Kabanata 10

1607 Words
Kabanata 10 HINATID MUNA ako ni Mikhail sa hotel room ko bago siya umuwi. Kasalukuyan akong nakatitig sa ceiling ng kwarto ko na animo'y may interesanteng bagay na makikita roon kahit sa totoo lang wala naman. Hindi ko magawang ikilos ang buong katawan ko matapos na mahiga sa malambot kong kama. I'm tired, iyon marahil ang sigurado. I'm tired convincing Mikhail to marry me. Pero gumugulo pa rin sa isip ko ang tunay niyang pagkatao. Sinubukan kong kumilos para tingnan ang loob ng drawer katabi ng malaki kong kama. Naupo ako sa bandang gilid niyon matapos kong mapagtagumpayan ang isa sa mga mabibigat na pagsubok na aking pinagdaanan, ang kalabanin ang katamaran. Binuksan ko ang drawer at tumambad sa loob niyon ang marami kong sketch pad na hindi ko na nagamit. Isa-isa kong tinanggal ang laman niyon hanggang sa makita ko ang hinahanap. Nakangiting pasalampak akong nahiga muli sa kama. Sinimulan kong basahin ang pangalang nakalagay doon–Mikhail Alfazaro. Gumuhit sa mga labi ko ang mapaglarong ngiti ng bumungad sa akin ang mukha ni Mikhail sa unang pahina. Kahit medyo maliit iyon, sapat na sa akin makitang hanggang sa mga kuhang larawan niya ay hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Napangiwi ako nang maalala ang ngiti niya na unang beses kong makita sa kanya. Sa isang iglap napuno ang puso ko ng galak nang manariwa sa aking alaala ang nangyari sa amusement park. Biglang may kung ano akong naramdaman sa tiyan na kakaiba, hindi iyon nagdulot sa akin na makaramdam ng sakit ng sikmura. Ibang-iba iyon sa mga dati kong na-experience. Kumuha ako ng gunting at ginupit ang maliit na larawan ni Mikhail mula roon, saka ko naman kinuha ang wallet ko at tinanggal ang dating nakalagay na larawan kong panakot ng daga. "Done!" I said while looking at Mikhail's picture on my wallet. Binalikan ko ang natira sa papel na dating pinasa ni Mikhail. Binasa ko ang ibang nakasulat doon lalo na ang mga private information niya. Tatlong taon na ang nakalilipas noong ipasa niya iyon at hindi siya nagsisinungaling na wala nga siyang pamilya o magulang na nakasulat maliban sa isang guardian na iba ang apelyido sa kanya. Lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko ng makita ang permanent address na nakasaad doon. Halos magtatatalon ako sa tuwa ng mapagtanto na alam ko ang lugar na iyon. Mabuti na lang at Linggo bukas at wala akong ibang plano na gagawin. Gusto ko siyang sorpresahin gayong wala siyang ideya sa pagbisita ko sa tinutuluyan niyang bahay. Dinampot ko ang bag at kinuha mula roon ang journal notebook ko. Nang buklatin ko iyon ay may maliit papel na nalaglag, hindi ko na iyon tiningnan ng maayos. Kinuha ko rin sa loob ng drawer ang isang cell phone at inilagay iyon sa bag na dadalhin ko bukas. Ngiting-ngiti ako ng ihanda ang lahat ng dadalhin ko lalo na ang damit na susuotin ko para sa sorpresa ko sa kanya. *** TIIM BAGANG ako ng bumungad sa mukha ko ang isang orphanage. "Sigurado ka bang ito ang lugar na nakalagay na sinabi ko sa ‘yo?" iritableng tanong ko sa napagtanungan kong lalaki kanina matapos na sumuko ako. Napagtanto ko kalaunan na naliligaw na ako at hindi na rin alam ang pabalik. Saka ko namalayan na nagkalat ang ibang kabataan sa palibot ko simula