko.
"Paumanhin, Miss Meg. Sisiguraduhin ko pong hindi na mauulit," hinging paumanhin ni Marga. Yumuko pa siya upang ipakita kung gaano ito nahihiya sa 'kin at sa ginawa ng mga katulong.
Sa isang iglap, sapo na ni Manang Marga ang sariling pisngi. Hawak ko naman ngayon ang kamay na nanakit matapos ko siyang sampalin. "Kung hindi mo kaya'ng turuan ang walang kwentang mga katulong na 'yan, pare-parehas na lang kayong lahat na lumayas sa pamamahay ko!" banta ko.
Lumabas na ako sa silid ng mga ito. Nasalubong ko pa ang isang maid na nagtatatakbo patungo sa direksyon ko.
"Miss Meg, paumanhin po. Narito na po ang hapunan niyo. Hinanap ko po kayo sa inyong silid subalit wala na po kayo ro'n," wika niya nang huminto sa harap ko.
"Where's Mikhail?" tanong ko kalaunan nang lagpasan ko lang siya.
"Si Sir Alfazaro po ay nasa may kitchen, hindi po ba ang niluluto lang niya ang kinakain ninyo?"
Nilingon ko siya. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hanggang kailan mo ba ako susundan?"
She gasped. "Patawad po. Dalhin ko na lang po sa dining area ang pagkain n'yo."
Nauna na siyang naglakad sa akin. I'm having trouble with my feet, pakiramdam ko ilang sandali lang ay matutumba na ako dahil sa panghihina. Totoo ang sinabi ng huli kanina, maraming beses na akong nagpalit ng chef kung hindi basura ang kinakain ko ay nilalagyan naman ng lason.
Nagsawa na lang din akong maghanap lalo't maraming tao ang kating-kati na yata na mawala ako sa mundo. Ngunit may isang pagkakataon na, I'm already in my verge of death, wala akong hinayaan na lumapit sa akin at maging kainin ang ano mang pagkain na ihain sa 'kin. I was hospitalized, when I'm regaining my health someone named Mikhail came, napatunayan ko na hindi lahat ng pagkain ay may lason. I don't know what really happened that time, para lang 'yon na magic na pagkaing luto lang nito ang kinakain ko magmula niyon.
Minsan gusto ko na rin maniwalang may organisasyon ng hayok ng mapatumba ako, kaya kahit sa mansion na pinalilibutan na ng security camera at mga guards ay nagagawa pa rin nilang makapasok.
Naabutan ko si Mikhail na naghuhugas ng pinggan. Ito lang ata ang taong hinayaan ko sa mahabang panahon na maaaring umaligid sa tabi ko, kahit nasa bahay na 'ko. Siguro kailangan ko ng taasan ang sahod niya. Sa katunayan, nagtatrabaho na siya sa 'kin ng twenty-four hours sa isang araw at sa loob ng limang araw. Mayroon siyang weekend rest, hindi ako sugapa. Marunong akong magbigay sa kapwa ko at kailangan din niyang magpahinga baka isang araw magdesisyon na lang siyang umalis dahil sa walang pahingang trabaho niya.
Naupo ako. Kumalansing ang tunog ng kutsara at tinidor sa mesa kaya napukaw niyon ang atensyon ng lalaki.
"You can now rest."
That's my magic word. Yumuko lang siya at akmang aalis na, nang biglang tumikhim ako. Binalingan niyang muli ako.
"You can eat first before you leave," wika ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin. Sinenyasan ko ang isang maid na nasalubong ko kanina, na kumuha ng isang panibagong serving para kay Mikhail.
Wala akong narinig na pagtanggi sa kanya. Maya-maya lang ay naupo siya sa hindi kalayuan. Hindi na ako nagsalita pa. Tahimik akong kumain.
"I know you've heard my conversation with Uncle Weasly earlier, I want you to prepare everything tomorrow." Pinunasan ko ng table napkin ang labi ko bago siya binalingan. "Siguraduhin mo na madali lang sila madaan sa pera."
Magalang na yumuko siya bilang tugon. A smile formed in my lips. I can't wait to see my Uncle Weasly's reaction when he meets my so called friends.
