Kabanata 7
"SO, WHERE are we going?" Nakangiting binalingan ko sa tabi ko si Mikhail. Halatang wala siyang ideya na iba ang suot ko ngayong araw hindi tulad sa mga karaniwang outfit ko kapag lumalabas. I'm wearing a flattering halter-style bodice, bagay ito sa maliit kong waistline. The unique watercolour maxi gave me an aura of less formality.
Gusto kong maramdaman niya ang kahit papaanong sincerity ko sa paglabas namin. Para kung sakaling balang araw ay masangkot siya sa isang aksidente maisip niyang ibigay na lang sa akin ang mga magaganda niyang mata.
Maganda rin na makita ng mga tao na nagpalit ako ngayon ng fashion style, I wanted to introduce this new get-up.
Nagmatigas din akong maupo sa tabi niya habang nagda-drive siya.
"In a restaurant Miss Meg," aniya.
Eksaheradong sumimangot ako at sinilip ang likod ang passengers’ seat. Hindi man lang nag-abalang bumili ang hudyo ng kahit ano'ng regalo para sa akin o maski bulaklak. "Ayoko ro'n, natrauma yata ako noong nakaraan. Sa iba na lang," untag ko.
"Understood."
"Am I your first date?" Sandaling tinapunan niya ako ng tingin at agad ding ibinalik sa daan ang atensyon.
Napansin kong nag-isip pa siya ng isasagot. Anyways, what I only like about him is his voice and efficiency. "No."
Umismid ako. "Is that so. Then, I believe you know where to bring your date aside from a restaurant."
"Yes, of course Miss Meg."
Nanlaki ang mga mata ko ng tumambad sa mukha ko ang lugar kung saan ako dinala ni Mikhail. This is not a place to have a date!
Nanggagalaiti kong hinanap sa tabi ko ang hudyo subalit bigla na lang siyang nawala. Inilibot ko ang paningin sa buong lugar para hanapin siya ngunit nabigo ako.
Nagpasya akong maglakad-lakad sa lugar. Pero agad na natigilan ng may mga batang nagtatakbuhan sa harap ko.
‘Amusement park is for kids!’ I yelled inside my head.
"Where are you going?" Patakbong nilapitan ako ni Mikhail nang makita niya marahil akong nakatayo sa mismong gitna ng entrance ng lugar.
Nakapameywang ako at taas ang isang kilay ang isinalubong ko sa kanya.
Umikot ako para ipakita sa kanya ang outfit ko na halatang hinding-hindi magiging bagay sa lugar na 'to. Inismiran ko siya bago pumalatak. "Is this some kind of a joke?"
Nagkibit-balikat lang siya dahilan para mapamaang ako saka niya inilagay sa kamay ko ang isang inumin.
"Don't tell me you don't know where to bring a woman?!" I exclaimed. I hitched to my side, when I accidentally bump to a child. Nang akmang dadaluhan ko sana ito may tila kung ano'ng pumigil sa akin. Maya-maya lang ay lumapit ang isang babae at tinulungang makatayo ang marahil anak nito.
"Ano ba‘ng ginagawa mo? Hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo!" bulyaw ng babae sa akin. Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Ikaw pa ngayon ang malakas ang loob tumingin ng masama!"
Ngumisi ako. "How much?"
Kumunot ang noo ng babae. "Ano?"
"Magkano?" Maririnig ang matinis na pagtaas ng boses ko kaya napalingon na ang mga tao sa amin. "Is your child that badly hurt? I'm asking how much you want."
Pinanlakihan ko siya ng mata nang mahalatang hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ko. She is somehow blabbering some words that makes me more irritated.
"Teka," she paused for a second. "Parang nakikilala kita." Tinitigan niya akong mabuti.
Nang akmang kukuha na ako sa loob ng bag ng pera agad humarang sa harap ko si Mikhail. "If the child needs an immediate attention you can bring him to this hospital." He gave the lady a card. "Malapit lang ang ospital dito at pwede kayong dumaan kahit ano mang oras n‘yo gusto. Don't worry, everything that you will be needing from there is covered by that card. You can also leave your number to that hospital so we can compensate you with money."
Sandaling sinulyapan niya ang bata. Agad na nagtago ito sa likod ng ina. "Are you from Hera Cosmetics?!" Sa isang iglap nagawang baguhin ang anyo ng mukha ng babae ng dahil lang sa company na nakalagay sa card. Lumiwanag ang mukha nito na ngayon nga'y ngiting-ngiting hinawakan ang magkabilang kamay ko. "I'm using that company's face cream, grabe ibang klase talaga ang produkto ng Hera. Natanggal sa loob ng ilang araw ang wrinkles ko!"
Habang walang ideya ang babae ay unti-unti kong tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa akin. "Ganoon ho ba?" sabat ni Mikhail.
"Mahal ang lahat ng products nila pero kita naman ang effectiveness! I'm a huge fan of Hera Cosmetics!" Halos magtatalon na ito sa sobrang tuwa na marahil ng ikwento pa lang nito ang husay ng product. Pero hindi ko inilaan ang araw na ito para pakinggan ng personal ang komento ng mga customer.
Sinulyapan ko ang batang kanina pa nakakapit sa ina nito. Marahil takang-taka sa mabilis na pagkawala ng galit ng ina.
Hinawakan lang ako basta ni Mikhail sa beywang at iginaya palayo roon. Saka ko namalayan na pinalilibutan na kami ng tao ang iba'y dikit ang magkabilang kilay habang nakatingin sa akin. Nagkikislapan ang mga flash ng camera na kumukuha sa amin ng larawan. Teka, bago masayang ang pagkakataong ito.
Huminto ako sa paglalakad. Maging si Mikhail ay nagtatakang humarap sa akin. Ngumiti ako ng kay lapad at hinila ang suot niyang necktie.
I kissed him while the flashing of the cameras could be seen everywhere. Pero laking gulat ko ng tinugon niya ang halik ko ng malalim. Nanlaki ang mga mata ko at pilit siyang itinulak palayo. Pero nakapalibot na ang braso niya sa beywang ko habang ang isa'y nakahawak sa mukha ko.
Sa ikalawang pagkakataon, hindi ko alam ang gagawin. Wala ito sa ideyang sumagi sa isip ko kanina. Saka ko ngayon napagtanto. Who is Mikhail Alfazaro? How could he just looked at me in the eyes and kissed me like this?
There is also a weird tingling sensation in my heart when he stopped kissing. Then, he gently caresses my lips.
Nanatiling nakatitig ako sa mga asul niyang mga mata at batid kong ng mga oras na iyon. Nagkaroon ng panibagong uri ng emosyon sa puso ko.
***