pa kanina pinapanood ang lahat ng ginagawa ko. Mukhang hindi si Mikhail ang nasorpresa kung hindi ako na ngayon ay walang ideya paano umuwi. "Oh, Ma'am." Nagtaka ako ng bigla na lang nilahad ng lalaki ang palad. "Dinala ko na ho kayo sa address na tinatanong n‘yo baka naman pwedeng makahingi kahit pangmeryenda lang diyan Ma'am." Ngising aso ang tinugon ko sa kanya. Kumuha ako sa bag na dalang pera. Inabutan ko ang hudyo ng pera at nagmamadaling umalis. Inis na inis akong muling tiningnan ang lugar, marahil lumipat na ng bahay si Mikhail. Napangiti ako sa rason kung bakit ganoon na ang lugar na tumambad sa akin, pero agad ding napawi ang ngiti sa mga labi ko ng mapansing masyado ng luma ang gusali para sabihing dating may naunang nakatayo roon. Sandaling tiningnan ko ang papel kung saan nakalagay ang address ni Mikhail. Napapiksi ako ng bigla na lang bumukas ang gate ng naturang lugar. "Yes, ano po ang kailangan nila?" tanong ng babaeng nasa mid-thirties. Pinasadahan niya ng tinhin ang suot ko ulo hanggang paa. Narinig kong napasinghap siya. "Kayo po marahil ang tumawag kanina na bibisita sa amin pong munting bahay-ampunan!" nakangiting aniya. Binuksan niya nang maluwag ang gate. Napasulyap siya sa hawak kong piraso ng papel na ginupit lang kagabi ang picture ni Mikhail doon. "Diyan po ba nakasulat ang address namin?" tanong niya habang iginagaya ako sa loob. Hindi nga ako nagkamali, bahay-ampunan ang gusaling iyon. "Ito ba talaga ang address na nakasulat dito?" biglang tanong ko ng basta niya akong dalhin sa isang opisina. "Ako nga po pala si Honey Alfazaro ang directress po ng Bahay Sandigan," pakilala niya sa akin. "Maupo po kayo Ma'am," nakangiting alok niya. Inuwestra niya ang sofa na naroon sa loob ng opisina, naupo naman ako tulad ng sinabi niya. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng opisina niya. Nahagip ng paningin ko kanina bago pumasok ang nakapaskil na karatula sa labas na opisina ito ng directress. Wala akong nakitang kahit na anong interesante sa opisina niya maliban sa mga medalya at mga drawing na nakapaskil sa pader. Mariing napapikit ako dahil tila sumakit ang mga mata ko sa mga bagay na nagpapaalala sa akin ng mga bata. "Natanggap ko po ang tawag n‘yo Ma'am kagabi, hindi ko po alam na kinabukasan din po ay binisita kayo rito sa aming munting tahanan." Inilapag niya sa glass table na mababa ang isang tray na may laman na dalawang baso ng kape at plato ng cookies. "Pasensya na po at ito lang po ang naihanda namin sa inyo Mrs. Sebastian," aniya. Marahil kapatid siya ni Mikhail dahil pareho ang apelyido nilang dalawa. "I'm not Mrs. Sebastian," I said without looking at her. Pero nahagip ng paningin ko ang gulat sa mukha niya. "Hindi po kayo si Mrs. Sebastian?" napamaang na tanong niya. Sa pagkakataong iyon binalingan ko na siya. "I'm Meagan Valmadrid." Rinig na rinig ko ang paghinga niya ng malalim ng marinig ang pangalan ko. Bakas sa mukha niya na hindi alam ang sasabihin at hindi ko na hinintay pa iyon. "I'm looking for Mikhail Alfazaro," wika ko. Hindi pa rin siya umimik kaya kumunot ang noo ko. "Bingi ka ba? Ang sabi ko hinahanap ko si Mikhail, nandito ba siya ngayon?" Sa isang iglap nagbago ang ekspresyon ng mukha niya na bahagyang ikinagulat ko. She's