Kabanata 4
"SIGURADUHIN MO na kahit hibla ng buhok nila ay hindi ko na makikita!" galit kong usal nang makaupo ako sa likod ng sasakyan.
Nakahalukipkip ako habang nakaupo ng deretso. Gustong-gusto ko ng umalis sa lugar na 'yon. Kung hindi ko lang kailangan ng mga taong madaling madaan sa pera para magpanggap na mga kaibigan baka sakaling hindi rin humantong ang lahat sa ganito.
Nagpupuyos ako sa galit nang panoorin kong lumulan ng sasakyan ang sekretarya ko. “Unahin na muna natin ang pwede kong maka-blind date,” wika ko.
Biglang nagtaka ako kung bakit hindi pa niya pinapaandar ang sasakyan samantalang ilang oras na ng buhay ko ang nasayang sa loob ng basurang lugar na 'yon kanina. “Have you forgotten? Binanggit din ni Uncle Weasly na kailangan ko rin magpakilala sa kanya ng lalaki na I'm recently fond of." Ginaya ko pa ang tono ng boses ni Uncle Weasly nang binanggit niya ang mga salitang 'yon. Nang hindi umimik si Mikhail. Napakunot na ako ng noo. "Nakalimutan mo talaga!"
Sa wakas, pinaandar na niya ang sasakyan. Inabot ko ang iPad na palaging bitbit ni Mikhail. Gusto kong malaman ang mga bagay na naka-schedule sa 'kin ngayong araw maliban sa sayangin ang halos sampung minuto ko sa mga lintang 'yon. Ayoko na rin na tanungin pa ang sekretarya ko. Pakiramdam ko sinasadya niyang kalimutan ang higit na mahahalagang bagay kaysa sa pagbabantay lang nito buong araw sa 'kin.
Inihimpil nito ang sasakyan sa harap ng isang entrance ng hotel na bahagi ng Valmadrid Group, pagmamay-ari rin ito ng yumao kong ama.
Bumaba ako nang hindi hinihintay na buksan iyon ng kahit sino lalo na ng sekretarya ko. Padabog kong isinara ang pinto ng kotse. "I don't want to see you for the time being," iritableng usal ko sa kanya.
Ito siguro ang unang pagkakataon na nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang panibagong reaksyon sa mukha niya. Tuloy-tuloy na naglakad ako papasok sa loob. Matapos ang huling insidente sa mansyon ng Valmadrid, nagdesisyon akong hindi na muna umuwi roon. Pakiramdam ko kapag nag-stay ako, pag-iinitan ko lang silang lahat dahil mula't sapul wala namang may gusto ng presensya ko sa kahit saan ako magpunta. Kitang-kita ko ngayon paano ako pagmasdan ng mga tao na bakas sa mga mukha nila ang takot at pagkamuhi sa 'kin.
Dumeretso lang ako sa bukas ng elevator at lumulan mula roon. Natutunan ko isang araw how they looked at me, truly define who I am. Lumabas ako ng elevator. Walang kahit sino'ng gustong mag-cross ang landas namin kahit sa floor na 'yon. Obvious ang bawat pag-iwas sa akin ng mga tao kahit ang mga empleyado ng hotel mismo.
I typed the passcode of my room. Bumukas iyon, ang tunog na nililikha ng bumubukas na pinto ay nagdudulot ng kapayapaan sa 'kin. Tuloy-tuloy akong naglakad papasok sa loob.
Pasalampak akong nahiga sa malaki at malambot na kama. Pinagmasdan ko ang ceiling, nang wala akong makitang kahit na ano'ng interesante, I moved to my side. Bumungad ang isang picture frame na nasa ibabaw ng drawer. Mariing napapikit ako.
"I'm hungry..." I suddently uttered to myself. Idinilat ko ang mga mata. "I'm hungry Mommy and Daddy..." Nangilid sa mga mata ko ang mga luha nang abutin ko ang picture frame. Larawan iyon noong kompleto pa ang pamilya ko, bago nasangkot sa isang traffic accident ang mga magulang ko.
Niyakap ko 'yon nang mahigpit. Impit na lumuha ako. I cuddled myself.
***
MALUTONG NA napamura ako habang pinakikinggan mula sa suot kong earpiece ang ginagawa ngayon ni Meg sa silid nito. Tinanggal ko 'yon at nagmamadaling lumabas ng sasakyan, dumeretso agad ako ng kitchen ng hotel kung nasaan siya ngayon. Someone stops me, but I only showed them my identification card. Sa isang iglap naglayuan silang lahat sa 'kin, animo'y mayroon akong nakamamatay na sakit na oras lang na madikit sila ay agad silang mamamatay.
"Mr. Mikhail Alfazaro," bati ng head chef na mabuti na lang ay naroon. Yumuko ito para magbigay galang. "How can we help you?" tanong niya kalauna.
"Yeah, I'll be needing your kitchen."
Kinuha ko ang isang apron na nakasabit lang sa bandang gilid ko. Agad ko isinuot 'yon at nagtungo sa fridge. Kung ano-anong mga gulay at raw meat ang inilagay ko sa basket. Samantalang, ang iba naman doon ay inihanda na ang mga gagamitin ko.
***
SUNOD-SUNOD na nakarinig ako ng doorbell mula sa labas. Marahil room service 'yon dahil wala pa naman amg nakaaalam na sa isang hotel ako nag-i-stay. I opened the door by clicking an automatic device beside the hallway.
I crossed my arms in front of my chest. Wala akong natatandaan na tumawag ako ng room service. Pinanood ko lang silang ipasok ang pagkain.
