Kabanata 17 "I CAN'T do this anymore!" I exclaimed. Nilapitan ko si Harisson ang butler ng pamilya Valmadrid na nakatayo sa hindi kalayuan habang payapang nagtitimpla ng tsaa. Nasa main house ngayon si Meagan matapos niyang i-request na roon na lamang magpagaling kaysa sa hotel suite. Hindi naman problema ang minu-minutong pagbabago ng isip ni Meagan. Padabog na naupo ako sa isang bakanteng upuan sa harap lamang ng coffee machine. Nasa kabilang side lamang n'on si Harisson na tahimik na nakamasid sa 'kin. Mayamaya'y tuluyang bumigay na ako at naitakip ang dalawang kamay sa mukha at ipinilig ang ulo. "Is there a problem?" Dinig kong tanong ni Harisson. "There's a lot of problem," sambit ko sa pagitan ng labis na naiilang na mukha ko. "May nangyari ba?" "Sinabi ko na marami!" Nar

