Kabanata 9
"SA TINGIN mo ba talaga first time ko lang sa lugar na 'to?" tanong ko kay Mikhail habang bumibili siya ng ticket para sa ferris wheel. "Nakasakay na rin ako diyan ng minsan magkaroon kami ng school field trip," dagdag ko nang sundan ko siya patungo sa entrance ng naturang ride.
Hindi siya umimik hanggang sa makasakay kami. Kahit gaano pa manghang-mangha ang ibang tao na naroon sa loob ng ride, hindi ako nakaramdam ng kahit anong pagkasabik sa lahat ng makikita sa labas ng bintana.
Humalukipkip ako at taas ang isang kilay na hiranap si Mikhail. "Ang ganda naman dito," pasisinungaling ko. Pilit ang ngiting bumakas sa labi ko.
Malamlam ang mga tigtig na binigay niya sa akin. Simula pa kanina kakaiba ang t***k ng puso ko sa tuwing nagtatagpo ang aming mga mata. "We can look around instead if you don't like rides," he said.
Halatang agad niyang nahimigan sa tono ng boses ko ang disgusto. Dalawa lang kami sa loob kaya malaya akong pumalatak at umastang may-ari ng lugar.
"Ano ang pinaplano mo? Bakit sa ganitong lugar mo ako dinala? Do you think I will enjoy these things?"
Ibinaling niya sa labas ng bintana ng ride ang atensyon. "I told you, I will come along with you if you stop complaining."
"Are you ordering me around?"
Humarap muli siya sa akin. "No, Miss Meg."
I snorted with the kind of face he had showed me. Bigla akong nakaramdam ng panibagong emosyon sa dibdib. Tila nakaramdam ako ng lungkot sa naging turan niya, habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya nakikita ko mula roon ang lungkot.
Pero hindi ko alam paano bigyang mas malalim na paliwanag ang bagay na iyon. Sadness is a unique feeling for me.
"Ano pa ba ang gusto mong gawin natin?" usisa ko kalaunan na hindi siya tinitingnan. Bago lang sa akin ang kakaibang emosyong umuusbong sa puso ko. "Kung sa tingin mo, kaya mo ako dinala sa lugar na ito ay dahil hindi ko naranasan maging bata at mag-enjoy sa buhay. Pwes, nagkakamali ka. Naranasan ko ring maging bata, sumakay ng carousel, ferris wheel at roller coaster."
Sandaling sinulyapan ko siya.Hindi man lang siya nag-abalang tapunan ako ng tingin habang nagsasalita.
Lalo tuloy napuno ng katanungan ang isipan ko tungkol sa tunay na pagkatao niya. Why did he apply to become my secretary? How did he end up being with me?
Maraming gumugulo sa isip ko at isa na roon ay ang malinaw na pagkabaliw ko sa kanya.
"Who are you?" naisatinig kong tanong habang nakahalukipkip.
Halatang hindi niya inaasahan ang tanong na iyon na manggagaling sa akin. I never asked for his name, someone only called him Mikhail while we're in the office that's the first time I heard and knew his name.
"I'm Mikhail Alfazaro, your secretary Miss Meg."
I hesitated. I gulped with his intent stares at me. "No, should I rephrase my question for you to get my point?"
Hindi siya sumagot.
Pagkakataon ko na iyon upang kastiguhin siya nang biglang bumukas ang pinto. "Okay na po. Pwede na po kayong lumabas," wika ng staff ng naturang ride.
Nauna akong tumayo at padabog na lumabas. Inirapan ko pa ang staff na sinira ang magandang tyansa ko kanina.
Kasunod ko sa likod si Mikhail. I confronted him. "Who is Mikhail Alfazaro? Do you perhaps want to take my company away from me?"
Nakatitig siya sa mga mata ko dahilan para mag-iwas na naman ako ng tingin sa kanya. "No." Iyon lang ang naging sagot niya ng muling hawakan ang kamay ko.
Kung saan-saan na stall niya ako dinala at halos mangatog na ang mga paa ko sa matinding pagod, pero sa unang pagkakataon nagawa kong makita ang hindi pamilyar na mga mukha ng tao. People are smiling genuinely.
Natigilan ako ng may bastang humawak ng suot kong damit. "Ate, alam n‘yo ba kung nasaan ang mommy ko?" tanong ng isang bata na nasa lima o apat na taong gulang. May pasak ang bibig niya na malaking candy na unang pumukaw ng atensyon ko. "Ate..."
Tumalim ang mga mata ko ng hilahin niya ang damit na suot ko. "I'm not your ate," wika ko ng akmang iiwan na siya.
"Pero naliligaw po ako," aniya.
Taas ang dalawang kilay na luminga-linga ako sa paligid upang maghanap ng ibang tao na naroon para makatulong sa bata. "Bakit kasalanan ko bang naligaw ka?"
Nagpupuyos na ako sa galit nang magsimulang umiyak ang bata. Wala naman akong alam na dapat gawin para patahanin siya. Kung pwede lang iwanan ang bata ay matagal ko ng ginawa kaya lang hawak-hawak niya ngayon ang suot ko na pwedeng malukot o masira.
Nasaan na ba si Mikhail? Kanina pa ako naghihintay sa kanya, ang paalam niya ay kukunin niya lang sandali ang sasakyan at maghintay lang ako sa exit ng lugar.
"Mommy!" ngawa ng bata.
Kunot ang noo na tiningnan ko siya. "Hindi nga sabi ako ang mommy mo," iritableng sabi ko habang inaalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Sabi ko po, naliligaw ako..."
"Hindi ko na kasalanan kung naliligaw ka. Pwede ba, maghanap ka na lang ng ibang hihingian ng tulong. Naiintindihan mo ba ako?"
Ngunit hindi pa rin natinag ang bata. "I want my mommy!"
Umismid ako at pinantayan na siya. "I don't have a mom."
Sa isang iglap tumigil sa pag-iyak ang bata sa sinabi ko. "No mommy?"
Tumango ako. "Yes, I don't have mom. That is why you're lucky because you have a mom. Kaya ‘wag ka ng umiyak diyan, hindi magtatagal mawawala rin ang mommy mo at iiwan ka."
Mariing napapikit ako ng may bigla na lang humampas sa ulo ko na matigas na bagay. Nang tingnan ko kung sino ang walang pakundangang gumawa niyon, tumambad ang isang babaeng nasa mid-forties na nagpupuyos sa galit. "Isa ka sigurong kidnapper na umaaligid ngayon, lumayo ka sa anak ko bago pa ako tumawag ng pulis!" banta nito.
Sapo ang nasaktang likod na bahagi ng ulo ko, matamang tiningnan ko ang ginamit niyang panghampas sa ulo ko. Natawa ako ng pagak nang mabuting napagmasdan ang pekeng branded na bag na hawak ng babae.
"What a day," usal ko at malalim na bumuntong-hininga. Gusto ko na siyang sugurin at ihampas din sa pagmumukha niya ang tunay na branded na bag na hawak ko ngayon. Pero wala na akong oras para gawin pa iyon dahil masasayang lang ang lakas na natitira sa akin.
Bakas sa mukha niya ang matinding takot nang sandaling iayos ko ang nasirang buhok.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tuluyang iniwan na lang sila. Wala akong pakialam kung tunay na tumawag siya ng pulis. Ngayon ang gusto ko lang ay mahiga sa malambot kong kama habang nasa tabi ko si Mikhail at hawak niya ang mga malamig kong kamay.
***