***
EKSAKTONG ALASDOS ng hapon ang usapan na makikipagkita ako ngayon sa mga kuno ay kaibigan ko noong college days. Pagpasok ko pa lang sa coffee shop kung saan ang meeting place namin ng mga former classmates ko, napukaw na agad ang atensyon ng mga taong naroon ng suot kong flashy white formal dress. Kumikinang sa ilalim ng ilaw ang suot kong emerald necklace na terno sa suot kong white long coat. May suot din akong sunglasses na kulay gold ang edges. Sa kanang kamay ko naman ay may hawak akong white and black colored purse na bumagay sa suot kong outfit today.
Sa bawat hakbang na gagawin ko ang lahat ng tao ay nanonood. Ako ang nagsilbing spotlight ng boring na lugar na 'yon ngayong araw na 'to.
Nahagip ng paningin ko ang grupo ng mga babae na halatang sila ang pakay ko. I gracefully walked towards them. Tinanggal ko ang suot na sunglasses.
Mukhang hindi sila prepared kung ano'ng mukha ang isasalubong sa akin. Naupo agad ako sa isang bakanteng upuan katabi ng isang babae na naroon. "It's been awhile Meg. Iba talaga ang nagagawa ng panahon." Mataman kong tiningnan ang nagsalitang babae. She looked thirty with her make-up, hindi rin bumagay sa kanya ang suot na outfit that day namukhang siyang labandera kaysa executive ng isang bangko. Pilit na napangiti siya sa mga tingin ko, ibinaling ko na lang ang atensyon sa katabi niya.
"You may have forgotten about me but I'm Zoey, dati tayong naging magkagrupo sa isang project and we both passed."
Wala akong matandaan na naging kaklase ko siya o nakita sa kahit na ano'ng project sa school. Nagdududang pinasadahan ko siya ng tingin. I had to admit, Zoey looks trustworthy. Pero halata namang fake ang mga brand ng bag at damit na suot niya.
Umismid ako. Obviously, hindi niya nagustuhan ang reaksyon ko. "Just like you've said matagal na nga ang lahat ng 'yon kaya hindi ko na matandaan, and by the way, I don't work in group. I usually do all my school works and projects alone. Baka mali ka lang ng alaala mo tungkol sa 'kin," kaila ko.
Kitang-kita ang pamumula ng magkabilang tainga ni Zoey dahil sa kahihiyan. Binalingan kasi ito ng dalawang kasama, with digust on their faces. Ginagamit marahil nito ang kasinungalingang 'yon as an advantage. How pathetic!
"I'm Samantha, as a matter fact. Hindi tayo close, and we never had a chance to talk before," nakangiting wika ng katabi kong babae. She's smiling ear to ear. Alam kong inilahad pa niya ang kamay na hindi ko naman pinag-aksayahan ng oras na tapunan ng tingin.
I took the cup of tea and drink it. Oh, it tastes like dried leaves.
Binalot ng nakabibinging katahimikan ang pwesto namin. Wala naman akong gustong malaman tungkol sa kanila, maliban na lang syempre sa mga nakalap na impormasyon ng sekretarya ko. Bago ako nagpunta sa lugar na 'yon siniguro ko naman na ang mga taong kikitain ay hindi basura ng lipunan.
Zoey suddenly clapped her hand. Naglikha iyon ng nakaiiritang ingay. Pinukulan ko siya ng matalim na tingin. Nakita kong napalagok siya. Hindi iyon namalayan ng dalawa dahil may sariling mundo ang mga 'yon.
Tumikhim muna si Zoey bago nagsalita. "Hindi ba Sam, may bago kang bukas na clothing line? Bakit hindi ka humingi ng suggestions mula kay Ms. Valmadrid?" mungkahi niya.
Binalingan ko ang babaeng katabi na tinutukoy niya. "Yes, you're right." Tulad kanina ngumiti na naman siya nang napakalapad.
"What is your clothing line?" usisa ng kaharap kong babae. Kung hindi ako magkakamali, ang pangalan niya'y Aira.
"Birsam," sagot ni Sam.