Hindi ko tuloy maiwasan malanghap ang napakabangong amoy ng pagkaing dala nila. Agad din silang umalis nang maiayos nila sa loob ng dining area ang mga pagkain sa mesa. Dinampot ko agad ang kutsarang nasa gilid lang ng plato.
Walang ibang lumabas sa bibig kong salita at agad na nilantakan na ang lahat ng 'yon. I moaned. I couldn't describe the satisfaction I felt while eating.
Napakunot ang noo ko. Saka ko lang napagtanto na nagkalat na pala ang pagkain ko sa mesa. "Mikhail!" I called my secretary.
Nagulat akong makita siyang may dalang table napkin. Marahil kanina pa siya nakatayo roon simula noong pumasok ang room service. He gently wipes my lips with the table napkin, and even my hands.
Maya-maya ay tumayo lang siya sa tabi ko. "Did you call the room service?" kalauna'y tanong ko.
"Yes," tipid na sagot niya.
Tumango-tango ako. "I'm not mad anymore."
Hindi siya umimik kaya nagtaas ako ng kilay nang balingan ko siya. He's always expressionless. Kapag nakaupo ako lalo akong humahanga sa height niya. Noong una, ayokong tumanggap ng lalaking sekretarya lalo't malaki ang pagkakaiba ang pangangailangan ng babae't lalaki. He's a disadvantegous choice. Pero laking pasasalamat ko na hindi ako nagkamali sa pag-hire sa kanya.
Tila isa siyang robot na automatic ng alam ang mga gagawin at mga kailangan ko.
Napansin kong marami ang dinalang pagkain at hindi ko 'yon lahat mauubos ng mag-isa. "Ikuha mo ako ng isa pang plato, spoon and fork," utos ko sa kanya.
Sinunod naman niya ang utos ko. Kung ikukumpara ang laki ng dining table sa hotel room ko sa mansyon, para lang sa anim na katao ang dining table ngayon.
Inilapag ni Mikhail sa tabi ko ang pinakuha ko sa kanya. "Sit beside me," wika ko. Itinuro ang silyang katabi ng akin.
Halatang hindi niya iyon inaasahan kaya kinuha ko sa kanya ang plato at ako ang naglagay ng carbonara at cordon bleu. Well, I'm not used with my own hands. Kaya mukhang hindi satisfying ang pagkakalagay ko sa plato, pero pwede na 'yon. Inilagay ko 'yon sa tapat ng tinutukoy kong silya.
Hindi umiimik na naupo roon si Mikhail at tulad ko ay tahimik na rin kumain.
***
I TOOK off my coat, and blouse, habang ang skirt ko ay kusa na lang na natanggal matapos kong ibaba ang zipper sa gilid niyon. Hinagis ko lang ang mga 'yon sa ibabaw ng kama. Naglakad ako na ang suot lang ay undergarment. Ngiting-ngiti ako ng pumasok sa bathroom.
There was a jacuzzi inside. Nang tuluyan ko ng hubarin ang natitirang suot ko, agad nagdaiti sa balat ko ang malamig na tiles na sahig. Una kong inilublob ang kanang paa ko. Napatili pa ako ng malakas saka sinunod ang buong katawan
It feels refreshing!
Kitang-kita sa gilid ko ang view ng syudad dahil transparent ang buong lugar na 'yon. Pinagmasdan ko ang mga nangingislap na mga ilaw sa baba, lalo na ang mga naglalakihang gusali. Inilahad ko ang kamay sa harap ko. Kung titingnang maigi, lahat ng nasasaksihan ko ngayon ay kayang hawakan ng isang kamay ko. Gumuhit ang isang misteryosong ngiti sa mga labi ko.
Hindi na ako makapaghintay na mapasaakin ang lahat-lahat ng naabot ng mga mata ko. "Mikhail, make sure na hindi ka na papalya ngayon..." biglang wika ko. Batid kong kanina pa siyang tahimik na nakamasid sa akin.
"Yes, Miss Meg."
Inilublob ko ang ulo sa bahagyang malamig na tubig. Umahon din ako.
Nagulat akong bumungad agad ang mukha ni Mikhail. "May problema ba?" kunot noong tanong ko.
He shook his head. Sumenyas akong lumapit pa siyang maigi sa akin. Although his height and body built were four times larger than mine, he's still like a robot for me.
Nakababad ang kabuuan ng katawan ko sa jacuzzi. I formed my hands like a small portrait. "Do you see it?" tanong ko sa kanya.
Pikit ang dalawang mata niya. Eksaheradong sumimangot ako ng hawakan ko ang mukha niya. Iniharap ko siya madilim man na view ng syudad sa transparent na wall. "Those will be mine soon..."
Pero imbes na mapangiti sa mga ngayong sinasabi ko sa kanya, nagulat akong makitang nakatitig lang siya sa akin. Animo'y nakikita niya ang kaloob-looban ng pagkatao ko.
Saka ko napagtanto na nagtataglay siya ng dalawang magagandang kulay asul na mga mata. Tila nangingislap ang mga 'yon dala ng ilaw na nanggagaling sa malimit na liwanag ng bathroom.
He's looking at me with a sensual eyes. Nag-iwas ako ng tingin bago pa man ako lamunin ng mga mapangahas niyang mga titig. Nanginginig ang mga kamay kong binitawan siya.
"Lumabas ka," utos ko sa kanya na mabilis naman niyang tinalima.
Yakap-yakap ko ang buong katawan. He's dangerous.
Marahas kong tiningnan ng makalabas siya nang tuluyan.
Bumangon bigla sa kalooban ko ang takot, alam ko ang pakiramdam na 'yon. He's eyes were dangerous. They were indeed beautiful, pero bakit ngayon ko lang 'yon napansin. May kuryenteng dumaloy sa akin ng mapatitig ako sa kanya kanina.
***