smiling ear to ear that gives shivers all throughout my body. "Wala na siya ngayon dito, gusto n‘yo bang ibigay ko na lang sa inyo ang number niya?" alok niya. Hindi ako mapakali sa mukha niyang nakatatakot ngayon ang ngiti sa mga labi, nagdadala iyon sa buong sistema ko ng takot. Parehong-pareho sila ni Mikhail. They were both scary. Hindi ko alam ang susunod na sasabihin dahil ngayon pa lang nawala na sa isip ko ang kagustuhang makita si Mikhail. May kinuha siya sa ibabaw ng mesa niya at dahan-dahan na lumapit sa akin. "‘Wag kang matakot, hindi ako nangangagat Miss Valmadrid." Ayokong aminin pero iba talaga ang pakiramdam ko tungkol sa kanya lalo na sa mga kakaibang tingin niya sa akin. "Gusto n‘yo pa rin po ba na ibigay ko sa inyo ang number niya?" Naningkit ang mga mata ko. I feel like she is mocking me with her fake smile. "I have his number already, instead why not give me his new address." Pinantayan niya ang bawat tingin ko sa kanya. Whoever this woman is. Hindi ko alam ang kaya kong gawin para maalis lang ang mga peke niyang ngiti. Kating-kati akong tuklapin ang buong mukha niya sa matinding iritasyon. "Kung hindi niya ibinigay ang bago niyang address, sa tingin ko wala akong karapatan na ibigay iyon sa inyo." "I'm his employer." Naupo siya sa tapat ko. "I'm his older sister." Mukhang tama ang hinala ko na kapatid siya ni Mikhail. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng isang kilay. "I'm his future wife," I said. Naglahong parang bula ang lahat ng emosyong makikita sa mukha niya kanina, napalitan iyon ng disgusto mula sa narinig sa akin. "Imposible ‘yang sinasabi mo. Kilala mo ba si Mikhail?" Tila nagsimula na siyang mag-hysteria na animo'y aagawin ko sa kanya ang kapatid, pero iyon naman talaga ang point kung bakit ko ‘yon sinabi. Buhay o patay si Mikhail ay hindi mahalaga sa akin. However, much better if he's alive. Kaya lang hindi na pwedeng maging maarte pa ako. "Bakit hindi mo siya tanungin para makasiguro ka?" hamon ko sa kanya. Ngunit imbes na magduda sa akin, madali siyang naniwala sa mga kasinungalingan ko. "Hindi na kailangan." "Tama, hindi mo na kailangan makialam pa sa amin." Muli kong inilibot ang paningin sa buong lugar. "Asikasuhin mo na lang 'tong lugar mo, tutal bagay naman sa ‘yo mamahala ng isang lugar na malapit ng gumuho dahil sa kalumaan." Marahas na tumayo siya. "Wala kang karapatang sabihin ‘yan!" singhal niya sa akin. Tumayo na rin ako at dumukot ng pera sa dala kong bag. Naaalala kong lapad ang pera na dinala ko bago umalis ng hotel room ko. Inilabas ko ang lahat ng laman niyon. Kitang-kita ang gulat sa mukha niya ng tumambad ang lapad-lapad na pera. "Dadagdagan ko pa ‘yan para lang hindi na kita makitang muli lalo na sa nalalapit naming kasal ni Mikhail." Hindi ko na siya tinapunan ng tingin ng ipihit ko ang seradura ng pinto. "Matatanggap mo pa rin kaya siya kung malalaman mong isa lang siyang batang lansangan. Lumaki siya sa aming bahay-ampunan na inaalispusta mo. Ano kaya ang iisipin niya kapag nalaman niya ang lahat ng mga sinabi mo?" Binalingan ko siya sa huling pagkakataon. "He will never hate me," I said while smiling. Kumunot ang noo niya sa huling sinabi ko. "Are you crazy?!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD