Kabanata 8

1077 Words
Kabanata 8 Umismid ako nang silipin ang ginagawa ni Mikhail sa loob ng isang shop na nadaanan namin. Wala akong ideya kung nasaan na kami sa loob ng amusement park at kanina pa ako nagrereklamo na gusto ko ng umuwi. Mali yata ang desisyon ko na hayaan siya sa lahat ng bagay na gagawin namin ngayon araw. Nagulat ako ng humarap siya sa akin. "Please, have a sit," hindi nakatinging sabi niya. Nagtaas ako ng isang kilay at sinunod ang sinabi niya. Naupo ako sa isang bakanteng bench sa hindi kalayuan. Lumuhod siya sa harap ko, agad kumunot ang noo ko ng makita ang hawak niya. "No!" sigaw ko. Tumingala siya upang tingnan ako. Napalagok ako ng laway nang makita ng malinaw ang mga magaganda niyang mata. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi dahil pilit kong sinasaway ang sariling huwag dukutin ang mga mata niya. "What's wrong?" nagtatakang tanong niya. "Kanina ko pa napapansin na hirap kang maglakad sa suot mong stilleto." Dahan-dahan niyang hinawakan ang paa para isuot ang nabili niyang doll shoes. Dumaiti sa balat ko ang mainit niyang kamay na muling nagdulot sa akin na magulat. Maya-maya lang ay inilagay na niya ang suot kong stilleto kanina sa isang paper bag at tumayo siya. Saka ko lang napagtanto ang malaki niyang katawan ng humarang iyon sa sikat ng araw at bigyan ako ng lilim. Inilahad niya ang kamay sa harap ko. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya, he possessed beautiful pair of eyes, a pointed nose, a pinkish lips and a perfectly scultured face. Bumagay din sa kanya ang suot na simpleng polo at asul na jeans. Kung hindi marahil niya ako hinintay sa labas ng hotel room ko ay hindi ko malalamang siya iyon. Pikit ang mga matang ibinaling ko ang mukha sa ibang direksyon at tinanggap ang kamay niya. "Nagugutom na ako," reklamo ko. Hindi na marahil mabilang kung ilang beses akong nag-complain sa harap niya, pero hindi naman siya nagpapakita ng disgusto. Wala naman akong inaasahan na makita sa mukha niya dahil umpisa pa lang ng magtrabaho siya sa akin. He never showed me any emotions aside from his straight face. However, this past few days I could say that there is something different. Hindi ko alam kung kailan iyon nagsimula, pero alam kong may malaking nagbago. I think, I'm liking this man. Iginaya niya ako sa isang maliit na stall na nagtitinda ng icecream. Napasinghap ako sa gulat ng basta niyang inabot sa akin ang isang cup niyon, nag-uumapaw ang toppings niyon ng chocolate at whipped cream. "Too much calories," usal ko habang nanlalaki ang matang tinitingnan ang hawak ko. "You don't like it?" Mikhail asked. Kiming ngumiti ako. "Of course, I don't like it," maktol ko. Kinuha iyon sa kamay ko ni Mikhail. "What do you like to eat?" Hanggang ngayon hindi ko pa rin inaalis ang atensyon ko sa hawak niya, animo'y kasalukuyang nangungusap sa akin ang hawak niya sa kamay na icecream. I couldn't help but to be tempted by beautiful icecream. Pakiramdam ko naglalaway ako ngayon kahit tinitingnan lang iyon. May kung ano'ng tila nagpagising sa diwa ko at napaisip, darn those calories–I'm hungry! Kinuha ko iyon sa kamay niya. "Maybe, I can have this for once." Sinimulan kong lantakan iyon at wala akong pakialam kahit nagkalat sa mukha ko ang whipped cream niyon. Sa isang iglap nagulantang ang buong sistema ko ng mahagip ng mga ko sa unang pagkakataon ang ngiti ni Mikhail. Sandaling natigilan ako sa pagkain at paglalakad. Sinimulang punasan niya ang mukha ko. "Let's get married," I said, then I mindlessly took his hand. Pinagsiklop ko ang mga kamay namin habang nakatitig sa kanyang mabuti. "You don't have a family so do I? Let's get married." Wala akong nakitang reaksyon sa mukha niya at sa isang iglap ay naglaho ang mga ngiti sa labi niya. "We're on our first date," aniya. Ibinaba ko ang mga tingin at binitawan ang kamay niya. "You're right, we could just end it right now and let's get married this afternoon." Kumunot ang noo niyang ipinagtaka ko. Hindi ba siya kahit kailan nahumaling sa itsura ko? I'm pretty, and I do have a gorgeous body! Iniwas niya ang mukha. "I'm sorry, pero wala akong plano na magpakasal Miss Meg." Napamaang ako nang magsimula siyang maglakad palayo sa akin. Nanggagalaiting hinablot ko ang braso niya. "Where do you think you're going?" angil ko sa kanya. "We're not yet done!" Malamlam na tiningnan niya ako sa mga mata na animo'y nakikita niya ngayon ang buong pagkatao ng isang Meagan Valmadrid. "I will come along with you if you stop complaining and asking for us to get married," wika niya. I'm astound. I couldn't comprehend what he said, but one thing is yet for sure he's rejecting me. "You're my employer, we shouldn't breach anyone's life to the extent of getting married instantly." This bastard kissed me! Pero kung umakto siya, para bang napakalinis niyang tao. Pilit kong pinakalma ang sarili. "So, what?" wika kong pinipigil na sunggaban siya at ilagay sa sako. "Ano ba dapat muna nating gawin?" Laking gulat ko ng muling sumilay sa mga labi niya ang isang munting ngiti. Tumikhim ako. Bakit ba ako nagagalit sa taong ito? Kikibot-kibot ang mga labi ko ng sulyapan ko ang daan. "We're on our date," wika ko kalaunan at kung umasta ay inosente sa mga unang nangyari. Napapiksi akong maramdaman ang kamay niyang humawak sa kamay ko. I saw his smiling face right in front of me. Sa ikalawang pagkakataon naramdaman kong muli sa dibdib ko ang kakaibang emosyon, hindi iyon pamilyar sa akin, pero nagugustuhan ko iyon. It gives me this feeling of happiness. Dumaloy sa kamay ko ang init na nagmumula sa kanya. Nang mahagip ng paningin ko ang ibang mga couple na naroon sa lugar na nag-e-enjoy ginusto ko rin na maranasan ang kakaibang pakiramdam na iyon. I had to admit, this man brought new emotions into my system, extreme possessiveness and unique contentment. Kung hihilingin ko bang manatili siya sa akin habambuhay, papayag kaya siya gayong babayaran ko siya ng pera na higit pa sa maiisip niyang mahawakan. Wala siyang plano na magpakasal? Kukumbinsihin ko siyang magpakasal, aangkinin ko ang lahat sa kanya ang nagmamakaawa niyang boses, mga mata at ang mukha niya. Lahat-lahat sa kanya ay magiging akin. A mysterious smile formed on my lips as I followed him around. You will be mine, Mikhail. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD