Kabanata 5

1402 Words
Kabanata 5 Inilibot ko ang mga mata sa buong lugar kung saan ang dinner date ko sa pterodactyl na ampon ni Mrs. Salazar na si Luis. Nakita ko agad ang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan at may hawak na bouquet ng pulang rosas. Sinalubong niya ako at iniabot ang hawak na mga bulaklak. Hindi ko ‘yon tinanggihan. Pero sinenyasan ko si Mikhail na kunin iyon. Ayokong madikit sa balat ko ang ano mang hinawakan ni Luis. Nang akmang hahawakan niya ang upuan ko, agad ko siyang pinigilan. "Mikhail," tawag kong muli sa sekretarya ko. Tumango lang ang huli at iniumang ang upuan upang makaupo ako. "Miss Meg." Napakalamig ng lugar pero ang mainit na hininga niya sa leeg ko ang halos nagdudulot sa akin na magtaas ng balahibo. Dagling binalingan ko siya pero agad siyang nakalayo sa tabi ko. Nakita ko siyang nakatayo sa isang gilid sa naturang silid. Nang marinig kong tumikhim si Luis sa harap ko, marahil upang pukawin ang atensyon ko. Malamlam na tiningnan ko siya na para bang isa lang siyang bahagi ng mga estatwa na naroon. "I'm glad to see you Meg. It's been a while. I really thought you will decline again my invitation for the sixth time," Luis started giving emphasis for the last two words. Kinuha ko ang isang kopita ng wine na nasa mesa. "Yeah, naisip ko lang na matagal na tayo noong huling nagkita. Katulad ka pa rin ng dati," wika ko. Gusto ko sanang dugtungan iyon na tulad pa rin siya ng dati na hayok sa pera. Narinig kong mahinang natawa siya. "Ganoon ba. When I saw you earlier I'm astound with your beauty once again." Bahagyang napangiti ako. Naalala ko tuloy ang parehong mga linyang binanggit niya noon sa akin. Para bang isa siyang sirang plaka na paulit-ulit lang ang mga sinasabi. Ang susunod niyan, aalukin na niya akong magpakasal. "To be honest with you Meg, matagal ko ng iniisip na mag-settle down. Lalo't malaki na ang kita ng aking trading industry. At saka matagal na rin tayong magkakilala, marahil nga ako ang unang lalaki sa buhay mo maliban sa daddy mo." Tinitigan niya ako sa mga mata. "Let's try it out, and get married." Muntik na akong humagalpak ng tawa. Umangat ang magkabilang sulok ng labi ko. Do he really thinks that I'm interested to him? I hate him to be exact. Simula ng ampunin siya ni Mrs. Salazar natuto akong mabuhay na puno ng poot ang puso ko. "You're a monster, Meg," pag-uulit ko sa mga linya na minsang niyang sinabi sa akin. Iniangat ko ang kopitang hawak ko at iniharap sa kanya. "A monster doesn't need love. It only waits for its death and everyone hates it. Why are you asking me something so trivial?" Saka marahil niya napagtanto kung ano ang tinutukoy ko. Biglang nagbago ang anyo ng mukha niya at kumunot na ang noo. "Meg, we're not kids anymore. Alam mo ‘yan, why do you still bringing up the past. Matagal na ‘yon, nagbago na ako tulad mo. We're adults now." Sa pagkakataong ‘yon, doon na ako tuluyang humalakhak. Maririnig sa bawat sulok ng lugar ang lakas ng tawa ko. "You're right, why I am bringing up the past?" Pulang-pula ang kulay ng wine na nasa kopita na hawak ko. Inamoy ko ang laman niyon, and smiled again. Hindi talaga pumapalya si Luis na gisingin at gawing buhay ang buong sistema ko. This little game of him never fails to amuse me. "Past will never change. Alam mo ba ang natutunan ko. Kahit ano'ng gawin mo, tulad ka pa rin ng dati. You will do everything just to get my attention. Calling me a monster is the only nice thing you did to me before." Ibinuhos ko sa mesa ang wine. Dumaloy ang pulang likido sa puting table cloth. "What are you doing?!" Luis exclaimed. Muntik ng lumuwa ang mata niya sa gulat sa ginawa ko. "Are you crazy?!" Lumapad ang pagkakangiti ko lalo sa narinig kong mga salita sa kanya. Tumayo na ako. Pinasadahan ko ng tingin ang tumutulo na ngayong wine sa sahig, saka hinarap ang nakatayo na ngayong si Luis. "Alam mo ba kung bakit limang beses kitang tinanggihan? Obviously, because you never learn. Siguro tinuturuan