Kabanata 6
"ARE YOU still breathing?" tanong ko kay Mikhail. Nasa isang hospital private room ang sekretarya ko matapos tahiin kani-kanina lang ang sugat na natamo, malayo sa bituka at puso. Matagal pa bago malagutan ng hininga kaya marami pa siyang pagkakataon na ipaliwanag ang isang nakahihindik na ginawa niya sa akin kanina.
Hindi siya sumagot at parehong pikit ang mga mata. Balak ko sanang umuwi kanina, pero naudlot ng maalala kong hindi pa ako kumakain. Nagtungo ako sa may sulok. Pinagmasdan ko ang kakaibang nakasabit na larawan doon.
"Malayo ang saksak sa lungs mo. I know you can speak," bigla kong wika habang pinapasadahan naman ng tingin kung sino ang kumuha ng larawang iyon.
I heard him groaned. Nilingon ko siya at nakitang dilat na ang dalawang mata. Umangat ang magkabilang sulok ng labi ko at nilapitan agad siya.
He was lying on his side when I looked at in his eyes. Animo'y ilalim iyon ng karagatan na kumikislap sa dala ng mumunting liwanag na mayroon lamang ang silid. Hindi ko tinanggal ang mga mata kong tinitingnan ang mga iyon. As if, I'm drowning myself to this man's beautiful pair of eyes. I could see more than just a color, it's a paradise. "Could you sell your eyes to me?" I asked suddenly.
Walang reaksyon ang rumehistro sa mukha niya sa naging tanong ko. Ang ibig bang sabihin niyon ay hindi siya kumokontra oras na basta ko na lang dukutin ang mga mata niya.
Inilapag ko ang purse ko sa kama niya at kinuha mula sa loob niyon ang kutsilyong tinanggal sa kanya kanina.
"What are you doing?" I wasn't able to move my hands after hearing his powerful voice. Pilit na hinarap ko siya. Nagulat na lang ako nang kunin niya sa kamay ko ang hawak na kutsilyo at ilagay iyon sa taas ng isang drawer na naroon.
Eksaheradong sumimangot ako. Sa maiksing panahon na 'yon ng magdaiti ang balat namin dumaloy sa balat ko ang kakaibang sensasyon. Napakunot-noo ako. "Buhay ka pa pala," wika ko.
Nag-iwas siya ng mukha na ipinagtaka ko. Karaniwan siyang nakaharap sa akin sa tuwing kinakausap ko siya.
"Hindi ka ba magsasalita tungkol sa nangyari kanina?" Taas ang isang kilay na tanong ko. Iginaya ko ang isang dulo ng daliri sa braso niya. Batid kong nakakaramdam siya ng sakit sa matulis kong kuko. I wanted him to face me. "You are a cunning person. Acting like you are about to die..."
Sa ikalawang pagkakataon natigilang muli ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Stop it already, Miss Meg."
Naiyukom ko ang mga kamay at nakagat ang ibabang labi. Hinarap niya na ako. Nagulat akong makitang pilit siyang tumayo kahit bumuka na ang tahi niya. "What are you doing?" I asked with a puzzled look.
He kneeled in front of me. "I was not in the right mind, I couldn't think properly anymore. I'm sorry Miss Meg." I'm astound to hear his begging voice, it's as if a beautiful song is playing in my ears. A naughty smile formed in my lips as I stared at him. I want this man! I couldn't wish for more, just having this man by my side can complete my life.
Pinantayan ko siya. "Do you have family?"
"No." His voice gives shivers down my spine everytime he utters words.
Hinawakan ko ang sugat niya na ngayon ay nagdurugo na. "A girlfriend?"
I saw for the third time a sudden glint in his eyes from my last question. I playfully smiled.
He shook his head.
"Good." Inalalayan ko siyang makatayo upang makabalik siya ng kama. "From now on, you're no longer my secretary. You're now my boyfriend." Ibinalot ko sa kanya ang comforter.
Mistulan siyang nanigas. Binalingan ko siya at hinawakan ang kanyang mukha. Umismid ako sandali ng isipin kung ano ang kompletong pangalan niya. Matagal-tagal na rin noong huli kong nakita ang curriculum vitae na pinasa niya. Tabingi na ang ngiti ko nang hinawakan ko ang mukha niya. "What's your complete name again?" tanong ko.
Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa mukha niya. Pansin ko na hanggang ngayon hindi pa sa kanya nagsi-sink in ang lahat ng sinabi ko. Totoo naman, he could have now a higher salary so he was still shock.
"I'm Mikhail Alfazaro, Miss Meg."
Tanapik-tapik ko ang labi niya. "Don't call me Miss Meg. Tawagin mo na lang akong Meg or Meagan, kung saan hindi mahahalata ng iba na hindi tayo totoong magkasintahan."
Tumayo ako ng maayos at pinagpagan ang nalukot kong damit.
"See you in three days," paalam ko sa kanya. Alastres na ng madaling araw tiyak tulog na sa labas ang napulot kong driver.
Iniwan ko na ang former secretary ko. Makalipas ang tatlong araw hindi na siya magtatrabaho sa kompanya ko. Isa na siyang nobyo ng kilalang Meagan Valmadrid.
Saka ko lang napagtanto na matagal-tagal na siyang nagtatrabaho sa akin subalit kaunti lang ang alam kong personal information tungkol sa kanya. Well, we could have the rest of the time in the world to know one another. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan, and I like his eyes.
Tahimik ang ospital kung saan din naka-confine ang tiyuhin ko. Ang buong akala ko ay magkukrus ang landas namin ni Mr. Harrison, pero mas mahal ako ng tadhana dahil kahit anino nito ay hindi ko nakita.
Wala rin akong nakikitang tao na naglilibot-libot.
Napangiting muli ako at tumingala na agad bumungad ang puting kisame.
Hindi nagtagumpay si Mrs. Salazar sa plano nitong mapatumba ako ng ganoon kadali lalo na at isinali pa nito si Luis. Duda tuloy ako kung ampon lang talaga si Luis dahil napakalaki ng pagkakapareho ng mag-ina.
Luis is trying to harm me again. Sa ilang beses niyang pagtangka na lagyan ng droga ang inumin ko ay hindi siya nagtagumpay. I can easily read his eyes. Masyado siyang excited sa lahat ng bagay, kaya lalo siyang halata.
Marahil minsan niya akong nasaktan na nagbunga na ilang araw akong nanatili sa ospital, at wala ni isang naniwala sa akin. Ngayon, hindi na siya makakatakas sa mata ng lahat.
That freak wants to marry me. Umiling-iling ako sa mga salitang binitawan niya kanina. Kahit baliktarin ang buong mundo, I will never look at any man's eyes.
Humalakhak ako ng malakas. Lalong kapana-panabik ang mga nangyayari ngayong malapit ko ng makuha ang buong kompanya.
***