Nasamid ako sa iniinom kong tea. Pilit kong inayos ang huwisyo ko bago magsalita. Pero ngayon pa lang na ginagawa ko 'yon, gusto ko ng humagalpak ng tawa. Naalala ko ang clothing brand na 'yon na nagpasa sa kompanya ng Hera Apparels and Cosmetics, the owner of the said clothing line wanted to do a collaboration with mine.
Kahit sa napakaraming open na boutiques and spaces for our store. Hinding-hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang basurang design ng Birsam at kalidad ng product nila.
Sandaling sinulyapan ako ni Aira bago magsalita. "Ano ba naman kayo?! Hindi niyo ba naaalala nang graduation natin? Hindi ba't kaya lang naman siya nakapagtrabaho sa Hera ay dahil nagmakaawa siya sa kanyang tito?"
Tila nilamon ako ng katahimikan sa kinauupuan ko nang marinig 'yon.
Napatakip ng bibig si Zoey gamit ang dalawang kamay. She was so shocked and couldn't believe what she had heard. "Really?! You're so lucky Meg. Even without talent, na-achieve mo ang lahat as if it's all a piece of cake!" Zoey exclaimed.
I'm already glaring at her.
Bagsak pareho ang balikat ni Samantha. Her smiles faded instantly with what Aira said. "Ganoon ba. But still, you can help me. I already sent a proposal letter in your company para makasali ang products ko at maibenta under your name."
Lalong nilamon ang kalooban ko ng matinding iritasyon at galit sa mga naririnig ko mula sa kanila. "Bakit hindi na lang tayo magtulungan? Hindi naman mahirap para sa 'yo na pirmahan 'yon Meg, lalo't ikaw ang CEO!" Binigyang diin ni Zoey ang huling salita.
Tila nagdidiwang na silang lahat habang minamaliit ang mga paghihirap ko bago ko nakuha ang posisyong animo'y iniyakan ko lang kaya napunta sa 'kin. These women don't know all of my sacrifices just to get my parents' company back.
Aira held my hand. "What if you invest some of your money in my bank? Siguradong lalaki ang pera mo lalo!"
"I bought a magazine na na-feature ka for being the richest woman alive on earth. Hindi masasayang ang titulo mong 'yon if you really get your money from hardwork and not from someone else!" sulsol ni Zoey. Look at these people. Nanggaling talaga ang mga salitang 'yon sa kanilang mga lintang kumakapit lang sa mga matatandang lalaking may pera na malapit ng mamatay upang umangat.
Hindi ko na kinaya pang makinig sa mga litanya nila. Sukang-suka na ako sa mga mukha at peke nilang suot-suot na mga accessories. Sumasakit ang mata at tainga ko sa kanilang lahat.
"You're leaving already?" Aira asked her with a worried look.
Kapwa nagtayuan na rin ang dalawa. Bakas sa mga mukha nilang retokada ang matinding pagnanais na makumbinsi ako sa mga gusto nila. But, I've had enough.
Kinuha ko ang wala pang bawas na baso ng tubig at itinapon ang laman niyon sa ibabaw ng mesa. "I'll give you everything that you've asked a while ago if you lick this water."
They were all daunted to what I did. Pero hindi iyon ang gusto kong reaksyon na makita sa kanila.
Dumaloy ang tubig hanggang sa sahig, dahil glass ang mesa halos wala ng natirang tubig doon at nasa sahig nang halos lahat.
I sneered. "You don't want?" I rolled my eyes and crossed my arms. "What if I give you a ten percent investment to your companies?"
Umangat lalo ang magkabilang sulok ng labi ko when I saw the desperations in their eyes.
Nang akmang aalis na ako, nakita ko sa gilid ng mga mata ko nang mag-ready na silang gawin ang hamon ko.
Well, I'm a bit disappointed, mistulang mga aso nilang dinilaan ang mesa.
Pero hindi ko naman kasi nilinaw ng maayos.
Tumango-tango lang ako. Sinenyasan ko ang sekretarya ko na lumapit. "Give these dogs their dogfoods," told him. Isinuot kong muli ang sunglasses ko as I walked away. "I don't want to see them again, make sure they don't loiter around me."
***