ka ngayon ni Mrs. Salazar ng mga hidden technique niya. But I'm sorry that doesn't work to me." "Meg." "Kahit ano'ng gawin mo, mananatili kang basura sa paningin ko. Kayo ng nanay mo na ganid sa pera at handang luhuran ang sino man para lang makuha ang mga gusto n‘yo. You're all pathetic and garbage." Tinalikuran ko siya at akmang lalapitan ang sekretarya ko na abalang kinakausap ang marahil may-ari ng restaurant. Bakas sa mga mukha ng mga customer na naroon ang takot habang nakatuon ang atensyon sa akin. "Meg!" bulyaw ni Luis. Narinig ko ang malakas na singhap ng mga taong naroon. Nang lingunin ko si Luis, nagulantang akong makita na nagmartsa siya patungo sa akin habang hawak ang isang dinner kn*fe. Pero imbes na sumigaw at humingi ng tulong, ngumisi lang ako. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko habang hinihintay siya. "Meg..." Nagdilat ako ng mga mata at bumungad ang mukha ni Mikhail sa akin. Ibinalot niya ang mga bisig sa akin. "Are you alright?" tanong niya. I can now perfectly see his beautiful deep blue eyes. Ngumiti ako. "It smells blood." Iginaya ko ang mga kamay ko sa likod niya. Tama nga ang hinala ko hinarang niya ang sarili sa kutsilyo na hawak ni Luis. "Stupid. You should've let me die." Maya-maya lang ay napaluhod na siya. Tinapunan ko ng tingin si Luis, mabilis na tumakbo ito at makikitang maagap din na naharang ng mga taong naroon. "No." Narinig kong bulong niya sa 'kin. Kinilabutan ako sa mainit niyang hininga sa tainga ko. Hawak ko siya ngayon, kasalukuyang nagkakagulo sa buong lugar. May lumapit sa amin na marahil staff ng restaurant. "We already called an ambulance," wika nito. Tumango lang ako bilang tugon. "Did you hear that?" I asked Mikhail. "They already called an ambulance, don't lose consciousness." Lubhang nagtaka ako ng hindi na siya gumalaw sa bisig ko. Tinapik-tapik ko ang braso niya. "Are you okay?" tanong ko. Nang hindi siya sumagot medyo nataranta na ako. Pumasok agad sa isip ko ang mahabang proseso bago makahanap ng panibagong sekretarya, and he is way useful to die this suddenly. Hinawakan ko ang mukha niya para iharap sa akin. "Are you still alive?" Sinaway ako ng mga staff na naroon, huwag ko raw galawin ang pasyente pero hindi na ako makatiis. Muntik na akong mapasigaw ng magdilat siya ng mga mata. Sa ikatlong pagkakataon nakita kong muli ang mga magaganda niyang mata. He is way bigger than me. Kaya hirap din akong panatilihin siya sa pwesto gayong nakatusok pa rin ang kutsilyo sa likod niya. Medyo kumalma ang sistema ko ng makitang igalaw niya ang dalawang kamay para hawakan naman ang mukha ko. Pero ang sumunod na nangyari ay wala sa kahit ano'ng hinuha ko na kaya niyang gawin. Nanlaki ang mga mata ko. He just kissed me! Balak ko sanang itulak siya kaya lang baka bumaon ang kutsilyo sa likod niya, at masyado ring malaki ang katawan niya. Naramdaman ko ang kakaibang malambot na bagay sa loob ng bibig ko. Is that his tongue? This bastard! What the hell is he doing?! Nakaupo pa rin ako sa sahig ng restaurant, may ilang mga tao roon na nag-alok na itayo ako. Pero ng hindi ako nakumbinsi sumuko rin ang mga ito, mabuti na lang at nakapagbayad na ang sekretarya ko bago mangyari ang hindi ko yata inaasahan sa buong buhay ko. Padabog kong dinampot ang bag ko sa tabi ko. Kumapit ako sa isang upuan na malapit sa akin. Marahas kong pinukulan ng tingin ang isang staff na nakabantay sa 'kin simula pa kanina. "Could you drive me home?" tanong ko. "Po? Hindi po ako driver Ma'am," tanggi niya. Inayos ko ang nagulong buhok ko kanina. "Who will drive me home?" tanong ko, rinig na ngayon ang boses ko sa lahat ng panig ng lugar. "I'll pay you enough money so you won't have to work anymore for the rest of your life!" Halos magkadarapang lumapit ang mga taong naroon lalo na ang una kong tinanong kanina. "Ma'am, marunong po ako mag-drive," aniya. Pumalatak ako at inihagis sa kanya ang spare key ng sasakyan. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD