Kabanata 16 "WHAT is this?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Janice nang pumasok siya ng opisina ko nang umagang 'yon. Halos malamukos ko ang papel na hawak dahil sa matinding galit nang mabasa ko ang nakasulat mula ro'n. Nagmamadali tuloy akong tunguhin ang table ni Mikhail. Only to find out that his belongings are no longer there. Malinis na 'yon at animo'y sa isang buong gabi ay nagawa niyang alisin ang lahat ng bagay na maaaring iugnay sa kanya. As if, he never existed to my life. Nagpupuyos ako sa galit nang mag-isip ako ng marahil na dahilan kaya niya naisip mag-resign. Hindi ba sapat ang salary na natatanggap niya? Should I add more? "Call him, and tell him to come here!" mariing utos ko kay Janice na wala na ring mapaglugaran ang takot ngayon sa mukha. "Miss Meg—" "Bingi k

